Chapter 17

5.9K 251 21
                                    

"Okay! Sabay sabay! 1 2 3- bakit hindi sumasayaw yang mga nasa likod?!"

2 weeks na kaming nagpa practice. 1 week nalang magpo prom na kaya todo practice kami pero syempre hindi mawawala ang kagaguhan sa bawat ginagawa ng lahat.

"Ang panget mo sumayaw" pang iinsulto ko kay christian na siyang ka partner ko sa prom. Ayos lang naman siya ka partner ang kaso nga lang tanga sumayaw. Pareho kami kaya sinong maga adjust?

"Gago, parehas lang tayo" mura niya saakin. Pinitik ko ang kamay niya tapos pinitik niya din ako, parang bata lang.

"Ayusin mo kasi! Ang sama nanaman ng tingin saatin nung instructor oh!" bulong ko. Palihim na siniip ko yung instructor namin. pagkakita ko palang ng mala hawk niyang mata ay umiwas ako kaagad.

"Wag mo tignan hayaan mo siya diyan, may sarili tayong sayaw dito" natatawa niyang bulong saakin.

"Sino bang pasali sali sa prom tapos hindi alam sumayaw?" tanong ko at binitawan ang hawak ko sakanya sa balikat para punasan ang pawis sa leeg. Muli ko itong binalik at ginaya ang ginagawa ng iba

"Tayong dalawa" sagot niya sa tanong ko na ikinatawa naming dalawa.

"Yahz, yung right foot ang iaapak mo sa gilid hindi yung left" turo saakin ng isa sa mga section 1. Saan ba ang left at right? Nakakahilo naman to. Hindi ba pwedeng freestyle? Ginaya ko ang ayos ng paa nung babae at nag pasalamat dito. Iniangat ko ang tingin ko at kusang hinanap ng mata ko si tarah.

Seryoso niyang ginagawa ang mga steps kaya sinubukan ko ulit at nag effort na sundan ang mga tinuturo kahit medyo hindi ko gets.

Bakit kasi sa lahat ng talent, pagsasayaw ang hindi biniyaya saakin? Medyo hindi iyon makatarungan ah.

Kanina pa dapat tapos itong practice namin pero nag extend ng time dahil hindi pa namin nasasaulo lahat ang ginawang steps.

"Okay! Bukas maaga tayong magpapractie at uuwi din sa ganitong oras!"

Walang nagreklamo dahil lahat gusto namang mag prom. Hindi lang halata dahil sa pagsasayaw namin pero nakikita ko naman na nage effort ang lahat.

Nauna na ang iba at uunti nalang ang natira sa gym, kasama na ako doon. Nakakapagod palang sumayaw, sobrang challenging.

Puntahan ko nga si Tarah, ilang araw na kaming hindi nag uusap at namimiss ko na siya. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto at pumunta sa classroom nila tarah. Nadatnan ko si sherwin na papa alis na. Sinabi niyang wala daw si tarah dun kaya pumasok ako sa loob. Naupo ako sa upuan ni tarah at inantay siya doon.

Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto. Pumasok doon si tarah na mukhang may kausap pa sa telepono kaya pinanood ko nalang muna siya.

"Dad, I already told you. It will not work!" galit niyang sabi sa kausap niya. Tahimik lang ako dun at napagpasiyahang lumapit sakanya kasi magkasalubong nanaman ang kilay niya. Kawawa naman ang kausap niya.

"Magkasalubong nanaman kilay mo"

Gulat siyang napalingon saakin at pinatay ang cellphone ng walang pagaalinlangan. Agad siyang tumayo at lumapit saakin. Lihim akong napangiti dahil ang cute ng ekspresyon na pinapakita niya ngayon.

"What are you doing here?' she asked. Pinindot ko ang pisngi niya at iniangat ang kilay niya ng unti na parang pinapabalik ito sa dati dahil magkasalubong parin ang kilay niya. Napaka sungit talaga ng babaeng to, parang 60% sa buhay niya pagsusungit tapos 20% kabaitan at yung natitirang 20% ay hindi ko alam.

"Wala naman...napadaan lang?"

"Napadaan? Really?" hindi kumbinsidong sabi niya.Pinalo niya ang kamay ko na nasa kilay parin niya na ikinasimangot ko. Ibinaba ko nalang ang kamay ko pero hinawakan niya ito at pinisil pisil.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon