STORY #65: Sweet ToothGummy bears, lollipop, chocolate, at iba pang klase ng kendi ang nakalatag sa sahig ng nagniningning ang mga matang si Dian. Kumuha kaagad siya ng isang chocolate candy at binalatan iyon bago niya ito kainin at nguyain.
Sarap na sarap naman sa pagkain ng kendi si Dian at halos makalahati na niya ang mga kending iyon. "Dian, anak" dali-dali namang iniligpit ng bata ang mga balat ng kendi pati na rin ang mga hindi pa niya nakakain nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Itatago na sana niya ang mga iyon sa drawer niya nang maabutan siya nito.
"Ano na naman iyan Dian? Kendi na naman!? Ikaw talagang bata ka! Diba sinabi ko na sa iyo na hindi ka na pwedeng kumain ng kendi ha!?" Pagsasaway ni Donya Donna habang kinukuha ang hawak na kendi ni Dian. "Mama! Akin na 'yan!" Pakikiusap ng bata sa kaniyang ina sabay ng pilit na pagkuha sa mga kendi.
Tinaasan naman ng kilay ni Donya Donna ang kaniyang anak at 'di na pinakinggan ang pagrereklamo nito. "Isa ha! Dian! Pupunta tayo ngayon sa dental clinic upang ayusin at paggawan na ng brace iyang ngipin mo," hinawakan ni Donya Donna ang baba ni Dian at pinanganga ito "At saka tingnan mo nga iyang ngipin mo, puro na sira at bulok may mga nakasuksok pang mga tartar sa gilid!"
"Eehhh ayoko ma! Masakit siguro iyang brace!" Pagtututol ni Dian. "Wala nang pero pero ha at maligo ka na, Yaya Meldz paki-liguan nga nitong si Dian," sabi ni Donya Donna. Tumutol pa muli si Dian pero kalauna'y sumunod na lang.
***
Kaba at takot ang nararamdaman ni Dian habang nakaupo sila sa waiting area ng kaniyang ina. Dinig niya kasi ang malakas na pag-iyak ng isang bata sa loob ng isang kwarto kung saan doon trina-trabaho ng dentist ang mga ngipin nito.
"Ma! Uwi na tayo, ayaw kong magpa-brace" may paiyak-iyak na sabi ni Dian na may kasama pang pagpadyak sa sahig. Binigyan naman ng matalim na tingin ni Donya Donna ang anak "Isa ha! Makakatikim ka talaga sa akin! Umayos ka diyan, 'di tayo uuwi hanggat hindi ka napapa-brace-an" madiing bulong nito sa anak.
"Okay, number 12 pasok na po dito" agad namang tumayo si Donya Donna at pinilit na pinatayo si Dian nang tawagin na ng dentist ang number nila. "Kami po ang number 12 doc" nakangiting sabi ni Donya Donna. Ngumiti naman ang dentist at iginaya ang dalawa sa loob.
Napatingin pa si Dian sa paglabas ng isang batang babae na puno ng luha at uhog ang mukha habang papalabas sila ng ina nito sa kwarto. Dahil doon ay dumadag pa ang kaba sa dibdib ng bata.
Nang sabihan na si Dian na maupo na at sumandal sa dental engine ay agad siyang umiling pero napilitan na lamang dahil sa pagbabanta sa kaniya ng ina.
Nakakabit at nakahanda na lahat ng mga equipment at mga gamit sa mga dentist. Parang nagkakarera sa bilis ang tibok ng puso ni Dian lalo na nang makita niya ang injection na hawak ng dentist matapos nitong i-check ang mga ngipin niya.
Gusto niya sanang umalis kaagad at tumakbo papalabas pero may nakalagay sa kaniyang equipment na magpapanitili sa iyo upang ngumanga. Tanging malakas na sigaw na lamang ang nagawa ni Dian nang tusukin na siya ng matulis na dulo ng injection.
***
Matapos ang klase ni Dian at ngayo'y papalabas na siya sa school upang hintayin ang sundo niya. Maraming nagtanong na mga classmate niya nang mapansin nila ang bagong kabit na brace nito. Na kung masakit ba daw magpa-brace na sinagutan lamang ni Dian na sa pag-inject lang daw ng anesthesia ang masakit at sunod no'n ay wala ka nang mararamdaman pang ibang sakit.
"So paano ka niyan makakain?" Sinagot naman ito ni Dian na sa ngayon ang kakainin niya lang daw ay lugaw lalo na't bago pa lang siyang nagpa-brace at wala na siyang kakainin pang iba. Sumingit naman doon ang bully niyang classmate na si Jillian "Aww kawawa edi hindi ka na makakakain ng kendi niyan hahahaha" tumawa din naman ang iba niyang classmate na ikinatungo niya.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...