Lumabas ako sa gym dito sa penthouse ko habang pinupunusan ang pawis sa mukha ko. I just finished my workout and ready to go to work. I woke up so early kaya nag workout pa ako dito sa sarili kong gym na pinagawa ko dahil mahilig akong mag workout and because I don't want to associate myself with others and I don't want them looking at me.
"Good Morning" bati ni tarah saakin na kakalabas lang sa kwarto niya na nakasuot ng formal attire. She's wearing a black pencil skirt and a white blouse na hapit na hapit sa katawan niya. Napalunok ako sa itsura niya dahil ang sexy niyang tignan. Umiwas ako ng tingin bago pa niya ako mahuli.
Dumiretso ako sa kusina kahit na sports bra lang ang suot kong pang itaas. I can feel her watching me while I'm drinking my water.
"Hot..."
She whispered something na hindi ko narinig. Hindi ko nalang siya tinanong at pumasok sa kwarto upang magbihis.
After doing my routines ay lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ulit ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nakita ko siya naghahain sa lamesa nang pumasok ako. She smiled at me and pulled a chair sa right side.
"Breakfast?" She offered. Nag isip muna ako saglit at dahil naalala ko yung mga sinabi ko sakanya kagabi ay napabuntong hininga nalang ako. I felt a little guilt last night so maybe I have to join her.
Hindi ako umupo sa hinila niyang upuan. Instead, I pulled the one on the left side so basically magkaharap kaming dalawa. She sat down and smiled when I glanced at her. We started eating after praying.
Tahimik lang akong kumakain sa harap niya habang pinanatili ang poker face kong ekspresyon. I suddenly remembered how she tried to cooked before nung magkarelasyon pa kami. Ako parati ang magluluto dahil parating sunog kapag siya. Kanin lang ang alam niyang lutuin, nung minsan kasing nagluto siya ng hotdog ay nasunog. She's really bad at cooking, kung hindi sunog matabang naman, Kung hindi matabang maalat.
Why am I remembering these things anyway? Tsk, change thoughts. I don't want to remember anything that concerns her.
"W-Why? Is it bad?"kinakabahang tanong ni tarah saakin. Napakunot noo ako dahil wala nama akong sinasabi then I realize that I scoffed earlier. Akala niya siguro pangit ang lasa ng luto niya, well masarap siya but I will never admit it.
"Pwede na" simpleng sagot ko. Nakita ko ang pag ngiwi niya na ikina ngiti ko ng palihim.
After eating ay nagligpit kaming dalawa ng pinagkainan namin. It's rude to leave her without even doing anything.
"Ako na ang maghuhugas"pagvo volunteer ko. Siya na ang nagluto kaya ako na ang maghuhugas.
"It's okay azrel. Ako na" pilit niya din at kinuha ang hawak kong sponge. Tinulak pa niya ako palayo. Bumalik ako sa dati kong pwesto at kinuha din pabalik ang sponge sakanya.
"Tarah, ako na"
"No, ako na. Just go to work"
"Tarah sabing ako na" naiinis ko ng sabi. I want to be fair, ako ang maghuhugas dahil siya na ang nagluto.
"It's really okay Azrel. Let me-"
"Czarina" mariin kong sabi. Napatigil ito sa pagkuha ng sponge sa kamay ko at nilingon ako.
"You already cooked our food, ako na ang maghuhugas" saad ko. Tumabi naman siya sa gilid kaya sinuot ko na ang apron at nagsimulang maghugas ng pinggan.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kinuha ko ang wallet at car keys ko para umalis.
"Hindi ka ba papasok?"tanong ko kay tarah na nakaupo sa sofa habang nanonood. Yumuko ako para ayusin ang pagkakatupi ng suot kong long sleeve shirt at tinignan siya na nasa harapan ko na pala. Maingat niyang hinila ang kamay ko at siya na mismo ang nag ayos ng pagkakatupi nun. Hinayaan ko nalang siya at pinanood ang ginagawa niya. Ginawa niya din yun sa kabilang side, nang matapos ay umatras siya upang kunin ang kanyang designer bag.
BINABASA MO ANG
First Love
RomanceMasaya ka na sa buhay mo. Natupad na ang pangarap mo. May sarili ka ng trabaho at hospital na pinaghirapan mo. Ayos na ang lahat at higit sa lahat kontento ka na sa kung anong meron ka pero anong mangyayari kung dumating iyong taong dahilan kung bak...