STORY #22: MonsterNandiyan siya sa madilim na sulok ng iyong kwarto
Na tila ba naghahanap ng tyempo
Natatakpan ng dilim ang kaniyang anino
Pakiwari mo'y hindi ito sino, kundi anoSa kaniyang mga mata, kita mo ang pagkasabik
Makatikim lang ng laman at dugo
At hinihiling mo na sana ang mga magulang mo ay magbalik
Nang mahuli itong halimaw na nagtatagoDinig ang bawat patak ng dugo at pagtulo
Tumayo ka man o gumalaw hindi ka makakakibo
Tila parang naparalisa na ang iyong katawan mula paa hanggang ulo
Tanging mata na lang ang magtuturoSa pagikot mo ng iyong mata bigla na lang ito nawala na parang bula
Hindi mo malaman kung saan ito nagpunta
Nang mas lalo pang dumilim at nawala ang sinag ng buwan
Na tanging ilaw na sa iyo'y maggagabay ay ika'y iniwanAt iyong narinig ang ingay ng sirena ng kotse ng mga pulis
Ang tibok ng iyong puso ay pumintig ng mabilis
Nang pagbukas ng ilaw tumambad sa iyo ang salamin
Duguan siya at may hawak na kutsilyo na tila isang salarinIpinapakita na ang itsura ng halimaw
At yun ay ikaw...
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
KorkuMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...