STORY #44: InsectMahilig sa mga insekto si Gregofer at minsan pa ay pinag-iiksperimentuhan niya ito. Gumawa pa nga siya ng sariling kwarto para sa mga insekto niya.
Puno ng mga garapon ang kwarto at may iba't ibang klase ng insekto sa bawat loob nun.
Nasa isang table si Gregofer habang tinitingnan gamit ang magnifying glass ang isang kakaibang insekto na nahuli niya kanina. Kakaiba ito dahil sa anyo nito. Halos alam na niya lahat ng klaseng insekto dahil sa pagre-research niya at pagbabasa tungkol dito. Kahit ang mga bihira na mga insekto na di madalas makita ng tao ay alam niya.
Ang insektong iyon ay may sungay na di isang pang-insektong sungay pero parang sa tingin niya'y sungay ng demonyo. Maliit lang ang insektong iyon at may maitim na pakpak na katulad ng sa langaw pero malaki lang ng konti.
Ang katawan naman nito ay parang sa lamok pero ang sa ibaba nitong parte ay bubuyog at ang bibig nito ay parang sa salagubang. Kulay pula ito pero ang mas nakaka-agaw pansin dito ay ang kulay pulang ugat sa pakpak nito.
Hindi ito agad mapapansin pero kapag minagnifying glass mo ay makikita mong parang sumusuka o lumuluwa ito ng kulay pulang likido sa bibig nito.
" Nakakamangha talaga " ani ni Gregofer habang hawak ang magnifying glass.
" Gregofer kakain na " dinig niyang tawag ng nanay niya sa labas ng kwarto. " Opo ma pupunta na po " sagot ni Gregofer bago binigyan ng huling tingin ang insektong iyon bago umalis sa kwarto.
Di niya alam na lumiwanag ng pula ang katawan ng insekto habang nakatingin ito sa papalabas nang likuran ni Gregofer.
***
Nang matapos sa pagkain si Gregofer ay dali-dali niyang inilagay ang pinagkainang pinggan sa lababo at pumunta sa kwarto ng mga insekto niya.
Laking pagkagulat na lamang niya na makitang basag na ang garapon nang insektong nahuli niya. Nagkalat ang mga bubog sa sahig at nakita niya ang alagang pusa na sigurado siya na ito ang may kagagawan.
Galit niyang pinaalis ang alagang pusa sa kwarto at inunang hinahanap ang insektong nakawala sa garapon imbes na linisin ang mga bubog sa sahig. Yumuko siya at tumingin sa ilalim ng lamesa at nagbabakasakaling nandoon ang insekto.
Sa pagtingin-tingin niya sa mga ilalim ay di niya sinasadyang mahawakan ang mga bubog sa sahig. " Aray! " Daing niya at tiningnan ang kamay na ngayo'y nagsimula ng magdugo dahil sa mga bubog.
Ang di niya alam ay nakaamoy ng dugo ang insektong kanina pa niya hinahanap at ito't lumipad papunta sa leeg ni Gregofer at kinagat siya nito. Napadaing ulit si Gregofer dahil kagat ng insekto. Pakiramdam niya ay parang ginunting ng koonti ang leeg niya dahil sa kagat.
Hinampas pa niya iyon gamit ang kamay pero mabilis na nakalipad ang insekto papalayo kay Gregofer.
Matapos ang pangyayaring iyon nung kinagabihan ay bigla na lamang inapoy ng matinding lagnat si Gregofer. Yung tipong kapag hinawakan mo ang noo niya ay literal na mapapaso ka talaga.
Nanghihina si Gregofer na nakahiga lamang sa higaan niya habang katatapos lamang siyang asikasuhin ng nanay niya at painumin ng gamot. Tila para siyang lantang-gulay sa lagay niya. Nahihirapan din siyang mag-salita at gumalaw. Maski paggalaw niya lang sa mga mata niya ay mahapdi na.
Pero ang mas nararamdaman niyang sakit ay ang sa parte ng leeg niya na kung saan siya'y kinagat ng abnormal na insektong iyon.
Kinabukasan ay laking pasasalamat ni Gregofer na gumaling na siya sa lagnat na iyon at pakiramdam niya ay bumalik na ulit ang sigla sa katawan niya. Gumising siya ng maaga na di niya kadalasang gawin dahil halos tanghali na siya magising araw-araw na kataka-taka para sa kaniya.
Balik ulit siya sa dating ginagawa na para sa kaniya ay pabalik-balik na lang niyang ginagawa. Pero pakiramdam niyang parang ang sigla-sigla niya at puno ng energy siya nung araw na yun.
Madalas kasi siyang tamad at walang kagana-gana sa buhay pero nagawa niyang tulungan sa gawaing bahay ang nanay niya at siya pa ang nagprisintang mag-luto at maghugas ng pinagkainan na di talaga niya ginagawa.
Siguro ay maganda lang talaga ang mood at araw niya kaya siya masigla nun. Kaya di na siya nag-isip pa ng kung ano-ano.
Pero ganun na lamang ang pagtataka niya sa bawat pag-lipas ng araw ay parang may unti-unting nagbabago sa katawan niya. Meron kasi nung isang araw ay may nakita siyang mga nabubulok nang prutas sa basurahan na pinagpye-pyestahan na ng mga langaw at bigla siyang nagutom dito.
Kapag masasarap na pagkain na niluluto ng mama niya ang inihahanda sa kaniya ay parang wala siyang ganang kainin ito at sa halip ay naghahanap siya ng itinapon na mga pagkain sa basura at yun ang kinakain niya.
Meron din nung time na bigla na lang siyang magsusuka ng kulay pulang likido sa C.R.
Hindi iyon dugo dahil mas matingkad pa kulay ng suka niya at mukha itong juice na kulay pula kahit na di naman siya umiinom ng juice.
Di alam nang mga kasama niya bahay ang kakaibang pagbabago sa katawan niya. Ayaw niya ding ipaalam ito sa kanila dahil baka mag-aalala at matakot ang mga ito sa kaniya. Kaya naisipan na lang niyang ilihim iyon sa kanila.
Isang araw ay muntik na siyang mag-freak out nung magbago ang paningin niya. Naging parang dumami ang mga nakikita niya na parang sa mga insektong mga mata ang mga mata niya. Kulay pula na din ang nakikita niya.
Halos maiyak na siya nun lalo pa't siya lang mag-isa sa bahay. Kukunin na sana niya ang cellphone niya nung makaramdam siya ng sakit sa leeg niya at sa parte pa yun ng kinagatan ng abnormal na insektong iyon.
Napahiga siya sa sakit bigla siyang nangisay doon. Mabilis na nagbago-bago ang ekspresyon ng kaniyang mukha habang nangingisay siya na parang baliw.
Hanggang sa lumipas ang limang menuto ay bigla na lamang siyang tumayo ng tuwid habang suot ang isang nakakakilabot na ngiti sa kaniyang mukha.
Bigla nitong itinaas ang dalawang mga kamay at tumakbo ito papalabas ng bahay habang lumilikha ng ingay na parang sa bubuyog.
Hindi na siya nun natagpuan ng mga magulang ni Gregofer matapos mangyari sa kaniya iyon. Ilang linggo din ang lumipas nang biglang ibalita sa tv nila na patay na ang anak nila.
Nahulog daw ito sa 50 srory building at warak ang bungo nito. Nakita daw sa CCTV na parang akala nito ay lumilipad siya tapos ay may pinatay itong babae at isinilid sa garbage bag na ngayo'y pinamumugaran na ng mga peste. Tapos bigla na lang daw pumuntang rooftop si Gregofer matapos niyang patayin ang kaawa-awang babae at tumalon doon.
Pero ang mas pinagtataka daw nila ay may nakasunod daw sa kaniyang isang insektong may sungay na parang sa demonyo.
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...