Pagkatapos namin sa prod, kumanta pa si Kath ng solo at agad kaming nagpasalamat sa lahat ng pumunta sa show. Tahimik lang si Kath bumaba sa stage habang nakasunod ako sa kanya at kuma-kaway sa mga taga hanga namin.
"Okay ka lang Bal?" Bulong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa parking lot.
Tumango naman siya bilang sagot.
"Anak okay ka lang?"
"Opo Ma. Um, Mama kay DJ nalang po ulit ako sasabay. Pwede po ba?"
Napatingin naman sakin si Tita Min at agad syang tumango kay Kath.
"Oo naman anak." Ngumiti si Kath at agad pumasok sa sasakyan ko.
"DJ ikaw na bahala kay Kath. Alam mo naman yan, sayo lang nagsasabi yan eh."
"Opo Tita Min. Ako na pong bahala. Ako na rin po bahalang maghatid sa kanya sa bahay nyo. Pwede na rin po kayong dumiretso sa inyo, alam ko pong pagod kayo, Tita."
"Salamat anak ha. Oh basta wag na kayong magpupuyat ha. Pagod din kayo. Sige."
Pumasok na si Tita sa van nila at agad yung umalis. Ako naman ay pumasok sa driver's seat habang tahimik lang si Kath sa loob.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago ko naisipang kausapin sya.
"Gutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Pwede tayong mag drive thru?"
*sniff* *sniff*
Nagulat nalang ako nang marinig ko syang umiiyak. Agad kong tinabi ang kotse ko sa daan at hinarap sya. Nakataklob ang dalawang kamay nya sa mukha nya habang umiiyak.
"Bal.." Sinubukan kong tanggalin yung kamay nya pero ayaw nya.
"Tsk.. Baby halika nga dito.." Dahan dahan kong tinanggal yung mga kamay nya at inalalayan sya umupo sa lap ko.
"Ano bang problema ha?" Tuloy pa rin sya sa pag iyak sa dibdib ko at hinahagod ko naman yung likod nya.
"Uyy.. Kapag hindi ka nagsalita, magagalit na ko. Kath.."
"P-Pati .. ba n-naman.. i-ikaw mag-gagalit.. sa.. saken? *sob*" Hala. Ano bang pinang gagalingan ng mga sinasabi nya?
"Bal, hindi gano'n yun. Saka bakit ka ba umiiyak? Sinong may gawa sayo ha? Sabihin mo saken please?"
Pinunasan nya yung pisngi nyang puno ng luha at inabot nya yung bag nya. Habang hinahanap nya yung kung ano man, kinuha ko naman yung tissue sa lagayan dito sa sasakyan ko. Buti may tissue dito.. Teka, bakit nga ba may tissue dito? Ay. Di bale na nga.
"O-oh. *sob*" inabot nya saken yung phone nya. Nasa Ig account nya yun at nasa comments ng picture na pinost nya kasama sina Arisse. Ito yung nag sleep over sila.
Nagscroll si Kath ng konti habang hawak ko yung phone nya. Dun ko nakita yung comment ng isang 1989jj26. Kung anu anong sinabi. Kawawa daw ako, di daw naa-appreciate ni kath yung pagpapasaya ko kay kath. Kesho ganto, kesho ganyan.. Sana daw karmahin si kath. Dinamay din sina Miles at Julia pati na ang OB friends ni Kath. At ang malala, humanap na daw ako ng iba. Anong kagaguhan naman ang naisip ng 1989jj26 na 'to?
Pagkatapos ko mabasa yung buong sinabi nun, tiningnan ko si Kathryn. Namumula ang ilong at mata nya sa pag iyak. Nakatungo lang sya habang naka upo pa rin sa lap ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo nya. "Bal.. Napag usapan na natin ang tungkol sa ganyan diba? wala kang makukuha kung umiyak ka. Mas pinanalo mo pa yung nagpost nyan. Napaiyak at nasaktan ka nya. Diba? Saka.. Alam naman natin ang totoo eh. Wala silang alam sa nangyayare sa buhay natin. What they see is what they get."
