Story #31 - Gain Loss, Weight Loss

175 11 0
                                    


STORY #31: Gain Loss, Weight Loss

Sarap na sarap sa pagkain ng ika-walong slice ng pizza si Sanny habang mag-isa itong nanonood ng TV sa madilim nitong basement. Marami ring mga pagkain ang nakakalat sa paligid nito at karamihan dun ay puro mga di masustansyang pagkain.

Wala naman siyang paki-alam kung di iyon masustansya atleast mga masasarap ito at mga paborito pa niya. Alam din niyang mauubos niya lahat ng mga pagkaing iyon. Para sa kaniya ay kulang pa nga iyon eh.

Lamon siya ng lamon habang nanonood ito ng paborito nitong palabas. Napatigil na lamang siya sa pag-lamon ng biglang kumirot ang dibdib niya. Bigla siyang napa-hawak dito at marahang sinuntok-suntok pa ito.

Patuloy niyang ginagawa iyon hanggang sa mawala ang pagkirot nito. Ipinagpatuloy niya ang panonood at pagkain hanggang sa matapos siya bago napagpasyahan nang matulog sa sariling kwarto.

Kinabukasan habang naghahanda si Sanny ng sariling umagahan sabay ng panonood ng telebisyon ay di niya naiwasang mapako ang tingin sa tv nang ipakita nito ang isang commercial. Commercial ito ng nagseseksihang mga babae na nagwo-work out. Magsisimula na sana siyang kumain nun pero nung makita niya iyon ay di niya napigilang mainggit sa mga seksing babae iyon.

Napatingin na lamang siya sa mga pagkaing nakalatag sa lamesa. Parang umurong ang gutom niya habang pinagmamasdan ang mga pagkaing iyon. Di niya alam kung kakain ba siya o ano pero dahil sa parang nawalan na siya ng gana ay iniwan na lamang niya ang lahat ng mga pagkaing iyon sa lamesa.

Pumunta siya sa harap ng full lenght mirror niya at pinagmasdan ang katawan. Napabuga na lamang siya ng hangin ng makita ang malaki nitong tiyan. Para tuloy siyang buntis tingnan. Ganun din ang mga braso niya pati hita habang pinagmamasdan niya ang sariling katawan sa salamin.

Naisip na naman niya bigla ang mga seksing babaeng iyon habang nakatingin sa sariling repleksyon. " Hayyss.. Siguro kailangan ko na nga talagang mag-diet " sabi niya habang hinihimas ang bilugang tiyan.

Simula nung araw na iyon ay nag-simula ng mag-exercise si Sanny. Nag-simula siya sa mga basics katulad ng jogging, stretching, at iba pa. Ginagawa niya iyon araw-araw at pagkatapos ng kaniyang exercise ay sinusukat niya ang kaniyang beywang gamit ang tape measure.

Patuloy siya sa pag-exercise mula basics hanggang sa pang-mahirap at challenging na mga hersisiyo. Nagtataka din si Sanny kung bakit di na siya masyadong nagugutom at di na kumakain ng marami katulad ng nakasanayan niya. Pero sa kabilang banda ay natutuwa siya at mas lalong siyang nasabik makuha ang magiging resulta ng pag-hehersisiyo niya.

Dahil sa palaging pag-eexercise ay tuluyan na ngang naging routine ito ni Sanny. Yung tipong di dapat matapos ang isang araw kung walang exercise.

Dumating ang araw na walang pasisidlan ang tuwa ni Sanny. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kaniyang maganda ng katawan na pinaghirapan niya. Parang kailan lang ay puro taba at bilugan pa ang tiyan niya na konti na lang magmumukha na siyang bola.

Pero ngayon ay tila tumaas na ang self-confidence niya dahil may seksi na siyang katawan. Hindi na siya maiingit sa mga nagseseksihang mga babae sa tv na napapanood. Hindi na rin siya matutukso at mahuhusgahan ng mga tao.

Dahil ang Sanny noon ay wala na at eto na ngayon ang bagong Sanny. Siya na ang Sanny na pupuriin at kamamanghaan ng mga tao.

Dahil sa sobrang kasiyahan na nadarama ni Sanny ay di niya namalayang napatagal na pala siya sa kakatingin sa salaming iyon. Nakalimutan niyang may kukunin pa pala siyang dumbells sa basement.

Binigyan muna niya ng huling tingin ang sarili sa salamin bago naglakad na ng basement. Nang mabuksan niya ang pintuan ng basement ay bigla siyang nakaramdam ng kaba sa di niya malamang dahilan na agad naman niyang iwinaglit.

Dahan-dahan siyang naglakad papaibaba ng hagdan at unti-unti din niyang naririnig ang ingay sa tv. Nagtaka siya dahil hindi naman niya binuksan iyon at nung huling gamit niya sa tv na iyon ay pinatay niya iyon. Nang makababa siya ng tuluyan ay nakita niya kaagad na nakabukas nga ang tv sa basement.

Nakakalat pa sa paligid nito ang mga pinagkainan niya na nakalimutan niyang ligpitin. Bumuntong-hininga muna siya bago niya naisipang ligpitin muna ang mga basura bago kunin ang pakay niyang dumbells. Naglakad muna siya sa nakabukas na tv at pinatay iyon bago siya humarap ulit. Nang biglang...

" AAAAHHHHHH!!! " napa-upo siya sa takot at gulat ng makitang may nakahandusay sa sofa na nandoroon. Nanginginig siya sa takot habang nakayakap sa sarili at di makapaniwala sa nakikita. Sinampal-sampal pa niya ang sarili kung totoo ang nakikita ng mga mata niya at nakumpirma niya nga ito.

Dahil ang taong naka-handusay ay walang iba kundi siya.

Nung akala niyang simpleng kirot sa dib-dib na naramdaman niya noon ay di lang basta-bastang kirot. Dahil nung mga oras na yun ay inatake na pala siya ng heart attack at dun namatay na nakadilat pa ang mga mata.

Nanginginig pa rin si Sanny habang nilalapitan ang sariling katawan at hinawakan ito. Nang mahawakan niya ito ay bigla na lamang siyang napahagulgol dahil napunta lang pala sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang akala niyang pinaghirapang katawan ay isang ilusyon lang pala.

Sana tumigil na siya sa pagkain ng sobra at nagsimula ng mag-exercise habang maaga pa. Pero huli na ang lahat. Patay na siya at isa na lamang siyang kaluluw. Totoo nga ang kasabihan ng mga tao na 'Nasa huli nga ang pagsisisi..'

T H E E N D

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon