Story #12 - A Letter For YOU

216 12 0
                                    

STORY #12: A Letter For YOU

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

STORY #12: A Letter For YOU



12:00 A.M.



To: You



Alam mo bang palagi akong nakamasid sa 'yo. Nakikita ko lahat nang bawat pagkilos at paggalaw mo. Alam ko kung saan ka nakatira. Alam ko rin ang pangalan mo. Alam ko lahat ng tungkol sa iyo.



Alam ko lahat ng sikretong tinatago mo. Kabisado ko na ang lahat ng emosyon mo. Kilalang-kilala kita at kilala ko rin lahat ng kilala mo. Masaya ka nga sa buhay mo ngayon pero magbabago na 'yon balang araw sa paglabas ko at hindi mo iyon mapipigilan.



Alam kong binabasa mo na ito ngayon. Balang araw kukunin na kita. Kahit saan ka man magtago, tumakbo, o kahit humingi ka man ng saklolo hindi ka paniniwalaan ng lahat. Pagkakamalan ka lamang nilang baliw. Palagi akong nakabantay sa mga kinikilos mo.



Hindi mo ko makikita at 'di mo ko mahahanap. Pero alam kong malapit na ang takdang panahon para makilala mo ko. Pero hindi pa ngayon.
Ihanda mo ang sarili mo dahil nandito lang ako, naghahanap ng tiyempo.



Hanggang dito na lamang...



From: You

From: You

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon