Chapter 2

8.3K 306 66
                                    

Pagkatapos ng kaganapan na yun ay parati nalang ulit niya akong pinapansin at kinakausap habang ang koral naman ay parating umeepal at nakiki join saamin.

Akala ko ayos na ang lahat pero nagbago iyon dahil sa isang kaganapan.

Umiiyak na naka upo si Coraline sa harapan ko habang hawak hawak ang kamay na dumudugo. Walang emosyon na nakatitig ako sakanya dahil alam ko ang totoong nangyari.

Iniinsulto niya si Atarah sa harapan ko at sinasabihan ng masasamang salita. Kinompronta ko siya sa sinasabi niya pero tinulak niya lang ako sanhi upang bumagsak ako sa upuang sira sira na nakatambak sa likuran ko.

Nagsipuntahan ang mga guro sa direksyon niya habang ako ay nanatiling nakatayo at agad na tinalian ang brasong dumudugo. Pilit ko namang ipinagsawalang bahala ang sugat ko sa tuhod dahil sumasayad ito sa suot kong palda.

"What happened?" pagdating ni tarah ay yun agad ang tinanong niya. Gaya ng mga guro ay dumiretso siya kay coraline na nagkukwento kung anong nangyari sinasamahan pa ng pag iyak niya para mapaniwala sila na ako talaga ang may kasalanan.

Hindi ako nagsalita dahil gusto ko ako mismo ang magkwento kay atarah kung lalapit siya saakin.

Pero hindi siya lumapit. Ni isang tingin ay pinagkait niya. Hindi siya nagtanong. Hindi niya ako tinanong kung ayos lang ako. Pero ayos lang... baka mamayang uwian nalang tutal ay sabay kaming umuuwi.

Senermunan ako ng mga teacher at sinuspinde ng isang linggo. Sinabihan din nila akong lumayo kay koral para iwas sa gulo.

PIlit ko namang nag explain at sinasabing hindi ako ang may kasalanan pero hindi sila nakinig. Hindi sila naniwala. Dahil para sakanila tama at totoo ang sinasabi ni koral.

Tinanggap ko nalang. Kay atarah nalang ako magpapaliwanag dahil alam kong papaniwalaan niya ako.

Pagka ring ng bell ay agad akong nag antay sa tambayan namin. Aantayin ko siya dahil gusto kong magpaliwanag.

Isang oras na paghihintay ay nakita ko siya kasama si koral. Inaalalayan niya ito at pareho silang nagtatawanan. Ika ika akong lumapit sakanila at pilit na ngumiti.

"Tarah pwede ba tayong mag usap?" nagbabakasakaling tanong ko sabay ngiti pero nilagpasan niya ako na parang hangin lang.

Hinawakan ko siya sa kamay pero iwiniksi niya lang ito at galit na hinarap ako. Napaigik ako ng hawakan niya ang braso kong may pasa at sugat.

"Aray-"

"Ano? Magsisinungaling ka ba sa harap ko? Nasabi ng lahat ni Coraline. Kung paano mo ko insultuhin at talagang sinaktan mo pa siya! Ayos lang naman na pagsalitaan mo ko pero hindi eh! Ilang beses mo na palang sinaktan si coraline! Sinabihan na kita!" sigaw niya saakin na ikinatahimik ko. Mapait akong ngumiti at naluluhang tumingin sakanya.

"N-naniniwala ka sa kanya? P-paano naman yung side ko?" mapait kong sabi. Nilingon ko si coraline na nakatingin saakin ngayon.

"Bakit? Ano ba ang sasabihin mo? Na may rason ka kaya ginawa mo yun?" sabi niya at tumawa pagkatapos.

Pinanood ko lang siyang tumawa kahit nasasaktan na ako. Bakit? Bakit mas pinaniniwalaan niya si koral? Wala ba siyang tiwala saakin?

"Wag mo na ulit pang lalapitan si coraline at simula ngayon kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin. Wala akong bestfriend na nananakit at masama" ismid niyang sabi. Inakay niya si coraline para maglakad ulit at para maka alis na.

Nakatayo lang ako doon pilit pinoproseso ang kaganapan ngayon araw hanggang sa hindi ko namalayan na nag bell ulit hudyat na uwian na ng mga highschool student.

