8. The Heartbreak III

9.5K 146 6
                                    


Kath's POV

Nagising ako na ang sakit ng mata at ulo ko. Siguro sa kakaiyak na rin kagabi. Hindi ko na namalayan ang pag uwi ni DJ, pati na rin ang paghiga ko sa kama ko. Ang last time na naalala ko is nakatulog ako sa lap niya habang magkayakap kami.

Tumayo na ko para mag ayos at bumaba for breakfast. Nakita ko si Lhexine, playing with Fishy, Cola and Cloud.

"Kiss lhexine. Kiss tita." She smiled and lumapit sakin para mag kiss.

"Thank you baby. Good morning :)"

"Mornin tita!"

"*giggle* Hello babies! Nasan naman si Snow?"

Syempre walang sumagot sakin so hinanap ko nalang si Snow. Nagpunta ako nang kitchen counter.

"Ma! Where's love?"

"Hindi ko alam eh bunso. Check mo sa labas. Sa may garden."

"Okie."

Sinunod ko naman si Mama. Napansin ko na wala pala si Kuya Kevin. May pasok pala siya. Si Papa naman, siguro umalis or pumunta ng NE. Si Ate Tin, no where to be found pero nandiyan si Lhexine. Haay, ang busy naman nila kung kailan day off ko.

Narating ko na ang garden kung saan nakitang kong tumatakbo si Snow.

"Snow! Love!" Tinawag ko siya pero tumingin lang sakin. Aba!

"Snow ha! Stop ignoring me! Para ka ng daddy mo ah."

Nagulat ako ng may umubo sa likod ko at nang humarap ako..

"Good morning. Gising ka na pala, nag breakfast ka na ba Bi?" May dala dala siyang tray ng pagkain. Dinala nya iyon sa isa sa mga tables na nandito sa garden.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nagluto ako ng brekfast mo. Kain ka na." Ngumiti sya habang inaayos niya ang mga pagkain.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun." Lumakad ako at kinuha si Snow. Inupo ko sya sa isa sa mga chairs sa tabi ko. Kaharap namin si DJ.

"Hindi nga kailangan, pero gusto ko Bi. Kain na tayo."

Nagsimula kaming kumain. May bacon, pancake, egg at bread sa plato naming dalawa. Kumain lang ako habang tahimik naman na nakamasid si Snow. Ramdam ko ang titig ni DJ. Hindi ko naman siya iniimikan, ewan ko pero dahil siguro sa pag uusap namin kagabi na hindi naman natapos ng ayos. Awkward naman kung basta nalang kami babalik sa dati. Napansin kong huminto na siya sa pagkain. Maraming natira sa plato niya.

"Hindi mo ba uubusin ang pagkain mo?" Nakakunot kong tanong sa kanya.

"Busog na ko Bi eh."

Nag shrug nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain, niligpit na yun ng maid namin bago pa maligpit ni DJ.

"Anong oras ka nga pala umuwi kagabi?" Tanong ko sa kanya habang pumapasok kami sa loob. Pinuntahan ko si Lhex na nanunood ng cartoons sa salas.

"Hindi ako umuwi. Dito ako natulog."

"What?!"

"Relax.. Pinayagan ako ni Tita Min. Saka sa guest room ako natulog."

"Alam ba ni Tita Karla??"

"Oo. Bilin niya kase na wag na wag daw akong uuwi hanggat hindi tayo nagkakaayos."

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon