Monday
Masayang kumakain ako ng lunch habang palinga linga sa paligid. Masaya ako ngayon dahil nag date kami ni tarah kahapon. Masaya ako ngayon dahil malapit na ang 2nd Anniversary namin which is two weeks from now. Bago ang anniversary namin naisip ko siyang idate tuwing weekends or kapag maaga ang uwi namin at dahil maaga ang uwi namin ngayon yayayain ko siya.
Pupuntahan ko siya mamaya sa classroom nila para ayain. Balak ko siyang dalhin doon sa sikat na restaurant kung saan kita ang mga city lights.
Pagkatapos naming magligpit ng mga pinag kainan namin ay agad kong hinila si Astrid sa classroom ng ABM 1. Kumatok ako sa pinto, ang unang bumungad saakin ay ang mukha ni olivia.
Pangit na bungad.
"Si tarah?"tanong ko. Sumilip ako ng kaunti ngunit iniharang niya ang katawan niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala dito"sagot niya. Itinulak ko ang mukha niya at ako na mismo ang pumasok.
Tumingin ang iba saakin na hindi ko nalang pinansin. Hinanap ko lang si tarah pero mukhang wala siya dito kaya umalis nalang ako. Binatukan pa naming dalawa ni Astrid si Olivia sabay takbo namin.
Tumatawang umupo ako sa upuan habang inilalabas ang cellphone. Binuksan ko ito para itext si tarah.
Bal
>I miss you. Date tayo later?
Hindi siya nag reply kaya hihintayin ko nalang muna ito.
....
Nakakunot noong tinignan ang cp ko habang nakahiga sa kama. Naka uwi na ako't lahat pero wala parin siyang reply. Sobrang busy niya siguro? Hmm puntahan ko kaya siya sa bahay nila.
Lumabas ako ng kwarto at nagpaalam kay mama na pupuntahan ko muna si tarah. Pumayag naman ito at pinalalahanan pa akong umuwi ng maaga na tinanguan ko lang. Sumakay ako sa kotse hawak ang cellphone ko.
"Kila tarah po manong"
17 palang ako kaya bawal pa ako mag driver tsaka ayaw din ni mama pero dibale next month na birthday ko kaya makakakuha na rin ako ng diver license.
Nang makarating ay agad akong pumasok sa loob. Nakita ko si tita sa loob kaya lumapit ako para halikan siya sa cheeks. Bumati din ako sabay upo sa tabi niya.
"Tita, si tarah po?" tanong ko.
"Oh she's not here. Kasama niya ang dad niya"
Napanguso nalang ako at tumayo. Nagpaalam nalang ako kay tita na aalis na ako. Wala naman siya dito kaya mas mabuting umuwi nalang ako.
Saan kaya sila nagpunta?
....
Tuesday
Kasama ko si river ngayon sa isang coffee shop. Ewan ko sa babaeng to, sobrang init na nga ng panahon tapos magkakape pa siya? Talagang isinama pa niya ako dito hayst.
Sobrang miss ko na si tarah. Hanggang ngayon wala parin siyang text. Hindi din niya ako tinatawagan. Kahit isang dot man lang na text ay wala.
'Clingy much, yahz?'
Napairap nalang ako at tumayo. Iniwanan ko muna ang kape ko at si river para magtingin ng babasahing books.
'Paano kung may makita siyang gwapo o maganda?'
Napasampal nalang ako sa mukha ko, nago overthink nanaman ako! Chill lang dapat ako, she has a life too. Hindi saakin umiikot ang mundo niya. I need to understand, baka nagka problema lang tsaka kasama naman niya si tito. Magse second anniversary na kami so I should know better.
Kinagabihan nun ay nakangusong pinagmamasdan ko nalang ang cellphone ko. Halos isang oras na ako nakatitig rito pero wala akong natanggap mula sakanya. Nagvibrate ito kaya agd ko itong kinuha upang tignan. Na dismaya lang ako dahil si olivia pala ako nag text, binlock ko ang number niya at pinatay nalang ang ilaw.
Chill pala ha? Eh bakit nangangamba parin ako?
Pumikit nalang ako para makatulog na. Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.
...
"Raizel and Vince hide here. Protect your little sister, I'll be back"
"Mom... why can't we just fight them?" The eldest sister said. The girl with hazel eyes beside her nodded her head, agreeing with what her ate said. While the little girl that she's hugging is trembling in fear.
"Mom, I'm scared" the little girl said and cried. The girl with hazel eyes immediately tries to hush her down by saying sweet and comforting words.
"We'll eat Ice cream, cloud. Don't worry"she whispered and kissed the cheeks of her younger sister.
"Anak, we can't fight them. Madami sila. We'll just escape here, okay?"sabi ng ina sa panganay na anak. She handed the two a gun and smiled at them.
"Just use this if someone tries to kill you. Protect each other. Watch each other's backs alright?"
"Pumunta ka doon! Dito ako! Talagang tatadtarin ko ng bala ang mag iinang yun!" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Nataranta ang nanay at agad na isinarado ang isang kahoy upang hindi makita ang tatlong magkakapatid.
"I love you mga anak" the mom said as she smiled at them. Her smile is comforting, that's why the three of them calmed down.
"Wag daw munang patayin sabi ni boss"
"Edi pahirapan nalang muna natin"
Pag uusap na narinig nina Raizel at Vince malapit sakanila. Ikinasa ng dalawa ang baril na binigay sakanila ng ina at nag hintay roon. They are still a child, they are not even ten but they already know how to use guns. Bata palang ay alam na ng dalawa gumamit ng mga ito. They know how to fight and they know how kill.
'Do not hesitate to kill if you're in danger. Killing is not easy but dying is worst'
That's what their father said. They remember it clearly because that's what their father always says. So at the age of 8 and 7, the two of them can kill. They know that killing is bad but they only kill if it's a must and if they are in danger. They know that it's bad that's why they don't want their sister to grow up like them. They have to protect her and themselves.
Nagulat ang dalawa nang mabuksan ang iniharang ng ina na kahoy ngunit agad ring nakalma nang makita nilang ang ina nila ang nagbukas nun.
"Come out, we're leaving this place"
Tumayo ang dalawa at iniabot naman ni Raizel ang nakakabata niyang kapatid na si cloud sa kanlungan ni vince sabay yakap rito. Hinawakan rin nito ang kamay ni Vince upang hindi sila magkahiwalay.
"Let's go"ani ng ina at luminga linga sa paligid. Nanigas ang katawan ng ina nang makita ang napakaraming armadong lalaki. Inilagay niya ang mga anak niya sa likuran at iniharang ang katawan upang itago sila sa mga ito.
"Leaving already?" nakangising sabi ng lalaki. Tumawa ito ng parang demonyo na ikina atras ng ina. Itinutok ng ina ang baril sa lalaki kahit na nanginginig ito. Agad na napatigil ang lalaki ang itinutok rin ang baril sa ina.
*BANG*
"Ahhh!"sigaw ko at napa upo. Hinihingal na swinitch ko ang lamp sa bedside table habang hawak hawak ang dibdib. Basang basa ang damit na suot ko at hinihingal ako ng sobra. Naka on naman ang aircon pero sobra akong naiinitan. Tumayo ako para dumiretso sa switch ng ilaw upang malinawan ang buong kwarto ngunit napaluhod din ng biglang sumakit ang ulo ko.
"Fuck"mura ko. Uminom ako ng tubig na nasa lamesa at umupo. Hinihingal parin ako kaya sumandal muna ako para makapag pahinga.
What the fuck is that dream?
Inalala ko ulit ang napanaginipan ko ngunit sumakit ulit ang ulo. Napapikit nalang ako para magpahinga muna. I tried remembering it again pero sumakit lang ang ulo ko so I stop trying kasi tuwing inaalala ko sumasakit lang ang ulo ko. I can't remember the conversation and I can't remember the faces. They suddenly became faceless.
But I remember one thing. I heard my name in that dream.
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...