Pagod na humiga ako sa kama pagkatapos kong ilapag ang bag sa ibaba. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nakita ko kanina, hindi ako mapakali at sobrang daming pumapasok sa utak ko.
What if agawin niya saakin si tarah?
What if ilayo ni koral si tarah saakin?
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa kisame. Hindi dapat ako magisip ng ganito. I love tarah and I know she loves me too that's why I should trust her. Tumagilid ako ng higa at ini on ang cellphone.
Bal
> I love you
Text ko sakanya. Ilang minuto akong naghintay ngunit walang dumating kaya ipinikit ko nalang ang mata ko para mag isip. I should calm down. Si koral lang yun bakit ako matatakot sakanya? Hindi niya maagaw si tarah saakin.
Dahil sa pag iisip ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising nalang ako nang maramdaman akong humahawak sa pisngi ko. Iminulat ko ang mata ko at ang una kong nasilayan ay si tarah na seryosong tinititigan ako.
"T-tarah?" Inaantok kong sabi habang kinukusot ang mata. Nawala ang seryoso niyang aura at napangiti saakin. Anong ginagawa niya dito?
Tumingin ako sa orasan at nagtatakang ibinalik ang tingin sakanya.
"Gabi na, bakit nandito ka pa? Baka magalit si tita sayo"nagaalalang sabi ko at umupo. Ginaya niya ang ginawa ko pero ang kaibahan ay sa kandungan ko siya umupo sabay yakap pa saakin na ikinatingin ko sakanya.
Problema ng babaeng to?
Kahit nagtataka ay hinawakan ko siya sa bewang para hindi siya mahulog. Nakatingin lang siya saakin kaya mas lalo akong nagtaka. Nawala ang pagkakunot noo ko nang hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian na ikinangiti ko din.
Agad din namang nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang nangyari kanina.
'Sabi mo may meeting ka? Pero bakit nakita kitang kasama ang koral na yun?'
'I thought you and that koral aren't friends? Bakit hinayaan mo siyang kumapit sa braso mo kanina na hindi mo naman ginagawa sa mga kaibigan mo?'
Gusto kong itanong ang mga yan pero napagpasyahan na hindi nalang. I trust her and I know she loves me so it's okay. And not because girlfriend niya ako ay kailangan ko ng pakialaman ang mga desisyon niya, hindi ko pwedeng kontrolin kung sino ang magiging kaibigan niya.
"What's wrong?"
Umiling ako sakanya at ngumiti pero nanatili nag aalala niyang tingin. Nagtitigan kami pero ako lang din ang unang umiwas dahil sumeryoso na ang tingin niya.
Hayst tarah, bakit ba kasi ang ganda mo?
"Azrel. Tell me, may nangyari ba?"seryoso niyang tanong at tumayo. Tumayo din ako para lumabas dahil nagugutom na rin ako pero pinigilan niya ako at niyakap ako mula sa likuran
"Yahzrel, I'm asking you. May nangyari ba?" Tanong niya ulit at pinaharap ako. Napabuntong hininga ako habang nagdadalawang isip kong tatanungin ko ba siya o hindi ngunit sa huli ay tinanong ko na rin.
"Naalala mo ba si Coraline?" Kalmado kong sabi. Pinanood ko ang magiging reaksyon niya pero hindi iyon nagbago sa katunayan ay mas lumamig ang tingin niya at inabangan ang sasabihin ko.
"Yes. The one who hurt you" malamig niyang sabi na ikinalunok ko.
"I saw her earlier. In fact nakausap ko pa nga siya and..."
"And?"
Muli akong napabuntong hininga sabay iwas ng tingin dahil ayaw ko siyang tignan.
"I s-saw you with her..."
![](https://img.wattpad.com/cover/257753286-288-k563960.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...