TEASER
Nagmahal, nasaktan, nagbalik
Para kunin muli ang naging akin at sabi nila masama ang sobrang pagmamahal na sa puntong nakakasakal na. Humanda ka na lang kung sakaling magbalik siya.
STORY #53: ObssessionAng pag-iiyak at pagkukulong sa kwarto ni Yannie ay unti-unting nawala. Sumagi na kasi sa isip niya na bakit niya iiyakan ang walang kwentang lalakeng iyon.
She deserve someone better than him at marami pang mga lalake ang magmamahal sa kaniya. Unti-unti na din siya nakaka-move on sa kaniya.
"Mabuti naman bes at nakaka-move on ka na" sabi ng kaniyang kaibigan na ka-video call niya. "Oo nga eh, wag na nga natin pag-usapan yung lalakeng iyon hahaha" sabi ni Yannie. "Okay" tugon naman ng kaibigan niya.
Nag-usap sila ng nag-usap hanggang sa bigla na lang humangin ng malakas sa kwarto ni Yannie. Napapikit pa ang dalaga dahil sa hangin na iyon. Nakita niyang nakabukas pala ang bintana ng kwarto at dito malayang pumapasok ang hangin.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama para isarado ang binatana. "Wait lang bes isasa—" natigil siya nang may makita siyang pamilyar na tao sa labas ng bahay at nakatingin ito ngayon sa kaniya. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo niya dahil ang taong iyon ay ang ex niya!
Dali-dali niyang isinarado ang bintana. Natakot siya dahil kakaiba ang tingin ng ex niya sa kaniya, para bang may balak itong masama sa kaniya. "Oh bes? Bakit para kang nakakita ng multo diyan?" Tawag sa kaniya ng kaibigan.
"B-bes yung ex ko nasa labas" nautal pa siya dahil naisip niya ulit ang mukha ng ex niya. "HAH!? Edi wag mong pansinin iyon, hayaan mong manigas siya diyan sa labas."
"Pero bes, parang may balak siyang gawin sa akin dahil sa tingin niya sa akin kanina. Mag-isa pa naman ako sa bahay."
"Awwtt wait kalma ka lang bes pati ako kinakabahan tuloy sa iyo, naisarado mo na ba pinto ng bahay niyo at mga bintana?"
Natigilan siya, "Naisarado ko pero hindi ko na-ilock bes!"
"Ano pang hinihintay mo i-lock mo yung door!"
Nataranta si Yannie nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto. Alam niyang mamayang gabi pa babalik mga kasama niya sa bahay kaya hindi iyon sila. Sumilip muli siya sa bintana ng kwarto at nakitang wala na roon ang dating nobyo!
"Bes! Nakapasok na siya" naiiyak na bulong ni Yannie. "Shet! E-edi i-lock mo yung door ng kwarto mo!" Agad namang sinunod ni Yannie ang inutos ng kaibigan pero bago niya na-ilock ang pinto ay nakita niya ang dating nobyo sa ibaba. Napatingin ito sa kaniya at biglang ngumiti ng mala-demonyo.
Kinilabutan ng sobra si Yannie dahil doon at isinarado na niya ang pinto ng kwarto at ni-lock ito. "B-bes nakita ko s-siya sa ibaba, anong g-gagawin ko?"
"Magtago ka dali!! Tatawagan ko ang pulis diyan!" Agad naman siyang tumalima at naghanap ng mapagtataguan. Naisip niyang magtago sa ilalim ng kama dahil may mga kahon doon sa ilalim para matakpan siya nito.
Isinuksok niya ang sarili sa pagitan ng mga kahon sa ilalim ng kama. Nakita niyang end call na ang kaibigan at malamang tinatawagan na nito ang mga pulis. Nagdasal na lamang siya na sana mabilis makarating ang mga pulis at hindi sila mahuli.
Napapikit siya ng mariin nang marinig na niya ang mga yapak ng dating nobyo sa hagdan. Hanggang sa tumigil ito sa harap ng kwarto niyo. Narinig pa niyang sinubukan nitong ipihit ang seradura upang mabuksan ang pinto pero mabuti na lang na-ilock niya ito.
