Simula nung ma realize kung mahal ko siya ay nagsimula akong umiwas. Maybe in this way mawawala ang pagmamahal sakanya, which is alam kong impossible.
Isang linggo palang ng pag iiwas ko pero parang mababaliw na ako. Hindi ko nga alam kung iwas ba talaga ang tawag dito dahil minsan ako mismo ang gagawa ng paraan para makita siya pero hindi naman ako lumalapit at kinakausap siya gaya ng dati kaya siguro counted parin yun as pag iwas?
Ah basta! Pati ako nalilito.
"Mendoza! Baba! Kanina pa kita tinatawag pero mukhang lutang ka!" Napaigtad ako ng biglang sumigaw si sir. Tsaka ko naalala CAT pala namin ngayon at dahil lutang ako kailangan ko mag push up.
Actually pwede namang sit up pero paano ang sapatos ko? Hayzt
Narinig ko na tumawa Krista sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin bago magsimulang mag push up.
Kawawa naman mga muscles ko na wala naman. Puro buto lang ata to eh.
"Bautista and company! Baba din and give me 10 push ups!"
Muntik na akong mapasubsob dahil natawa ako nang tinawag ang mga boys at pinag push up din. Ayan, tawa pa mga ulul.
Hinihingal na tumayo ako at pinagpag ang kamay. Ginaya ko ang tayo ng iba at pinaghiwalay ang paa. Malapit na din naman ang time kaya pag tiisan nalang.
Ako parati napapansin ni sir eh. Favorite ata ako.
"Next friday may gagawin tayong exciting" saad ni sir. Napasipol ang mga boys pero napangiwi ako.
Scam ang 'exciting' na word ni sir.
"Ano yan sir!? Masama yan sir!" Sigaw ng kung sino sa likod. Nag sigawan ang iba kaya natawa ako.
"Baba! All of you, give me 15!"
Napatigil kami sa pagtawa at bumuntong hiningi bago magsimulang mag push up.
"Kaya pa today yahz?" Maarteng sabi ni ella na ikinatawa ulit ni krista. Saya yan?
Biglang natumba si krista kaya natawa ako. Tawa pa ah.
"Punyeta ka. Inaano ka yahz?"badtrip niyang sabi. Hindi ako sumagot at huminga ulit tsaka pinagpatuloy ang pag push up.
"Gago andyan si auclair at mga klasmeyt niya"
Bigla akong nanghina sa sinabi niya kaya napabagsak ako. Buti nalang naiharang ko ang wrist ko sa mukha ko kaya hindi ito lumapat sa sahig. Ang kaso nga lang nasaktan ang siko at tuhod ko.
"Ginagawa mo?" Tawang sabi ni river na kakatapos lang mag push up. Dalawa nalang, wew.
Mabilisan kong tinapos ang dalawang natira at tumayo. Napalunok pa ako nang maramdaman ko ang titig niya mula sa likuran.
Shit. Titig palang niya pero kinakabahan na ako.
"See you next friday!" Paalam ni sir. Hindi niya na kami inantay na sumagot at basta nalang umalis. Pinagpag ko ang jogging pants ko at nagtungo sa cr para maghugas ng kamay.
"Huh?" Rinig kong sabi nina olivia na hindi ko pinansin. Sigurado akong nagtataka sila kung bakit hindi ako lumapit kay tarah na madalas ko namang ginagawa dati.
Nagsabon ako at nagbanlaw bago naghilamos. Winisik ko muna ang kamay ko tsaka kinuha ang panyo sa bulsa. Buti nalang andito pa ito pero sure ako mamayang pag uwi wala na to. Bigla nalang maglalaho, ni hindi ko nga alam kung saan ko nilalagay kaya ang ending, nawawala siya. Malalaman ko nalang kinabukasan na basahan na ito o di kaya'y pamunas sa board.
Pinagpag ko muna ito at inayos tsaka pinunas sa mukha. Nang matapos ay pinunasan ko din ang siko at kamay ko.
Ayan. Malinis na ulit.

BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...