Chapter 20

5.7K 213 15
                                    

1:15 AM

Nakatulala ako sa kwarto habang iniisip ang mga kaganapan kanina.

Okay na eh. Nakakakilig na sana eh pero bakit kailangan niya akong iwanan ng mag isa doon? Hays. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko siya maintindihan. Umaasa akong gusto niya ako dahil sa mga aksyon niya. Dahil sa mga pagseselos niya at dahil sa mga sinasabi ng mga classmate ko sa pagtingin niya saakin pero bakit? Bakit ayaw niya tanggapin ang feelings ko?

Sobrang dami kong katanungan pero ni isa wala akong masagot. Sobrang daming pumapasok na ideya sa utak ko pero hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mahal ko siya pero titigil na ba ako kapag hindi niya din ako mahal?

Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Ayaw ko naman ipagpilitan ang sarili ko sakanya.

"Ugh!" Daing ko at ginulo ang buhok. Naalala ko nanaman tuloy iyong magulo niyang buhok kanina nung naghalikan kami!

Dumapa ako sa kamay at inilagay ang unan sa ibabaw ng ulo ko. Nakaka frustrate!

"Ano ng gagawin ko?" Napabuntong hininga ako at umupo nalang. Dumapo ang paningin ko doon sa picture frame sa gilid. Picture namin ni tarah nung grade 5, nakayakap ako sakanya habang sinusubukan niya akong itulak palayo.

Now that I think about it, narealize ko kung paano niya ako itrato dati, kung gaano siya kagulo dati pa. Kung gaano ko gusto intindihin ang ugali niya tuwing may mga nangyayari.

I realized everything and come up with a thought. Alam ko na ang gagawin ko.

.....

Halos mag alas dose na ng magising ako kinabukasan. Hindi ako ginising ni mama gaya ng lagi niyang ginagawa dahil siguro prom namin mamaya.

Hinanda niya na lahat. Pati gown siya yung pumili, siya nag asikaso ng lahat. Mas excited pa nga ata siya kesa saakin eh.

Naligo ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba. Kumain ako at nag cellphone pagkatapos. Nanood din ako ng movie pero dahil sa sobrang bored ko ay napunta ako sa gym na katabi lang ng movie room.

Dahil wala akong magawa at sumasakit lang naman ang ulo ko kaka chat sa mga siraulo kong classmate mas mabuting dito muna ako. Tinanggal ko ang damit ko at nagsimulang mag work out.

Wala pang isang oras ay biglang pumasok si mama at sinabing maligo na daw ako dahil nandyan na yung mag aayos, tsaka ko lang napagtanto na alas kwatro na pala (6:30 PM yung prom)

Naligo ako gaya ng sabi ni mama at umupo sa harap ng salamin. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras niya akong inayusan dahil nakatulog ako pero nung pagkabukas ko ng mata ay bumungad ang mukha ni mama na naiiyak.

"Ang ganda ganda mo anak, kamukha mo siya. Kung nandito lang si diane..." naiiyak niyang sabi. Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi pero nagtaka ako doon sa sinasabi niyang kamukha ko pero hindi na ako nagtanong pa.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Mahal na mahal kita anak" naiiyak niya paring sabi at hinigpitan ang yakap saakin.

"Love you din, ma"ngiti kong sabi kahit na nahihiya ako. Hindi ako sanay na sinasabihan ni mama ng ganito.

"Anak? Kung dumating man ang oras na may mangyari wag na wag kang magagalit saakin ah?"

"Bakit naman ako magagalit sayo, ma?" Tanong ko. Humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang luha niya ng tissue at umiling saakin.

"Malalaman mo din yan" Huli niyang sabi at ngumiti ng malungkot saakin.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon