"Guys! Guys! May magandang balita ako!"
Tinatamad na iniangat ko ang ulo at tumingin kay Krista na grabe ang ngiti sa harapan habang nakahawak sakanyang puso. Nasa gilid niya ang iba naming kaklase na nakalinya na parang mangangaroling.
"May prom daw tayo!"ani niya sabay tili.
"Talaga?"
"Sino nagsabi?"
"Baka naman fake news yan gaya ng dati?"
"Oo nga. Baka pinapaasa nanaman tayo"
Umingay ang classroom namin dahil sa sinabi ni Krista. Sari sariling chikahan sila kung matutuloy nga ba or hindi. Ganyan din kasi last year. Sinabihan kami na may prom daw pero sa huli hindi pinasali ang mga grade 9 sa prom at mga gr 11 at 12 lang ang nag prom.
"Hindi fake news ang narinig niyo"
Napatingin ang lahat sa adviser namin na kakapasok lang dala dala ang kanyang libro at laptop. Nagsigawan ang lahat lalo na ang mga girls, hindi ako nakisali kahit medyo na excite ako sa balitang may prom kami.
Kinalikot ko ang cellphone ko at hindi nakinig sa harapan. Hindi ako nakatulog kagabi kaka isip sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung paano aakto pag nandyan siya. Parang gusto ko magwala tuwing malapit siya.
Hayst, normal ba ito?
"Psst!"
"Hoy Mendoza!
Paano ba kasi nangyari to?
"May amats ata tong kaibigan mo, Olivia"
Parang gusto ko nalang maging puno para pa sway sway lang ako.
"Mga gago, ganito kasi gawin niyo. EHEM Andito si Auclair-"
"Saan?"Agad kong lingon kay Olivia. Nagtawanan ang mga gago sa harapan ko na tinuro ako sabay sabing "Halata ka ah, deny ka pa samin"
Pinakyuhan ko sila isa isa at dumukdok ulit sa lamesa. Mga gago tsk.
"Try mo kaya umamin no?" suggest ni Olivia. Iniangat ko ang ulo ko at nakita kong ang pagsitanguan ng apat sa harapan ko. Umamin? Pero paano kung iwasan niya ako? Paano kung hindi niya ulit ako pansinin?
"Gets naming natatakot ka pero sabi nga nila 'take the risk'"sabi naman ni Ivory.
"Malay mo gusto ka din niya?" dagdag ni Henry. Nagsitanguan ulit sila pero umiling ako dahil impossible ang sinasabi nila.
"Straight siya" ani ko at bumuntong hininga. Sabay sabay naman silang umiling na para bang mali ang sinabi ko. Tinapik ni River ang noo ko at ngumiti, "Sinabi niya bang straight siya?"
"H-Hindi?" hindi ko sure na sagot.
"Sa tingin ko gusto ka niya, ayaw lang umamin" singit ni liam at inusog ang upuan ko para kumasya ang upuan niya sa ginawang circle ng apat.
Si Tarah? Gusto ako? Ayaw lang umamin? Impossible
"Baka nga. Para niya akong papatayin tuwing niyayakap kita"makahulugang sabi ni olivia. Nag ayiie naman ang apat at pinalo palo pa ako.
"Ayaw lang talaga niya sayo" komento ko na hindi nila pinansin.
"Hala same, alam mo ba nung kiniss kita sa pisnge nung Grade 8 tayo? Ang sama ng tingin! Tapos parang gusto akong sakalin!"kinikilabutan na sabi ni Safara na hindi nag abalang iusog ang upuan niya at basta nalang umupo sa kandungan ko.
"Nandidiri lang siguro sa laway mo na didikit sa pisngi ko. Ayaw niya sa ganun eh" komento ko ulit pero hindi nanaman nila ako pinansin at nagpatuloy lang.
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...