Katulad nga ng sinabi ko kay tarah ay manonood ako ng laro niya. Kakatapos lang ng lunch ay patago akong naglalakad kung saan pagdadausan ang larong badminton. Tinataguan ko kasi si Calista. Baka umiyak yun at sabihing fake friend ako.
"Go Marsha!"
"Go Kim!"
"Laban lang Cindy!"
Samu't sari ang naririnig kong pagche cheer. Hinanap ng paningin ko si tarah at huminto ang tingin ko sa babaeng seryosong inaayos ang buhok. She's wearing the school's badminton uniform. Napapatingin sakanya ang ilang players pati na ang mga estudyante kasi parang bad trip siya. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at pinanood lang siya.
Nahihiya akong lumapit. Kahit na pwede ko na ulit siyang kulitin at asarin ay parang nahihiya parin ako.
Malaki ang court na ito dahil may apat na net na nakalagay. Apat na iba't ibang court ng badminton. May nag flash na mga pangalan sa TV. Ang nakita kong kalaban ni tarah ay iyong nangangalangang Cindy.
Nag umpisa ang laban at mahahalata mo talagang bad trip tong si tarah eh. Natapos agad ang laro, tinambakan pa ang kalaban niya.
Kawawang nilalang.
"Lapitan mo. Baka bumuga ng apoy yan"
Nilingon ko ang nagsalita sa gilid ko at nakita si michael. Kasama niya ang ibang section 4 naka nakapamulsa sa likuran niya.
Teka? Close ba kami nito?
Hindi ako sumagot at tumayo nalang. Lilipat nalang ako ng upuan.
"Lapitan mo na "
Ngayon nagsalita naman ang ibang section 4 kaya napa 'eh?' ako.
Close ba kami?!
Tinulak nila ako pababa hanggang sa nakarating ako dun sa mga benches ng players. Wala akong nagawa kundi lumapit kay tarah na seryoso paring umiinom ng tubig habang nililibot ang paningin.
"Tarah" tawag ko. Lumingon siya saakin bago ako inirapan. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. May 30 mins pa naman bago ang panibagong laban niya.
"Ang tagal mo" reklamo niya kaya tumawa ako at hinablot ang pamunas na nasa kamay niya. Ako ang nagpunas ng pawis niya gaya ng ginagawa namin nung bata pa kami.
"Kanina pa ako dito" ngiti kong sabi.
"Then why didn't you sit here?"
"Nahihiya ako eh. Tsaka baka may iba ka pang inaantay?"
"I told you to sit here. And no, ikaw lang ang hinihintay ko"
Tumango naman ako at di na sumagot pa. Namuo ang katahimikan sa pagitan namin kaya binaba ko ang pamunas at tumingin dun sa malaking tv na may nakalagay na mga pangalan.
"Kalaban mo si Hannah"
"I can see that" tipid na sabi niya at tumingala din
"Edi ikaw na may mata"
Tinignan niya ako ng masama bago ako pinalo sa braso. Napa aray naman ako at minasahe eto.
Mapanakit!
"Sorry"
Minasahe niya din ang braso ko at ang kinagulat ko ay yung paghalik niya sa daliri niya at inilapat ito sa namumula kong braso.
Parang gusto kong himatayin. Bakit? Bakit ang sweet niya? Ang swerte siguro ng magiging jowa niya.
May ibinigay siyang nakatuping denim jacket ko at inirapan ang suot kong shorts.

BINABASA MO ANG
First Love
Roman d'amourMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...