"Sa tingin mo ba makakalabas pa kayo rito?" Natatawang sabi ng lalaki sa isang babae na yakap yakap ang tatlo niyang anak.
"Zelo will find us" matapang na sabi ng ina. Nagawa pa niyang sabihin ng matapang ang linyang yan kahit nanginginig ito.
"Zelo, zelo, zelo! You will not escape here alive! Mamamatay kayong apat dito!" Sigaw ng lalaki at itinutok ang baril sa ina ng mga bata.
Nagulat nalang ang mag iina ng makarinig ng mga putok sa labas. Nataranta ang lalaki, agad niyang nilapitan ang babae at sinabunutan ito. Napaigik ang ina at napahiwalay naman ang mga bata sakanya
"Papatayin kita gaya ng kung paano pinatay ng zelong yan ang kapatid ko"parang demonyong sabi ng lalaki. Ibinaba nito ang hawak na baril at sinakal ang babae. Napaiyak ang pinakabatang kapatid roon habang ang dalawa niyang kapatid ay hindi makagalaw.
"Mom..."
Malapit ng malagutan ng hininga ang babae nang biglang tumumba ang lalaki sakanya. Napahiga ito dahil sa bigat ng lalaking hindi na gumagalaw. Napag alaman niyang patay na ito nang makita ang pagdaloy ng dugo sa bibig nito.
Nakita niya ang pangalawang anak sa harapan niya hawak hawak ang baril ng lalaki kanina.
"Mom, let's get out of here" walang emosyon nitong sabi. Nanginig ito sa pinapakitang expresyon ng anak.
Hindi naka imik ang ina ngunit kinalong niya ang bunso niyang anak at binuksan ang pintuan patungo sa labas.
Patuloy lang sila sa pagtakbo sa mahabang hallway. Lumingon siya sa likuran upang tignan kung sumusunod ba ang dalawa niyang anak but to her horror, her daughters are gone.
"Raizel?! Vince?! Mga anak?! Where did you all go?!" Sigaw niya. Napaiyak ito pero nanatiling matapang. Bumalik siya sa kwartong kinalalagyan nila kanina, hinanap niya na rin ito sa iba't ibang daan pero hindi niya nakita ang dalawa.
"Honey? Are you okay?"
Napalingon siya sa asawa niyang dumating. Nag aalala ang tingin nito at agad siya nitong niyakap. Napaiyak siya sa dibdib ng asawa nang mayakap siya nito.
"Zelo..."
"Sina raizel? Where are they?"tanong ng asawa. She pushed her husband away and continued crying while shaking her head.
"Raizel and Vince... they are both gone"
...
Napamulat ako ng mata at ang unang nakita ko ay ang nakabukas na bintana. Nanghihinang tumayo ako at hunawak sa ulo dahil sa biglaang pagsakit nito.
It's still dark outside but here I am sitting on my balcony. It's still fucking early pero nagising nanaman ako dahil sa panaginip. I remember the names now.
"Raizel, Aeshenn and Vince..." bulong ko. Tumingala ako upang pagmasdan ang buwan. Maya maya bababa rin ito at mapapalitan ng araw.
"I'm Vince... but Raizel and Aeshenn doesn't sound familiar"
Meron ding babae but who is that? Hindi ko na maalala. She's faceless. And that man, what was his name again? Zero? Zeto? Zeno?
"Ah zelo!" Sigaw ko at napatayo pa.
But why do I keep dreaming about those? Simpleng panaginip lang ba yun? Or was it memories?
Memories that I can't remember at all? Memories that keep bugging me, almost telling me that I should remember them because they are part of me.

BINABASA MO ANG
First Love
Roman d'amourMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...