Nagsimulang pumatak ang ulan hanggang sa sunod sunod na samahan mo pa ng pagkidlat pero nanatili ako doon. Iniisip ang posibilidad na baka totohanin ni tarah ang sinabi niya.

"Yahz?"

"Hey Yahz?"

Nilingon ko ang taong tumatawag saakin. It's Olivia. Ang Maarteng babae na kasama sa pabebe girls. Sa likod niya ay ang ate niyang Grade 10 na si Ate Chelsea.

"What are you still doing here?" tanong ng ate niya pero nanatili akong tahimik. Tumingala ako para tignan ang kalangitan. Umaambon nalang pala. Basang basa ako sa ulan pero wala dun ang atensyon ko.

Kay Atarah.

Tinalikuran ko sila para kunin ang bag sa table ng tambayan namin.

Makikipag ayos ako sakanya at mage explain. Kahit hindi siya paniwalaan. Magpapaliwanag ako kahit anong mangyari.

Patuloy akong naglalakad kahit ika ika ako. Napatigil lang ako nung may humawak sa braso ko. Tumingala ako at nakita ang mukhang nagpangiti saakin ngayon.

Ang mukha ni ate chelsea at olivia na nag aalala.

Para akong nakahanap ng kakampi sa pinapakita nilang ekspresyon. Parang gusto kong umiyak sa harapan nila at isumbong ang totoong nangyari.

"You don't have to explain... Nakita ko ang nangyari" maarteng sabi ni olivia kaya napatawa ako.

"Me too" saad naman ni ate chelsea na parang hindi siya sure sa sagot niya.

Napatawa ako sa dalawang magkapatid na to bago nagsimulang maging madilim ang paligid ko.

.....

Days turn to weeks. Weeks turn to months. And month turns to years

Ni isang paliwanag hindi niya pinakinggan. Iniwasan niya ako hanggang sa sumuko ako dahil baka nga mas pinaniniwalaan niya taong kakakilala niya lang. Kahit hindi niya ako pinapansin ay best friend parin ang turing ko sakanya. Iintindihin ko nalang siya kahit na hindi niya ako inintindi.

Grade 8 student na ako. Nalipat ako kasama si olivia sa ibang seksyon, Pareho kaming napadpad sa section 2. Nung una ay hindi ako pumayag at sinubukan magpalipat pero sinabihan nila ako na madami na daw laman ang section dahil madaming transferee.

Hindi ko tinanggap ang palusot na yun at nalungkot dahil hindi ko masyadong trip sa section 2. Maiinitin ang ulo nilang lahat. Pinangako ko noon na hinding hindi ko sila magugustuhan ngunit sa ilang linggo ko silang kasa kasama ay doon ko natagpuan ang panibagong pamilya. Ang dating sabi sabi na maraming masama sa section na ito ay chismis lang dahil sa bawat chismis saaming section ay tinatawanan namin dahil kami lang ang nakakaalam ng katotohanan.

Masipag akong mag aral dati dahil marami akong kakompetensiya sa section 1 at sinasabi nilang importante ang grades pero nagbago iyon ng mapunta ako sa section na to.

Pinakita nila saakin ang totoong kasiyahan at page enjoy sa buhay. Madaming may galit na teacher saamin dahil sa kaingayan at katigasan ng ulo namin pero sa huli ay tinatawanan lang namin.

Nahanap ko ang pagmamahal na kahit sa section 1 ay di ko maramdaman. Ilang buwan lang na pagsasama naming magkakaklase ay sobrang daming memories.

Panandalian kong nakalimutan ang pangyayari noon at nabalitaan kong hindi na pala dito nag aaral si coraline.

Alam na din ng mga kaklase ko ang totoong nangyari at sinabi din nila na ayaw nila doon sa babaeng yun. Plastik daw. Tinanong naman nila ako kung gusto daw bang maghigante dahil tutulungan nila ako pero hindi ako pumayag. Dinahilan ko nalang na masama yun pero alam ko sa sarili ko na gusto ko ang planong yun.

Pero gusto kong gawin yun kapag malakas na ako at may ipagmamalaki. Dahil dudurugin ko siya kahit na maliit na kasalanan ang ginawa niya saakin. Dudurugin ko siya pati ang negosyo at buong angkan niya.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon