"Dahil nalate kayong lahat. Kailangan niyong tumakbo. Limang ikot! Now!" sigaw ng PE teacher namin. May isa pa dapat kaming subject bago ang PE pero hiniram ni sir ang time ng subject na yun dahil may importante daw kaming gagawin.
Nagsimula kaming tumakbo, ang nangunguna ay ang mga boys. Atat na atat makapaglaro eh.
Naka tatlong ikot palang kami ay tapos na ang mga boys. Nainggit naman ako dahil nagsimula na silang maglaro kaya mas binilisan ko ang ikot. Nasa pang apat na akong ikot ay bigla kong namataan ang mga section 1 na naka suot ng PE uniform.
Wag mong sabihing kailangan namin makipaglaro sa mga to?
Naagaw ng atensyon ko nang pumalakpak si sir.
"Gather around!" sigaw niya at senenyasan kami na lumapit. Humihingal naman akong lumapit at tumayo sa tabi ni Olivia na pawis na pawis.
Ikaw ba naman tumakbo? Tapos limang ikot pa. Tsk
"Gusto kong makipaglaro kayo sa mga section 1. Kahit anong laro basta you interact with them. It will be your performance task" Pahayag niya at tinawag ang mga section 1. Naging maangas ang tingin ng mga boys kaya natawa ako.
Ang yayabang talaga ng mga to.
"I'll be your referee for the game. Girls kung anong grade ng mga boys ay yun din sainyo. But you can also play if you want" huling sabi niya at pinaghiwalay ang section 1 at 2.
"Galingan niyo ah"
"Wag kayo papatalo"
"Angasan niyo"
"Tambakan niyo"
Kanya kanyang komento naming mga babae habang minamasahe ang balikat ng mga boys.
Para ganahan. Grades ang nakasalalay eh.
"Pwede din daw sumali ang girls. May marunong ba sainyo?" Tanong ni Bryll saamin. Halos lahat nakaturo saakin habang ako ay nakaturo kay Astrid na tahimik lang sa gilid.
"Hoy mga gago ayaw ko maglaro" Taranta kong sabi.
Dalawang taon na rin nung tumigil ako sa paglalaro ng basketball. I love basketball but I stopped. It doesn't feel right every time I play. Parang familiar na pangyayari at parating may mga imaheng nagpo pop out sa utak ko sanhi para maguluhan ako.
"Ipapasok ka lang namin pag natatalo na kami na imposibleng mangyari" mayabang niyang sabi nagpapogi pa sa harapan ko. Napa yuck kaming lahat sakanya na ikinatawa niya.
"Mga ulol"
Sinabihan na ni sir na magsisimula na ang laro kaya gumilid kami at nagkipag apir sakanila habang patakbo sila sa gitna ng court.
"Okay guys kung sino ang mananalo dito ay makakalaban ang kung sinong mananalo sa section 3 at 4"
"Ang matatalo naman ay makakalaban naman ang natalo sa dalawa. Maliwanag?"
Ang bongga. May commentator pa.
Nagsimula ang laro at kami naman ay nagche cheer. Nasa katabing bleachers ang mga section 1 at pati sa pagche cheer ay competitive sila. Hindi kami nagpatalo kaya kinuha ko ang mga recycled bottle sa classroom namin at dinistribute sakanila. Pinupokpok nila ito sa upuan habang ako ay pinupukpok sa ulo nila. Sinasamaan nila ako ng tingin at kinuha ang hawak kong plastic bottle.
Ngumuso ako at tumingin sa mga babae sa section 1. Kumaway sila alosia na dati kong classmate kaya kumaway din ako. Halos lahat sila ay kumaway saakin maliban sa isa.
Sino pa ba? Edi si tarah sungit.
Kumaway ako sakanya pero inirapan niya ako. Ngumuso nalang ako at nagpa cute kanila. Tumawa sila bago ako seneyasan na lumapit. Gumilid ako para lumapit sakanila pero hindi ako lumipat ng pwesto dahil baka ako ang ipupok ng mga kaklase ko sa upuan.
"Kamusta Guys?! Miss niyo ba ako?!" Pagpapabida ko tapos nakipag hand shake sakanila na parang kandidato sa pagma mayor.
"Ayos lang kami mayor! May sardinas pa ba kayo jan!?" biro nila din kaya kunwareng may kinuha ako sa likod ko pero pagharap ay naka heart yung kamay ko sakanila.
Nagtawanan kami at nag chismisan. Binibiro naman nila si Nicole na may crush saakin dati.
"Alam mo bang bobo ako? Bobo-o sa buhay mo"
"Yiieieie"
Natawa ako sa sariling banat at kay nicole na namumula. Alam ko namang wala ng gusto to saakin kaya may paganito na ako. Natigil kami sa pag aasaran ng sinaway kami ni tarah na walang kaemo emosyon. Nagwave sila saakin at umusog.
"Sumulat kayo ha?" Kunwareng naiiyak kong sabi sabay tawa. Kakaway pa sana ako pero hinarangan na ni tarah ang paningin ko.
"Dun ka nga. Dito ka pa talaga makipaglalandian" mataray niyang sabi at sinamaan ako ng tingin. Akala ko babalik siya dun sa pwesto niya kanina pero umupo lang siya dun sa inupuan nila nicole kanina.
At anong landian? Biruan kaya yun.
Tumahimik nalang ako at nanonood. Pero tuwing titingin ako sakanya ay iniirapan niya at sinasamaan ng tingin.
Laki laki ng problema nito saakin ah?
"Problema mo?" simangot kong sabi dahil grabe na yung pairap irap niya saakin. Ewan ko kung kanino nagmana to. Mabait naman sila tita at tito kaya bakit?
Napakalaking BAKIT??
Hindi siya sumagot at umirap lang saakin kaya inirapan ko nalang din siya.
Natapos ang laro at puro pagtataray ni tarah ang natanggap ko. Walang salita siyang umalis sa inuupuan kaya dumiretso nalang ako sa mga boys na tuwang tuwa sa pagkapanalo.
"Bukas ang laro. Wag na wag kayong mala late. As for section 1... Bukas na isa ang laro niyo at pwede din kayong manood ng laro bukas"
Natuwa naman sila--
"Kung papayagan kayo ng mga teachers niyo sa time na yun" pagpapatuloy ni sir na ikinabagsak ng balikat nila.
Paasa tong si sir.
Bumalik kami sa room namin, imbes buksan ang mga bintana gaya ng nakagawian namin ay swinitch namin ang aircon.
May 30 minutes pa bago ang time kaya nanonood nalang kami sa TV ng mga funny videos. Tawa lang kami ng tawa ng biglang may bastos na lumabas na vid.
"Ano yang pinapanood niyo?!" sigaw ng adviser namin na kakapasok palang. Kung minamalas ka nga naman.
Nagtinginan kaming lahat at nagpigil ng tawa bago napalunok. Nilingon namin ang gagong may pakana. Namumula ang mukha niya sa pagpipigil ng tawa at naka iwas ang tingin saamin.
At doon. Na guidance kaming lahat.

BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...