"Mga gago! Delete niyo yung post na yun! Tignan niyo naman! Ang dami ko ng hawak kanina, ni hindi niyo lang ako tinulungan! Hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon!" Sigaw ko sakanila at padabog na naglakad papunta sa locker ko. Nagtatawanan lang sila habang nang aasar na pinapakita ang mga comments sa post nila.
Nakaka badtrip talaga mga mga kupal na to. Hinampas ko sakanila ang bag ko at naka simangot na binuksan ang locker ko pero nataranta ako nang mgsimulang mgbagsakan ang mga papel dito. Iniharang ko agad ang katawan ko at daliang sinara ito.
Lumakas ang tawanan ng mga klasmeyt ko sa gilid at binato ang isang malaking paperbag saakin. Tinanggap ko ito at malakas na tinapon ang bag ko sakanila. Hindi ko nalang pinansin ang pagrereklamo nila at inihanda ang paperbag. Muli kong binuksan ang locker, nagsihulog naman ang madaming papel sa paperbag.
Bwesit talaga mga to. Kasalanan nila kung bakit may ganito sa locker ko at kung bakit madaming nasisibigayan ng mga pagkain saakin.
Flashbacks
Nakatulala akong nakatitig sa mga ibon na itaas ng puno at iniisip ang nangyari kahapon nang biglang may kumalabit saakin. Tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko at nakakunot ang noong pinpanood siya habang yakap yakap ang isang paperbag.
"Uhm-Ate yahz, pinapabigay po ng kaibigan ko..." nahihiya niyang sabi at iniabot ang yakap yakap niya. Nagtatakang tinignan ko ito at tinignan ulit ang babae.
"Kaibigan? Sino?" tanong ko. May itinuro siya kaya sinundan ko ito at nakita ang ilang estudyanteng tinutulak tulak ang isang babae. Kumaway ang babae saakin at naguguluhan naman akong kumaway pabalik. NIlingon ko ang mga kaklase kong tumatango saakin kaya kahit nagtataka ay tinanggap ko ang iniabot na paperbag saakin nung babae.
*Flashback ends*
Yun ang una kong natanggap kanina at nung binuksan ko ay- Ayoko ng alalahanin pa.
Nag post ba naman sila ng tungkol sa pagiging single ko at sinabing naghahanap daw ako ng jowa. Para nilang akong benebenta online.
-_-
Simula kanina ay tuloy tuloy na ang nagbigay saakin ng kung ano ano. Pati nung lunch ay may nagbigay ng ulam saakin. Pati nung nagpra practice kami ay madami ang nagsulputan.
*FLASHBACKS*
"Yahz! Tawag ka ni ma'am"
Bumitaw ako kay Christian at lumapit sa adviser namin na nakangiti saakin. Lumapit ako sakanya at nilingon ang dalawang estudyante sa gilid niya. Nakangiti ang isa habang ang isa ay namumula ang mukha.
"Ano meron, ma'am?" Tanong ko. Tinapik niya yung babaeng namumula at nahihiya naman itong lumapit saakin. Pinaliitan ko ng mata ang adviser namin na ngiting ngiti saakin at nag okay sign pa.
"Uh, Yahz... gusto ko lang itong ibigay" nakayuko niyang sabi at iniabot ang isang paperbag. At gaya ng nangyari kanina ay nagtataka ko din itong tinanggap.
Ano bang meron? Pangalawang beses na 'to. May hindi ba ako nalalaman?
Nag ayiee yung babaeng nakangiti at tinulak ang kaibigan papunta saakin kaya napahawak ito sa braso ko. Hinawakan ko naman ito sa siko para alalayan pero bigla ako nitong niyakap kaya nagulat ako. Narinig ko ang pag ubo ng mga estudyante sa likod ko kaya agad akong lumayo.
"Ma'am alis na kami hihi. Yahz, buksan mo nalang yan mamaya, bye!" Paalam nung babaeng nakangiti at kumaway saakin.
Nakakunot noo ko itong inilapag sa table na nasa harapan ni ma'am at bumalik sa pwesto ko kanina.
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...