Ang kwentong ito ay galing at inspired sa isang horror video game na pinamagatang "Home Sweet Home" na naisipan kong isulat at i-share sa inyo. Tandaan na half lamang ng istorya ang nasa game at ang kalagitnaan hanggang sa huli ay walang kinalaman sa laro at gawa-gawa ko lamang pati na rin ang mga pangalan na nasa istorya. Para iwas spoilers sa balak maglaro nito.
STORY #9: Unknown
"Honey gising na, may pasok ka pa sa trabaho," isang maamo at malambot na tinig ng asawa ni Sandro ang nagpagising sa diwa niya. "Hmm, oo babangon na honey" nakapikit pang sambit ni Sandro sabay bangon.
"Honey?" Pagtawag niya sa asawa at nagmulat na ng mata bago humikab.Doon na lamang siya nagulat nang imulat niya ng kaniyang mga mata. Nakita na lamang niya ang kaniyang sarili na nasa hindi kilalang kwarto.
"Jusko, nasa'n ako?" Nagugulumihanang sabi niya sa sarili. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa hinigaan niyang kama at inilibot niya ang paningin sa buong kwarto.Naisip niya bigla ang asawa. "Bea? Honey?" Pagtawag niya sa asawa pero wala siyang nakuhang sagot kundi ang pag-alingawngaw lamang ng kaniyang boses. Kinusot-kusot naman niya ang mga mata at nagbabakasakaling nanaginip lamang siya. Sinubukan din niyang kurutin ang sarili na ikina-aray lamang niya.
Nangangahulugan lamang ito na hindi siya nanaginip at totoo ang nangyayari sa kaniya ngayon. Lumapit siya sa isang pinto na naroroon at binuksan ito ng walang pagdadalawang-isip. Do'n nakita niyang may mga nakaharang na lamesa at upuan sa harap ng pinto at sunod no'n ay ang madilim na hallway.
Kinailangan naman niyang yumuko at gumapang sa ilalim ng lamesa para makalabas ng tuluyan. May nakita naman siyang flashlight kaya kinuha niya ito at pinagana. Bago ilawan ang daraanan.
Naguguluhan pa rin siya at maraming katanungan ang gumugulo sa isipan niya habang naglalakad siya sa madilim na hallway na 'yon. Lumiko siya sa kanan at nakita niyang may mga konting ilaw na sa hallway na nilikuan niya. Kaya pinatay na muna niya ang flashlight at ipinagpatuloy ulit ang paglalakad na may gulo pa rin sa isipan.
Binuksan ni Sandro ang isa sa mga tatlong pintuan na naroroon at bumungad sa kaniya ang isang hagdan. Nang maisara ang pintuan nagsimula na siyang umakyat sa hagdan. Papataas siya ng papataas at unti-unti rin siyang nakakarinig ng ingay. Kaya binilisan pa niya ang paghakbang pataas.
Nang nasa itaas na siya ay naririnig na niya ng maayos ang ingay na iyon. Ingay na parang nasa radyo at tumutunog na musika na hindi niya alam at 'di pamilyar sa kaniya. Sinundan ni Sandro ang ingay ng musika na iyon at iginaya siya nito sa isang pintuan kaya walang pagaalinlangan ulit niya itong binuksan.
Bumungad sa kaniya ang magulong opisina at doon nakita niya ang isang radyo na kung saan do'n pala nanggagaling ang ingay na kanina pa niya naririnig. Pinatay naman niya ito at nagpalinga-linga sa paligid. Nagbabakasakaling may makita siyang bagay na magtuturo kung nasaan siya.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HororMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...