Chapter 39

6.7K 232 13
                                    

Pagkalabas ko sa kwaro ni Tarah ay nagtungo ako sa kwarto ko para matulog. Nag half bath muna ako at nagbihis pagkatapos ay humiga na sa kama.

I'm just staring at the ceiling processing everything that she said.

Napabuntong hininga nalang ako at pumikit pero ilang minuto na akong nakapikit ay hindi parin ako makatulog. Ilang beses na akong nag iba ng higa pero wala parin kaya naman tumayo nalang ako para dumiretso sa balcony.

I looked below to watch the city lights. Beautiful.

Umupo nalang ako sa upuan at tumingin sa kalangitan.

She's still very hard to understand and I'm done understanding her. Bakit hindi naman sarili ko ang intindihin ko ngayon?

Narinig ko ang ringtone ng cp ko sa loob kaya pumasok ako para sagutin yun.

"Vince. I'm outside in your penthouse"

"Fallon?" Hindi ko sure na sabi.

"Yeah. It's me, Fallon. Now let me in"

Lumabas ako sa kwarto para pagbuksan siya ng pinto. Bumungad saakin ang bored niyang expression na nakapag patawa saakin. Niyakap niya ako na agad ko namang tinugunan.

I miss this girl!

"Bakit hindi mo sinabing ngayon ka dadating?"natutuwa kong sabi. Humiwalay ako sa yakap at pinagmasdan siya. She still looks the same. Medyo tumangkad na siya kaya naabutan niya na ang height ko.

"I wanted to surprise you"nakangiti nitong sabi. Ginulo ko ang buhok niya at pinapasok siya sa loob. Ako na ang humila sa suitcase niya at dinala ito sa kwarto ko habang siya ay dumiretso sa kusina. Sumunod ako sakanya pagkalagay ko ng suitcase niya at nakita siyang kumukuha ng alak

"Geez, have you eaten?"

Alanganin itong ngumiti saakin at binalik ang alak sa loob ng ref tsaka umupo. Binuksan ko ang ref para kumuha ng karne para ipagluto siya.

"I want bulalo, Vince"request niya. I chuckled and return the meat that I was about to chop. Hindi kumpleto ang ingredients ko para doon.

"Alright. Magpapalit lang ako ng damit"paalam ko. I'm wearing my pjs kaya kailangan kong magpalit.

Pagkatapos kong magpalit ay sabay kaming umalis ni Fallon.

"How's life?"I asked. She laughed and shook her head at me.

"Okay, I guess?"

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Binigay ko sakanya ang leather jacket na kinuha ko sa cabinet kanina. Tinanggal ko ang roof ng sasakyan ko since convertible naman siya at nginitian si Fallon na nakangiti din saakin ngayon.

"Let's eat bulalo in Tagaytay"

....

"Dapat saakin ka din tumira minsan, Fallon. Bakit puro kay Vince? Unfair"pagrereklamo ni Yuri habang kumakain kami ng bulalo. Hindi namin siya pinansin ni Fallon at nagpatuloy lang sa pagkain.

Ewan ko sa babaeng to kung paano nalaman na nasa tagaytay kami. Siguro tinrack niya kami? Hindi naman namin siya tinext, biglaan lang siyang sumulpot kanina sa daan. Kumakaway pa saamin habang nasa loob din ng sasakyan.

Binigay ko nalang sa kanya ang mais na nasa bowl ko para tumigil na siya sa pagreklamo. Kanina pa siya eh.

"Thanks pero unfair parin"

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Humigop nalang ako at tumingin sa view na puro hamog lang.

-_-

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon