31. Mood Swings

8.3K 183 7
                                    


Daniel's POV


One random day.


Nagkayayaan kaming barkada na magbar. Diyan lang sa Valkyrie. Ewan ko ba pero dahil wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw na 'to, um-oo na ako. Makapag unwind daw. Mapilit eh.


Nang makauwi na ako galing sa last commitment ko para sa araw na 'to, tinext ko na si kumander.


To: Kathryn Ko

Mahal may gala kami mamaya sa Valk. Okay lang ba? Kasama ko sina Marco.


Ilang minuto ko hinintay ang reply pero wala. Mukhang busy ang mahal na reyna.. Hanggang sa makatulog ako.


Pagsilip ko sa phone ko, may message na siya dun.


From: Kathryn Ko

Uhmm. Okay! Basta be responsible sa pagtake ng alcohol okay? Don't get drunk :*


Yes! Mukhang good mood to ah. Matawagan nga. Nagbihis muna ako bago tawagan si Kathryn.


Ilang ring palang ay sinagot na ni Kath ang tawag.


Kath: Hi, Bal!


DJ: Hello mahal na reyna. Kamusta?


Kath: Okay lang. Nagbake kami ni Ate with Lhexine! We made a cake and cookies!


DJ: Talaga? Buti hindi nasira yung kitchen nyo..


Kath: Uhh. Grabe ka!


DJ: Joke lang! Hahaha


Kath: Wait lang, DJ ah. -- Ma!!!


Narinig kong may bumubulong sa kabilang linya. Pero kahit anong gawin kong lapit at saksak sa tenga ng phone, di ko maintindihan. So, hinayaan ko nalang.



Five minutes later..


DJ: Kath?


Kath: Ay Deej, nagpaalam ako kay Mama.

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon