STORY #40: ReunionFamily reunion ng pamilya sa side ng step father ng binatang si Prince. Papunta sila ngayon sa bansang Ireland kasama ang kaniyang pinay na mama at ang kaniyang step father.
Hindi pa ganun katagal magkakilala sila ng step father niya. Pero pakiramdam niya ay mabait naman ito kaya minahal agad ito ng mama niya. Nagkakilala sila ng mama niya at step dad niya sa online.
Nag-simula sa chat-chat at unti-unting nagkapalagayan ng loob. Pumunta sa kanilang bansa ang step dad niya mga ilang buwan na ang nakakaraan at dun upang personal na makilala ang kaniyang mama.
First time niyang mangibang-bansa at kung hindi dahil sa step dad niya eh di niya mararanasan ito. Maayos silang nakalapag sa airport at pagkatapos nun ay nag-taxi sila papunta sa bahay ng step dad niya.
Huminto ang taxi sa isang malaking lumang bahay. Pumasok na sila sa loob nun at nagulat si Prince at ang mama niya ng i-welcome sila ng pamilya ng step dad niya.
" Mom, dad " sabay beso at yakap nito sa mga magulang at ipinakilala sila agad. " This is Esmeralda and his son, Prince " winelcome naman sila nito na ginantihan din nila ng ngiti at hello. Medyo hindi komportaboe ang pakiramdam ni Prince ng makita ang pamilya ng step dad niya. Halos lahat sila ay nakasuot ng itim at seryoso ang mga mukha. Pero agad niya iyong iwinaglit dahil ayaw niyang manghusga agad ng tao.
Gabi na nun nung nasa dining table silang lahat kasama sila Prince. Malikot ang mga mata ni Prince na tinitingnan ang kabuuan ng magarang dining room. Habang ang mga matatandang kasama niya ay naguusap ng ingles.
Minsan di nila maintindihan ng mama niya ang mga sinasabi nito dahil sa may pagka-slang ang ingles nila. Dumating ang mga pagkain nila at inilapag ito sa mahabang lamesa.
Tila parang pang-fiesta na ang hapunan nila dahil sa dami at engrandeng mga pagkain na nasa lamesa. Nag-dasal sila ng mama niya at nagsimula ng kumain. Kain sila ng kain ng mapansin niyang kokonti lang ang nasa mga pinggan ng step dad niya at pamilya nito.
Nakatingin lang din ang mga ito sa kanila. Nahiya siya dahil siguro sa ang takaw niya tingnan pero sino ba ang di matatakam sa masasarap na pagkain na iyon na minsan lang nila makain.
Biglang may tumawag sa cellphone ng mama ng step dad niya habang seryosong nakatingin na sa kaniya. Nagbigay yun ng kilabot sa buong katawan ni Prince dahil parang may hindi maganda sa tingin ng mama ng step dad niyang iyon.
" Let's just wait until midnight so we can start it " dinig niyang sabi nito sa kausap sa phone sabay baba nito. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain habang iniisip ang tawag na iyon.
***
Natutulog na ang mama ni Prince ng maisipan niyang bumaba dahil nauuhaw siya. Pero bago siya makababa ay may napansin siyang kulay yellow sa gilid ng mama niya. Nilapitan niya ito at nakitang isa itong tape measure. Nagtaka siya kung bakit may tape measure dun pero di na niya ito siniyasat pa dahil sa pagbabakasakaling may nag-iwan nito doon.
Nasa kusina na siya nun nung mapatigil siya dahil may isang makapal na libro siyang nakita sa isang lamesa malapit sa kaniya.
Dahil sa kuryusidad ay lumapit siya rito. Luma na ang libro na iyon at wala itong pamagat na mas lalo pang ikinataka ni Prince kaya walang pagdadalawang-isip niya itong binuksan. Nagulat at natakot na lamang siya sa nakita sa bawat pahina ng libro.
Di niya maisikmura ang mga nakikita sa librong iyon ng bigla siyang mapatigil sa pagbuklat ng libro dahil may narinig siyang papalapit sa kinaroroonan niya.
Agad siyang nag-tago sa madilim na parte ng kusina bago may dumating na isang lalake at babae. Yun ay ang step dad niya at ang sa tingin niya'y kapatid nitong babae dahil sa pagkakahawig nila.
" Everything is ready and all we need is to wait until midnight. Are they already asleep? " Sabi ng kapatid nito tumugon naman ng " I'm sure they are " ang step dad niya. Nakaramdam siya ng galit at takot sa step dad niya dahil may binabalak palang masama sa kanila ito. Kaya pala isinama pa sila nito sa bansa nito.
Nang makaalis na ang dalawa ay saka lumabas sa pinagtataguan niya si Prince at agad na kinuha ang libro bago nagmamadaling bumalik sa kwarto ng mama niya at ipinakita ito. Hindi naman nagdalawang-isip pa ang mama niya at agad silang nag-impake ng mga gamit nila ng mabilis at maingat silang nakalabas ng bahay.
Mabuti na lang walang mga security cameras sa bahay na yun at halos walang ka-tao-tao sa bahay nung mga oras na iyon.
***
Nasa eroplano na sila Prince nung biglang may tumawag sa cellphone ng mama niya. Tiningnan nila kung sino ang tumatawag at nakita nilang step dad niya iyon.
Agad na pinindot ng mama niya ang end call button at ibinolock na ang number na iyon sabay yakap sa kaniya. Napatingin na lamang siya sa labas ng bintana ng eroplano habang iniisip ang maaaring mangyari sa kanila kung nanatili pa sila sa bahay na iyon.
Di niya lubos aakalain na gagawin silang pang-ritual sa sinasamba nilang si Satanas.
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...