Chapter 11

5.4K 226 13
                                    

Last day ng intrams ngayon at andito ako sa back stage hinahanap si olivia para tignan kung ayos lang siya.

Hapon na at natapos na ang mga palaro kaninang umaga. Panalo din si tarah kaya eto siya kasama ko. Patingin tingin ako sa mga ibang candidate. Sa totoo lang sobrang ganda nila, meron din ibang napapatingin saakin at kinakawayan o di kaya'y kikindatan ako.

"Malandi talaga"bulong ng kasama ko na narinig ko. Tumingin ako sakanya pero irap lang natanggap ko na ikinatawa ko. Napaka sungit talaga ng babaeng to. Inaaraw araw ang kasungitan.

"Yahz!"

Lumingon ako kay Olivia na siyang tumawag saakin. Sinenyasan niya kaming lumapit kaya dumiretso ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Pak na pak si ate gurl mong olivia. Hindi pa nagsisimula ang laban pero parang panalo na siya ah.

"Panget mo" ngisi kong sabi sakanya. Binatukan niya ako at inirapan kaya natawa ako. Pikon.

"Lumayas ka nga dito" asar niyang sabi at tinulak ako.

"Joke lang. Hinay hinay sa pagpapaganda baka wala ng panama ibang candidate sayo"

Napalitan ng ngiti ang nakasimangot niyang mukha na ikinailing ko. Moody.

"20 mins guys, magsisimula na ang program!"

Pinat ko ang balikat ni olivia at niyakap siya at sinabihan ng"Goodluck". Tumango siya saakin at huminga ng malalim. Nilingon ko din si Noah at nag salute na tinaguan niya lang din.

Hinila ko si tarah at dumiretso sa nakareserved na upuan sa bleachers. Tahimik lang kaming dalawa pero maya maya ay di ako nakatiis at hinarap siya. Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya dahil nakalimutan ko ang sasabihin nung makita ko ang masungit niyang itsura.

"S-stop staring" masungit niyang sabi at tinulak ang mukha ko palayo. Hindi ko siya pinakinggan at mas tinitigan lang ang mukha niya.

Ang ganda talaga ng babaeng to. Ang cute din nung formation ng moles sa mukha niya. Meron sa tip ng ilong, tatlo sa sentido, tapos ilang mga moles sa cheeks niya. Ang ganda din ng kilay niya, hindi masyadong manipis at hindi gaanong makapal hindi gaya nung akin na makapal talaga.

"Ang ganda mo" wala sa sariling usal ko. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya na ikinangiti ko. Iniwas niya ang mukha niya na mas ikinangiti ko pa.

"I- know!" parang galit niyang sabi at nanatili parin na naka iwas saakin. Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang left hand ko at ginamit ko naman ang right para hawakan ang leeg niya.

Bigla siyang napatayo na ikinagulat ko. "I-I'll just go to t-the restroom".

"Samahan na kita-"

"No! Kaya ko na" tanggi niya at mabilis na naglakad para umalis. Napakamot ako sa sentido sa ginawa niyang aksyon at naghintay nalang. Ilang minuto akong naghintay pero wala pa siya kaya tumayo ako para sundan na sana siya kung hindi lang talaga ako tinawag ng kung sino.

"Vyn baby!"

Napa facepalm ako dahil andaming lumingon nung isinigaw niya yun. Baliw talaga tong babaeng to.

"Calista! Ang ingay mo!"saway ko sakanya at tinakpan ang bibig niya nang magsasalita sana siya ulit. Kumindat lang siya saakin at tinanggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. Niyakap niya ako bago ako hinila pa upo. Pero dahil sa kalandian niya ay imbes na sa upuan mismo uupo ay sa kandungan ko siya umupo.

-_-

Ang likot likot niya pa kaya kahit naiinis ay hinawakan ko siya sa bewang para di siya mahulog.

"Umupo ka kaya dito sa tabi ko at hindi sa lap ko" umay kong sabi. Humagikgik siya at talagang humawak pa sa balikat ko.

"Calista! Wag kang magulo!"

"You smell nice. Ano pabango mo?"

"Downy! Ugh yang kamay mo-"

"Azrel"

Bigla kong natulak si Calista dahil sa sobrang lamig na pagkakasabing yun ng pangalan ko. Ilang beses akong napalunok at alanganin na ngumiti kay tarah na malamig ang tingin saakin. Patay. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan sa tingin niya. Sanay naman ako sa kasungitan niya pero pag ganito ang tingin niya...

"T-Tarah" kinakabahan kong sabi at tumayo. Hindi niya ako sinagot at walang imik na umupo sa dati niyang upuan.

"The hell, Vyn. Help me here"

Hindi ko pinansin si Calista at kinalabit si tarah. Sobrang nakakatakot ang aura niya ngayon pati tuloy mga katabi niyang estudyante na maingay ay nagsitahimik at lumipat ng upuan. Pati yung mga nasa likod namin na mga estudyante ay nagbubulungan nalang kung mag usap dahil sa takot nila sa katabi ko.

"Oh Calista, hindi ko alam na gusto mo palang makipaghalikan sa lupa"

Lumingon ako sa kambal na nagtatawanan habang tinutulungan si calista na tumayo.

"Sup" bati nila. Umiling ako at nginuso ang katabi kong badtrip. Hindi sila sumagot at kinawayan lang ako bago hinila si calista paalis.

"Tarah..." malambing kong sabi at hinawakan ang kamay ko na pinalo niya lang. Napangiwi ako at sinubukan ulit hawakan ang kamay niya pero pinalo niya lang ulit ito kaya nakanguso kong hinahaplos ito dahil bahagya itong namula.

"Ladies and Gentleman!"

Padabog siyang tumayo at galit na naglakad paalis. Tumayo din ako para humabol sakanya. Sobrang bilis niyang maglakad kaya kailangan kong tumakbo para maabutan siya.

"Today is the awaited day for the Miss and Mister Intrams! So sino ang mga pambato niyong candidate ngayon!?"

"Tarah, wait" hinawakan ko siya sa balikat pero parang di siya natinag at dire diretso parin ang lakad. Huminga ako ng malalim at humabol sakanya. Pumasok siya sa classroom nila at malakas na isinara ang pinto na ikinaigtad ko. Lumapit ako sa pinto pero hindi ako pumasok. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi pero sa huli ay napag desisyunan kong pumasok nalang dahil ayaw kong galit siya saakin.

Mahina kong sinara ang pinto at lumapit sa kinaroroonan niya. Wala ang mga kaklase niya at kami lang dalawa dito dahil nasa gym ang lahat para manood at mag cheer.

Tahimik akong tumabi sakanya. Dahan dahang pinadausdos ang kamay ko sa itaas ng kamay niya na nakapatong sa table ng inuupuan ko. Akala ko iiwas o papaluin niya ang kamay ko pero hindi. Hinayaan niya lang ako at seryoso parin siya sa pagbabasa ng kung ano.

Walang nagsasalita saaming dalawa dahil pareho kaming busy. Siya sa pagbabasa at ako ay sa paglalaro ng kamay niya. Sobrang lambot ng kamay niya, dahil sa panggigigil ay wala sa sarili ko itong nahalikan.

Bigla akong nahiya nung narealize ko pero hindi ko parin ito binitawan, sa halip ay nilingon ko siya at nagpacute.

"Sorry na..." pagpapa awa kong sabi at ngumiti labas ang ngipin. Hindi niya ako tinignan pero pansin ko ang pagkunot ng noo niya at pag lunok niya.

"Czarina... Sorry na please"

"Why are you saying sorry? Do you even know what you did?" tanong niya, hindi parin ako tinitignan. Umiling ako at ngumuso. Napa 'tsk' siya at tumayo, handa nanamang umalis.

"Let's go"yaya niya.

Halatang galit parin siya kaya naman hinigit ko siya sanhi upang mapa upo siya sa lap ko. Nakatagilid siya saakin kaya sumandal ako sa braso niya. Sinubukan niyang kumawala kaya hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. Kumabog ang puso ko sa ginawa at nag flutter nanaman ang tiyan ko. Hayys, I want us to be like this all day.

"I'm sorry" sincere kong sabi.

"Czarina..."

"Damn it"

"Sorry na hmm?" malambing kong bulong at mas niyakap pa siya. Her expression softened kaya alam kong hindi na siya galit.

"Fine. Now let's go"mataray na ulit na sabi niya kaya niluwagan ko ang pagkakayakap ko sakanya. Tumayo siya kaya tumayo na din ako at kiniss siya sa cheeks.

"Okay" ngiting ngiti kong sabi at naunang maglakad. Binuksan ko ang pinto at hindi muna ito sinara dahil lalabas pa siya. Lumabas siya kaya sinara ko ito at tumabi sakanya sa paglalakad. Hinawakan niya ang kamay ko na ikinapikit ko.

Shet, kinikilig ako. 

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon