Story #39 - Little Karma

147 11 0
                                    


WARNING! May contain disturbing scene na maaaring di kaya ng sikmura ng iba sa inyo at pasintabi din sa mga kumakain diyan.


STORY #39: Little Karma


Bagong lipat lang si Edd sa inupahan nitong bahay sa isang bakanteng lote. Malapit lang kasi dito ang pinagtra-trabahuan niya at di na siya mamro-mroblema pang mag-commute papunta doon.


Sinimulan na niyang ayusin lahat ng gamit niya sa loob at natapos siya mga bandang hapon. Nagpahinga siya saglit at naisipan niyang pumunta sa bakuran ng bahay na nasa likod lamang.


Okay lang naman ang likod bahay bukod sa mga mahahabang damo na nasa gilid at isang malaking burol ng lupa na nasa gitna.


Perfectionist si Edd kaya di kaaya-aya sa paningin niya ang burol na iyon. Kaya kinuha niya ang pala at ang grass cutter para simulan ng linisin ang bakurang iyon.


Sinimulan niya sa mga damo bago sa burol na iyon. Akmang papalahin na sana niya ito ng may nagsalita sa gilid niya.


" Kung ako sayo, hahayaan ko na lang yang burol na yan " isa iyong lalake na may bigote na di kakapalan nasa kabilang bakod ito at nakatingin sa kaniya na tila nagbabala.


" Bakit naman? " Tanong ni Edd.


" Dahil napaka-samang magalit ang mga nakatira sa burol na yan " sabi niya. Tumawa naman si Edd " So Naniniwala ka pala dun. Wag kang magalala sigurado akong mga langgam lang ang nakatira diyan " at tuluyan na nga niyang pinala ang burol na yun.


" Bahala ka basta binalaan na kita " at umalis na yung lalake. Napa-iling-iling naman si Edd at pinala pa ng pinala ang burol na yun hanggang sa masira iyon.


Gabi ng alas dose ng hating-gabi nung biglang magising si Edd dahil sa mga boses na kaniyang naririnig.


Inilibot ng paningin niya ang kaniyang kwarto pero wala naman siyang nakita. Babangon na sana siya pero di niya nagawa dahil di niya maigalaw ang kaniyang katawan sa di malamang dahilan.


" Pinatay niya ang mga kasamahan natin at sinira ang ating bahay dapat sa kaniya ay turuan ng leksyon "


" Atin bang bibigyan siya ng matinding sakit o kamalasan? "


" Buhay ang kinuha niya kaya buhay din ang kapalit "


Dinig ni Edd ang mga boses na iyon pero di talaga niya makita kung sino at saan ito nangagaling. Pinagpapawisan na siya ng malamig nung mga oras na iyon ng bigla siya ulit makaramdam ng antok.


Bago pa tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata ay may naaninag siyang mga maliliit na kulay itim na pigura sa harap niya.


***


Bigla na lamang nagising si Edd at nakita niyang gabi pa rin. Babangon na sana ulit siya pero di niya maigalaw ang katawan niya. Tanging mga mata lamang ang kaniyang naigagalaw.


Kinabahan siya nang kusang bumangon ang katawan niya pero hindi siya ang kumokontrol nito. Para bang may sariling isip ang katawan niya at wala siyang ibang magagawa kundi panoorin lamang ito.


May nadidinig siyang mga boses na para bang hindi nangagaling sa kwarto niya kundi nangagaling ito sa isip niya! Naririnig niya itong tumatawa ng malademonyo habang patuloy na gumagalaw ang katawan niya.


Para bang sila ang may kagagawan nun. Hindi makapagsalita si Edd at bigla na lamang naglakad ang katawan niya papunta sa kusina.


Tuluyan ng binalot ng takot si Edd dahil alam niya kung saan ito patutungo. Kung bangungot man iyon ay sana magising na siya.


Dahan-dahang lumapit ang katawan niya sa stove at binuksan iyon. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ni Edd nung mga sandaling iyon. Kinuha ng kamay niya ang isang frying pan at inilagay ito sa stove.


" Oras na para mag-luto " dinig ni Edd ang nakakakilabot na tinig na iyon sa isipan niya bago nilagyan ng oil ang frying pan at inilagay doon ang kaniyang sariling kamay.


Gustong sumigaw ni Edd pero di niya magawa at masakit niyang pinanood na maluto ang sariling kamay sa frying pan. Damang-dama ni Edd ang pagka-paso ng kamay sa katawan niya hanggang sa bigla na lang ulit siya gumalaw.


Kumuha naman ng kutsilyo ang kamay niya. " Saan kaya natin igagamit ito, hmm dito? " Sabay tutok sa mukha niya ang talim ng kutsilyo.
" Dito kaya? " Sabay tutok naman sa braso niya. " Aaahh dito na lang " dinig ni Edd sabay tanggal ng kuko niya.


Binalot ulit ng matinding sakit si Edd dahil ramdam na ramdam niya ang paghiwalay ng laman sa daliri at kuko niya. Umagos dun ang masaganang dugo pero di pa dun nagtatapos dahil inisa-isang pinagkukuha ang mga kuko niya sa daliri.


Naiiyak na sa sakit si Edd at nagsisitalsikan na ang dugo sa mukha niya. Biglang kinuha ng nagdurugong kamay niya ang mga kuko.
" Say aahh " dinig niyang sabi ng tinig sa isipan niya at bigla naman siyang ngumanga at kinain lahat ng kukong iyon.


Kumilos ulit ang katawan niya at kumuha naman ito ng martilyo at mga pako bago ito pinagpapako ang sarili niyang braso. Patuloy na umaagos ang dugo sa katawan niya dahil sa mga sugat na iyon.


Gusto na niyang sumigaw ng ' Tama na ' dahil kumuha naman siya ng alcohol. Halos di na niya makayanan ang sakit ng biglang ibinuhos niya ito sa mga sugat niya at ipinaligo ito sa kaniya hanggang sa maubos.


Pinagmumura na niya ang gumagawa sa kaniya nun nung kumuha naman ng baril ang sariling katawan. " Dito na magtatapos ang buhay mo " at itinutok niya ang baril sa ulo niya.


Nakapagmura muna ng huling beses si Edd bago pumutok ang ulo niya.


***


Kinabukasan ay may mga pulis at maraming taong nakikiusyuso ang nasa labas ng inupahang bahay ni Edd. Pinagtatanong ng ibang pulis ang mga taong naroroon sa pagkamatay ni Edd. Habang ang iba naman ay iniimbestiga ang pagkamatay nito.


Lumapit ang isa sa mga pulis sa isang may di kakapalang bigote na lalake na nakatingin sa ipinapasok na sa ambulansya na bangkay ni Edd.


" Sir may itatanong lang po ako sa inyo kung pwede " magalang na sabi ng pulis na iyon. Tumango naman ang lalake sabay sabi ng " Sige "


Tinanong naman agad ito ng pulis at sinagot naman ito ng lalake na walang kasinungalingan. Natapos tanungin ng pulis ang lalake nang mapatingin na lamang siya sa burol na nasa bakuran ng lalake na nasa harap na ngayon.


" Totoo ngang karma na ang bahalang pumarusa sayo " sabi niya bago niya nilisan ang lugar na iyon.


T H E  E N D

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon