Chapter 19

5K 221 26
                                    

A day before prom night

Hinihingal na humiga ako sa lap ni River at sinagot ang cellphone na nagvi vibrate. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag at nanatiling nakapikit.

"Bunso! Balita ko umamin daw si Clare sayo!"

"Ate clay!" masayang sabi ko, napatayo pa ako ng wala sa oras nang makilala ko kung sinong tumawag. Kung kanina inaantok ako pwes ngayon hindi na. Nabuhayan ang kaninang inaantok na katawan ko at mas na hype pa. Tumawa si ate clay, narinig ko pa ang pagsuway ni ate chelsea sakanya na tumahimik daw.

"So totoo nga? Nakita ko din iyong mga pinost ng mga kaklase mo, single parin ba?" Tumatawang sabi niya. Napailing ako at nangiti. Hays kahit ilang babae o lalaki pa man ang magkagusto saakin, siya parin talaga.

"May nagugustuhan na akong iba" ngiti kong sabi. Sumulyap ako sa babaeng salubong ang kilay habang nakaupo kasama ang mga kaklase niya.

"Dalaga na! Kilala ko ba yan- mamaya ka mahal! Kausap ko pa siya!"

Napatawa ako sa bangayan nilang magjowa at nginisian si Olivia na kanina pa ako tinitignan. Pinakyuhan ko siya at gumilid para tignan ulit si tarah. I'm hopeless hays.

"Kilalang kilala" sagot ko. Biglang namatay ang tawag pero maya maya ay nagvivibrate ulit ito na agad ko namang sinagot.

"Baby Yahz!"

"Ate Chelsea!" sagot ko pabalik. May bumatok saakin kaya hinarap ko ang taong yun at binawian ng hampas sa braso. Nag bleh ako kay olivia na siyang bumatok saakin at winave ang hawak kong cellphone.

"I think I know that person. It's her, right?" Makahulugang sabi ni ate chelsea. Napakagat labi ako at tumango kahit hindi niya ako kita.

"Yeah. Siya nga" ani ko. Iniiwas ko ang tingin kay tarah dahil baka mahalata niya. Dapat mainis ako sakanya eh, magco confess na sana ako pero ayaw niya marinig. Alam niya na may nararamdaman ako but she's pretending that she doesn't for the sake of our friendship.

Mukha ba akong hanggang kaibigan lang? Tsk.

"Then make her yours" Sabi naman ni ate clay sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako at umiling. Kung ganun lang kadali yun matagal ko ng ginawa.

"She doesn't like me back"

"Oh"

"Damn"

"Ay kawawa" nang aasar na sabi naman ni olivia saakin. Niyakap naman ako ni Jazmine at ginulo naman ni henry ang buhok ko. Tsaka ko lang napansin na nakapalibot halos lahat ng mga classmates ko saakin.

"Then what's your plan?"

Oh well.

-----------

Natapos ang practice namin at sabay sabay kaming nagtungo sa cafeteria para kumain ng lunch. Last day na ng practice namin ngayon, masasabi kong halos ma perfect na namin ang mga steps kaya maaga daw kaming papauwiin dahil natuwa iyong choreographer.

"Oh ilista niyo mga bibilhin niyo tsaka yung mga bayad ibigay kay leigh. Kami na bahala" ani ni Lance at iniabot ang isang papel saakin. Isinulat ko ang order ko at dumukdok sa lamesa para magpahinga saglit. Papikit na ang mga mata ko nang may sumiko saakin, umiling ako dahil alam ko na kung bakit ako siniko ng katabi ko.

May magbibigay nanaman ng kung ano saakin. Hay, hindi naman ako mahilig sa chocolates kaya ang mga classmates ko lang din ang kumakain. Hindi din ako mahilig magbasa ng love letter kaya sa huli sila na ang nagbabasa para saakin.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon