STORY #21: Music BoxNakakaramdam ng kapayapaan si Carrie sa tuwing binubuksan niya ang music box na pagmamay-ari niya at magsisimula kaagad itong magpatunog ng mahinahong musika habang umiikot ang ballerina sa loob nito.
Pero noon yun, dahil sa tuwing naririnig niya ang musikang iyon tuwing sasapit ang alas dose ng gabi. Di na niya maiwasang kabahan at matakot.
Mag-isa lamang siyang naninirahan sa bahay at tutunog lamang ang music box kung may magbubukas nun kaya takot na takot na siya dito.
Lalo na't parang palapit ng palapit ang musikang iyon sa silid niya. Sa bawat lipas ng gabi ay siyang lapit ng music box.
Sinubukan na niyang sirain ang music box at itapon pero magugulat na lamang siya kinabukasan na nasa bahay na niya ulit ito. Maayos ulit at parang di niya ito sinira.
At ngayon ngang gabi, nanginginig siya sa takot habang nakatingin sa orasan dahil sa malapit ng pumatak ang alas dose ng gabi. Alam niyang ngayong gabi ay nasa loob na ng kwarto niya ang music box na iyon maya-maya lamang.
Di niya alam kung ano mang katatakutan ang bubungad sa kaniya sa oras na magbukas man ang pinto ng kwarto. Pero sigurado siyang di niya ito magugustuhan.
Nanlaki na lamang ang mga mata niya ng gumalaw na ang hintuturo ng orasan niya sa alas dose. Agad siyang nagtalukbong ng kumot at nagtago sa ilalim nun ng marinig niyang bumukas ang pintuan ng kwarto.
Narinig na naman niya ang musika ng music box kaya napapikit na lamang siya ng mga mata sa takot. Pinipilit pa niya sa sarili na bangungot lamang ito.
Mga ilang menuto din ang itinagal niya sa ganung posisyon ng maisipan na niyang silipin ang music box na patuloy pa rin sa pagtugtog.
Dahan-dahan niyang inalis ang kumot at sumilip siya sa music box na nasa gitna ng sahig ng kwarto niya habang nasa likod nito ang nakabukas na pintuan.
Nakabukas ang music box habang umiikot ang ballerina sa loob nun. Napabuntong hininga na lamang si Carrie at ipinikit ang mga mata ng madiin bago tiningnan ulit ang music box.
Pagdilat niya ay ganun na lamang ang pagka-gulat niya ng biglang nagsarado ang music box na ikinabilis ng tibok ng puso niya. Mga tatlong segundo din ang lumipas ng bumukas ulit ito.
Lumabas sa loob nun ang dalawang mahahabang paa at dalawang mga kamay. Lumapag ang mga ito sa sahig at nagmistulang parang gagamba ang porma ng music box dahil sa mga mahahabang paa at mga kamay na iyon.
Takot na takot na si Carrie nung mga sandaling iyon dahil sa naging anyo nito at nagulat siya nang bigla itong lumapit sa kaniya ng mabilis.
At ang huli na lamang niyang narinig ay ang sariling sigaw at ang musika ng...
Music Box..
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...