"Good Morning guys!" bati ng adviser namin pagkapasok.
"Good Morning ma'am!"
"Morning po!"
"Morning"
Kanya kanya namang bati ng mga classmate ko. Habang ako ay inaayos ang bag sa tabi dahil ngayong araw ay wala akong katabi! Yeyyy! Kaya malaya kong mailalagay ang bag sa bakanteng tabi ko.
"Get 1/4 sheet of paper and don't forget to write your name"
Sinunod naman ng lahat iyon kahit hindi alam kung para saan. Dahil wala akong 1/4 ay kinalabit ko si Evelyn na nasa gilid ko pero kabilang row na. Iisa lang ang papel niya sa table pero alam ko may tinatago yan sa bag. Madali kasing maubos kung ilalabas niya.
"Penge"
Nagpunit siya ng isa sa loob ng bag at senenyasan ako na tumahimik. Tumango ako at nagpasalamat bago nagsulat sa papel.
"Number 1. What is the name of--"
"Teka lang ma'am? Quiz po ba to?"
"Oo anak"
Napa huh ang lahat at nagkagulo sa classroom dahil wala pa kaming review. Nagising tuloy ang inaantok kong diwa at lumingon sa harap.
Wala namang sinabing quiz?
"Ma'am wala po kayong sinabi?" tanong ni Jenna na isa sa kabilang sa honor students. Nagsitanguan naman ang honor students gang niya, sumasangayon sa sinabi niya. Hindi kami nakisali sa tanguan dahil hindi kami sure. Sila nalang, kasi parati sila updated at nakikinig. Kami kasi nau update lang pag magqu quiz na -_-
"Sinabi ko kay Rain na sabihin sainyo"
Si Rain?
"Pinapasabi ni maam na- ay gago nakalimutan ko yung pinapasabi ni maam"
Tangina Rain.
Nilingon ng lahat si Rain at sinamaan ng tingin. Tangina mo Raiiiinnnn sa lahat pa talaga ng kakalimutan yun pa?
"Ah hehe" kamot sa ulo niyang sabi
"Ma'am 10 minutes po? Review lang... walang nasabi si rain saamin" pagpapaawa ng mga honor students gang. Bumuntong hininga si maam at ibinaba ang notebook niyang naglalaman ng quiz at tumango saamin.
"I'll give you 15 minutes to review"
.....
Matapos ang nakakadugo naming quiz ay sinapak naming lahat si rain. Napaka gago, yun ba naman ang kalimutan.
"Guys! Half day lang daw tayo dahil may meeting ang mga teachers!"
Sumigaw at nagwala ang lahat dahil sa sigaw na iyon ng president namin. Nilingon naming lahat si Shanley at tinuro "Tara na sa bahay ni Shan!"
Half day kaya didiretso kami sa bahay nila shanley at doon manggugulo. Doon kasi ang tambayan namin dahil malapit lang dito sa school yun, konting lakad lang at bahay na nila.
Dahil masaya ang lahat tulong tulong kami sa paglilinis para makauwi na agad. Pagkatapos maglinis ay lumabas na kami at tumambay sa hallway habang pinapanood si pres na i lock ang pinto. Nang mai lock ang pinto ay nanguna kaming mga girls sa paglalakad habang sa likod naman ang mga boys na nagtutulakan.
Naki payong ako kay olivia at umakbay sakanya hindi naman siya nag reklamo, tuloy tuloy parin sa pakikipag chismisan kay Margaret.
"Ewan, manliligaw daw siya saakin eh"
"Oh? Bakit parang ayaw mo? Diba crush mo yun?"
Nakinig lang ako sa pinag uusapan nila at hindi sumabat. Pag etong dalawa nag chismisan parang lahat ng sekreto nila okay lang ibunyag. Bestfriend na bestfriend ah.
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...