Grade 9
Dalawang buwan na nang nag start ang panibagong school year at sobrang nakakatamad!
Sino ba namang hindi tatamadin? Araling Panlipunan ba naman ang subject.
Parang gusto ko nalang mamatay. Joke, mahal ko pa buhay ko.
May kumatok sa pinto kaya senenyasan nung teacher namin yung kaklase kong nasa likod.
Binuksan nito ang pinto at sumilip dito si Sir Jace. Mapeh teacher namin. Nagliwanag ang mata ko dahil nagkaroon ako ng idea kung anong meron.
"Ma'am general cleaning daw" paga announce niya. Tumango naman si ma'am bago kami palalahanan na maglinis at wag daw manggulo.
Paglabas niya ay parang nakalaya sa preso ang mga kaklase ko. Chismisan sa gilid, batuhan ng papel, at bangayan.
Syempre kasali ako doon. Nilalagyan ko ng maliliit na papel ang ulo ng mga kaklase ko at kinikiliti ang mga gustong matulog.
Pang asar lang.
Napatigil lang kami nung sumilip ang bago naming adviser sa bintana. Sinaway niya kami at sinabing maglinis na daw kaya ayan nandito ako sa labas ng classroom ng section 1 para humiram ng walis.
-_-
Sumilip ako at kumatok sa nakabukas ng pinto. Napatigil sila sa paglilinis at lumingon saakin.
"Uh- may extra ba kayong walis?"
"Walis daw!"
"Pres walis daw"
"Tarah bigay mo walis.."
"Tarah walis daw"
Sinamaan niya ng tingin ang mga kaklase niyang nang aasar ang tingin sakanya. Napakamot ako sa batok sabay ngiti. Nakita kong kumuha siya ng walis sa gilid at lumapit saakin.
"ID" nakasimangot na sabi niya kaya binigay ko sakanya ang ID ko. Kinuha niya ito at bigla kong natandaan na may nalagay akong picture namin doon!
"A-ay saglit. Balik mo muna nandiyan pera ko..." pagdadahilan ko kaya ibibigay niya na sana pero nakita niya ata ang likod ng ID ko kung saan naglalaman ng picture namin. Bigla niya itong binawi at taas kilay na tumingin saakin.
"Walang perang nakalagay dito" masungit na sabi niya at nilagay sa likod ang hawak. Namula naman ako at sinubukang kunin yun sa likod niya pero ang bruha tinaas pa!
Ganyanan? Porket matangkad siya kesa saakin ginaganyan niya na ako? Pinisil ko ang tagiliran niya kaya bahagya niya itong naibaba, hinablot ko naman ito bago tumalikod sakanya at dali daling tinanggal ito.
Pero bago ko pa ito tuluyang natanggal ay may yumakap saakin sa likod. Nanlaki ang mata ko pero itong babaeng to patay malisyang winagayway ang id ko at inabot ang walis na hinihiram ko.
"Don't worry hindi ko ito iwawala" nangingiti niyang sabi at tumalikod.
"Nice"
"Galing mo namang pres"
"Chansing"
"Kinikilig amp"
Bulungan nila na hindi ko narinig. Napakagat labi ako bago napag pasiyahang bumalik na lang.
"Bakit ka namumula?"bungad na tanong ni Pres saakin. Mas namula ako nang maalala ang pangyayari kanina.
Ibig sabihin ba nun hindi na siya galit?
"Wala..." sagot ko
Pero ngisihan ako ng iba.
"Wala pala. Kita namin yun uy"
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...