STORY #56: Family"Halloo.. papasok si Daddy.." bungad na sabi ni Alejandro habang unti-unting pumasok sa kwarto ng isa sa kaniyang mga anak. Nakita niyang nakatingin lamang sa kaniya ang kaniyang anak at nakatalukbong pa ito ng kumot hanggang sa kalahati ng ulo nito.
"Bakit hindi ka pa natutulog anak?" Pagtatanong ni Alejandro. "Natatakot po kasi ako daddy" sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang kumot sa mukha nito.
"Bakit ka natatakot anak? May multo ba sa kwarto mo? Dali sabihin mo kay daddy" pakikipag-usap dito ni Alejandro. Nakatingin lang sa kaniya si Benjamin ng mga ilang segundo bago ito sumagot.
"Daddy sa tingin ko po nasa ilalim po yung halimaw na sinasabi ko sa inyo" parang nanlilisik ang mga mata na sabi ni Benjamin na kina-weirduhan ni Alejandro. Parang kanina lang kasi eh makikita mo ang takot sa mata nito. Pero ang tanong may nakita nga ba siyang takot sa mukha nito?
"Sige anak, titingnan ni daddy kung may halimaw ba sa ilalim ng kama mo para hindi ka na matakot" sabi naman niya bago unti-unting yumuko at sumilip sa ilalim ng kama ng kaniyang anak.
Doon sa ilalim ng kama ay nakita niya ang kaniyang anak na nanginginig sa takot. Nang makita siya nito ay takot na takot naman itong nagsumbong sa kaniya. "D-daddy.. May halimaw na nakahiga sa kama ko" dahil doon ay unti-unti siyang sumilip ulit sa kama.
Doon sa kamang iyon ay naghihintay ang isang bata na may maskara ng...Pang-halloween...
"BOO!! HAHAHHAH" paggulat nito sa kaniya. Napangiti naman si Alejandro at kiniliti ang anak niya. Lumabas din ang isa pa niyang anak na kambal ni Benjamin na si Alex at nakisali sa kulitan nila.
"Kayo ah! Ako talaga peyborit niyong i-prank ah" nakangiting sabi ni Alejandro habang kinikiliti si Benjamin. "Hahhahahah tama na daddy hahahah nakakakiliti!" Tumatawa namang sabi ni Benjamin. Tumigil naman na si Alejandro sa pagkiliti dito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.
"Daddy magkwento po kayo ng story" sabi ni Alex. "Sige basta tahimik lang kayo ah at makinig sa story ni daddy" sabi niya bago kumuha ng isang story book sa isang estante at nagsimula nang magbasa.
Nang matapos niya itong basahin para sa mga anak niya ay inaantok namang humiga sila Benjamin at Alex sa kanilang kama. Nakaramdam naman ng sakit sa likod si Alejandro maibalik ang libro sa estante nito.
Inunat-unat naman niya ang kaniyang mga balikat upang maibasan man lang ang sakit sa kaniyang likod. Napansin naman iyon ni Alex.
"Masakit pa rin po ba likod niyo daddy?" Pagtatanong nito.
"Ah oo eh. Siguro sa paghuhukay ito ni daddy kanina" pagsagot naman niya. Tahimik namang nakatingin si Benjamin sa kaniya. "Daddy kaya siguro masakit likod mo dahil--" para namang nagdalawang-isip pa si Alex kung sasabihin ba niya o hindi pero sa huli ay sinabi niya rin ito.
"Dahil palagi mong buhat si mommy"
Naging tahimik bigla ang kwarto ng ilang segundo bago biglang sumulpot ang asawa ni Alejandro na mommy nila Benjamin at Alex at eto ay si Ellisa. "Naku ah sinasama niyo na naman ako sa mga biro niya" bigla namang nagsitawanan ang mag-ama sa sinabing iyon ni Ellis.
"Alam mo namang mga anak mo mahilig mag-joke ng mga nakakatakot" sabi niya sa kaniyang asawa bago siya lumapit at hinalikan ang noo nito.
"Naku ang sabihin mo mana sila sayo" kantyaw naman ni Ellis na ikinatawa lang niya. Tumingin naman siya ulit sa mga bata at sinabihan na matulog na bago sila umalis sa kwarto ng kanilang mga anak.
"Ah hon may kailangan pa pala akonv asikasuhing files sa laptop" sabi niya bago kinuha ang laptop sa kwarto nila. "Sige hon mauuna na kong matutulog" sabi naman ni Ellis at naupo na sa kama nilang mag-asawa.
Lumabas naman ng kwarto nila ni Ellis si Alejandro na dala-dala ang laptop bago bumaba ng hagdanan at doon nagtrabaho sa kanilang sala.
Magaalas-dose na ng gabi ng matapos sa kaniyang trabaho si Alejandro ng biglang may nagdoorbell.
Nagtaka naman si Alejandro kung sino ang bumibisita sa bahay nila ng ganitong mga oras ng gabi. Agad na napalitan ang kaniyang pagtataka ng pagkatakot ng marinig ang boses ng asawa niya na nasa labas.
Tinatawag nito ang pangalan niya. Alam niyang nasa kwarto nila ang kaniyang asawa kaya imposibleng nasa labas ito ngayon. Pero sa kabila ng pagkatakot at pagtataka ay binuksan niya ang pinto at nagulat siya sa bumungad sa kaniya.
Dahil mga pulis pala ito!
"Alejandro Ferlinidad you're under arrest for murder" hindi na siya nakaangal pa ng mabilis siyang naposasan ng isa sa mga pulis. Pagtataka ang bumalot sa buo niyang pagmumukha.
"Anong murder sir? Yung pami--" natigilan na lamang siya sa pagtutol ng paglingon niya pabalik sa kanilang bahay ay nakita niya ang mga namumutla niyang pamilya. Purong itim lamang ang mga mata ng mga ito at nakangiti ito sa kaniya na tila sayang-saya sila sa nakikita nila.
Sayang-saya sila dahil nabigyan na rin ng hustisya ang pagpatay sa kanila ni Alrjandro.
Nagwagay-way pa ang mga ito sa kaniya nang maipasok na siya sa kotse ng mga pulis. Habang takot naman ang kaniyang nararamdaman ng maalala niya ang kahindik-hindik na ginawa niyang krimen sa sarili niyang pamilya.
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...