Mga ilang segundo din ang lumipas at nakarinig muli siya ng mga yapak papaalis. Naghintay muli si Yannie ng ilang menuto bago niya naisipang lumabas sa pinagtataguan.
Nang makalabas siya ay naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag muli ang kaibigan niya. Pagkasagot niya ay saka lamang siya nagulat nang mabasag ang binatana ng kwarto sa likod niya. Napasigaw siya at nahulog ang cellphone niya sa sahig.
Inilingkis ng dating nobyo niya ang braso nito sa leeg niya. Lumaban naman si Yannie upang makawala sa ex niya. Nang lumapag ang paa ng ex niya sa sahig ay agad niyang tinapakan ito ng ubod ng lakas at nang mapa-aray at mapayuko ito ng bahagya ay agad niyang iniuntog ang ulo niya sa baba nito.
Dahil doon ay tagumpay siyang nakawala sa lalake. Nagtatakbo siyang pumunta sa pinto at agad na binuksan ito upang makalabas sa kwarto. "Akin ka lang Yannie! Halika ritoo!!" Nababaliw na sigaw ng lalake sa kaniya habang sinusundan siya.
"Manigas ka!" Sigaw niya pabalik at humingi ng tulong. Makakalabas na sana siya sa bahay ng mahigit siya ng lalake sa buhok. "Aaahhhhh!!" Sigaw niya nang kaladkarin siya nito papuntang kusina. "Akin ka lang! Akin ka lang! Hhaahahhaha!" Baliw nitong sabi habang dumidila sa labi nito.
Napatingin siya sa mukha nito at nalaman niyang hindi ito ang ex niya. Kundi ang kambal nito na obssess na obssess sa kaniya. "Pakawalan mo na ko please" naiiyak niyang sabi. Ibinira pa nito ang buhok niya sabay hampas sa kaniya ng malakas sa kitchen table na naging dahilan ng paglabas ng dugo sa ulo niya.
Nahilo siya bigla at nanlabo ang paningin habang tuwang-tuwa naman ang lalake sa nakikita. Binitawan nito si Yannie at nanghihina namang napa-upo ang dalaga. Tumutulo na rin ang dugo ni Yannie mula sa sugat niya sa ulo.
Nakakita ng kutsilyo sa kitchen table si Yannie at nanghihina niya iyong kinuha. Tuwang-tuwa naman siyang pinanood ng lalake. Nang mahawak ni Yannie ang kutsilyo ay nanginginig pa siyang tumayo at muntikan pang matumba dahil sa hilo at sakit ng ulo.
Hinawakan ni Yannie ng mahigpit ang kutsilyo at sinugod ang lalake pero dahil sa hilo ay agad na naagapan ito ng lalake. Naramdaman na lang niyang tinusukan siya ng injection ng lalake sa leeg.
Unti-unting naparalisa ang buong katawan ni Yannie at ang tangi na lamang niyang nagawa ay ang mapaluha. "Ang inenject ko sa iyo ay magpaparalisa sa buong katawan mo at mga ilang oras din ay ikaw ay mamatay. Pero huwag kang mag-alala magkakasama na tayong dalawa sa wakas habang buhay," bulong sa kaniya ng kambal ng dating nobyo niya. Pero parang wala siyang naintindihan sa ibinulong nito at tanging mainit na hininga lang nito ang naramdaman niya sa kaniyang tenga.
Ang sunod na lamang na nalaman ni Yannie ay ikinaladkad na siya nito papuntang kwarto. Nakikita niya ang lahat ng stolen pictures niya na nakasabit sa ding-ding hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang kaniyang paningin.
Napangiti namang niyang ipinasok si Yannie sa ilalim ng kaniyang kama at naisipan niyang maligo mamaya dahil sa dugong nakakapit sa balat niya.
"Mamaya na lang siguro hahaha" sabi ni Vincent at lumabas ng kwarto upang tingnan muli ang pictures ni Yannie.
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
TerrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...