Chapter 9

5.5K 237 19
                                    

Ngayong araw susubukan ko ulit magpaliwanag kay tarah.

I really want to rebuild our friendship at sa narinig ko kahapon ay bestfriend ang turing niya saakin.

"Hoy ganito plano!"

Naglingunan mga kaklase ko sa sinigaw ko at umupo pabilog saamin ni Olivia. Civilian kami ngayon kaya naka suot ako ng black button up polo na naka tuck in sa suot kong light blue high waisted denim short, naka white slip on din ako.

"Ilolock niyo kami sa classroom ng palihim at syempre magkukunware akong walang alam dun" pagsasawalat ko ng plano na pinag isipan ko kagabi. Mamaya pa naman ang laro niya kaya sure akong wala siyang gagawin mamaya. Napa facepalm ang iba habang ang iba ay pumayag sa plano ko.

Para namang may ibang suggestion sila ah?

"Ganda ng plano mo ah" sarcastic na sabi nila pres saakin, proud naman akong tumango.

Hindi kaya ako nakatulog kaka isip ng plano at kung anong mangyayari pagkatapos.

"Kelan ba gagawin yan?" sabay sabay na tanong nila kaya alanganin ang ngiting binigay ko sakanila. Napabuntong hininga sila at napa facepalm ulit.

"U-uh ngayon hehe"

....

Nakaupo ako sa abandonadong kwarto at inaantay na dumating si tarah. Para akong matatae dahil sa kaba. Sobrang daming what if ang bumabagabag saakin kagaya nalang ng...

What if mautot ako dito at siya namang pagpasok ni tarah? Tapos maamoy niya at icoconclude na ako ang umutot kaya agad niyang gugustuhing lumabas.

Dapat kasi tumae na ako kaninang umaga eh. Bakit kasi sobrang excited ko? Ayan tuloy.

Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ang message sa gc na sinasabihan akong paparating na sila dala si tarah. Piniringan ko ang mata ko pero hindi ko totally tinakpan ang mata ko at lumapit sa pinto para palabasing dinakip din nila ako at kakarating ko lang din.

Bumukas ang pinto, agad nilang inilabas si tarah na naka suot ng white dress na may bulaklak na design sa gilid. Agad kong natanggal ang piring ko sa mata para pagmasdan siya.

Ang maputi niyang balat ay bumagay sa suot niyang dress (bagay naman ata lahat sakanya).

Napatigil ako sa pagtitig sakanya nang binatukan ako ng mga classmate ko. Tumango sila saakin kaya umupo ako sa gilid at binalik ang piring ko. Naramdaman ko ang paglabas nila. Ilang minuto pa ay narinig ko ang naasar na boses ni tarah

"What are you doing here?" rinig kong tanong niya kaya tinanggal ko ang piring ko at nagkunwareng naguguluhan din kung bakit ako nandito.

"The fuck...?" mura ko at inilibot ang paningin.

Pwede na ako sa paga artista sa lagay na to.

Huminto ang paningin ko sa babaeng naka simangot sa harapan ko. Lumapit siya sa pinto at sinubukan itong buksan. Napangisi ako ng palihim dahil alam kong hindi niya yun mabubuksan.

Syempre planado na ang lahat hehe.

"It's locked!" inis niyang sabi.

Lumapit naman ako at kunwareng tinignan kung locked nga talaga. Kunwareng napa buntong hininga ako at umupo sa isang upuan. Sinusubukan parin niya itong buksan kaya natakot ako baka nga mabuksan niya ito.

"Kilala mo ba kung sino nagdala sayo dito?" tanong ko.

Tumigil siya sa paghampas doon sa pinto at luminga linga. Naghahanap siguro ng mauupuan. Tumayo ako at itinulak ang upuan sakanya. Tatayo nalang ako kesa naman umupo siya sa lapag at masilipan.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon