Story #46 - Virtual Girlfriend

121 12 0
                                    

STORY #46: Virtual Girlfriend


Inggit na inggit si Clinton sa mga barkada nitong may mga girlfriend na. Siya na lang kasi ang natitirang NGSB sa mga magbabarkada.


Hindi naman siya pangit hindi rin gwapo kundi katamtaman lang ang hitsura niya. Sadyang mahiyain lang siya pagdating sa mga babaeng natitipuan niya. Kaya ito ang nagiging pangunahing dahilan kung bakit wala pa siyang girlfriend.


Na-OOP nga siya sa tuwing kasama ng mga barkada niya ang kani-kanilang mga girlfriends sa mga lakad nila. Palagi tuloy siyang tinutukso ng mga barkada niya. May isang kaibigan niya na nag-rekomendang bumili siya ng video game CD player na ang laro ay kung paano niya tratuhin ang isang babae para maging girlfriend niya ito.


Pinagtawanan lang ito ni Clinton sa una pero dahil sa inggit at kuryusidad at bumili siya ng ganon sa video game shop.


Nakaupo siya sa harap ng computer habang iniisip kung talaga bang gagana sa kaniya itong larong ito. Pero sa huli ay ipinasak na lang din niya ang CD sa CPU. Wala na namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya diba.


Nagloading pa ang computer niya bago naging kulay pink ang buong screen ng computer niya. May mga glitters pa na mga design at may title ng laro sa gitna na ' Virtual Girlfriend '.


" Ang baduy naman nito " sabi ni Clinton at pinindot ang play button nung sumulpot ito sa ilalim ng title. Naging black ang screen niya at nakarinig siya ng mga dahon na bumabagsak. Nakarinig siya ng boses lalake na parang nagnanarrate at unti-unting sumulpot ang isang imahe ng isang babae na nakaupo sa isang bench.


" Tulungan mo si Monde na magkaroon ng boyfriend at tutulungan ka din niyang magka-girlfriend "


Matapos ang narration na yun ay nagbago na ang scene at ito at si Monde na nakangiting nakatingin sa kaniya. Nakatitig lamang si Clinton sa babae dahil parang totoong tao si Monde at hindi parang isang video game character.


" Hi I'm Monde pwede mo kong i-customize bago natin simulan ang laro "  at automatic na tagalog ang lenggwahe ng laro kahit na wala siyang pinipindot na change language button. Siguro ang gumawa ng larong iyon ay isang pinoy din.


" Hmm, let's see " sabi ni Clinton bago pinindot ang customize button at lumabas sa screen ang iba't ibang hairstyles, make-up, dress at ano pa. Na-cornyhan naman si Clinton doon at lalake pa siya at naglalaro ng ganitong parang kababaeng laro.


Wala na lamang nagawa si Clinton kundi pumili ng mga bagay na gusto niya sa mga babae pagkatapos at pinindot na niya ang okay button. Na-amaze siya dahil parang mas lalong gumanda sa paningin niya si Monde lalo pa't para talaga siyang tunay na tao.


Nag-simula ang laro sa isang classroom. Katabi daw niya sa laro si Monde ng tingin ng tingin daw siya dito nang matapos ang klase. Nahulog ang mga libro ni Monde at lumabas bigla ang mga choices na tulungan siya o iignore na lang siya.


Pinindot naman ni Clinton ang tulungan siya. " Maraming salamat ano palang pangalan mo? " Tinype naman ni Clinton ang pangalan niya.
"  Type kita Clinton, simula ngayon boyfriend na kita "


" Ang bilis naman nun, di bale video game lang naman ito " saad ni Clinton sa sarili.


Naaliw naman kahit papaano si Clinton sa virtual girlfriend nitong si Monde. Nag-date sila kahit saan nila gusto. Nagbahagi din sila ng mga ayaw at gusto nila. Pakiramdam tuloy ni Clinton eh parang totoo siyang nag-da-date ng babae.


Natatawa siya kasama si Monde ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Kinuha naman niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag at ito ay ang barkada niya na nanghihiram ng libro.


Pagkatapos ng tawag ay nagulat siya ng makitang malapit ang mukha ni Monde sa screen ng computer na para bang pinapakinggan kung sino ang tumawag sa kaniya. " Sino yun? " Sabi nito. " Ah eh kaibigan ko lang yun " sabi niya na ikina-weird niya dahil bakit siya nag-eexplain sa isang video game character.


" Siguraduhin mo lang na hindi babae iyon dahil kapag nalaman kong babae iyan ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Da-hi-hil a-akin k-ka l-l-lang " kinilabutan siya dahil sa pagbabanta ni Monde at naggli-glitch pa ito. Parang namumula din ang mga mata niyo na parang totoo.


Hindi mapalagay si Clinton sa kinauupuan niya at bigla niyang tiningnan ang oras. Hapon na pala. Tanghali siya nagsimulang maglaro at di niya namalayan ang oras.


" Ahh sige Monde i-eexit ko na ang laro marami pa kasi akong gagawin " sabi niya sa kaniyang virtual girlfriend. " At saan ka pupunta h-h-hindi p-p-pa tapos a-a-ang date natin! " Natakot naman si Clinton dahil sa pagkagalit ni Monde imbes na sagutin niya ito ay hinanap na niya ang exit button. Patuloy pa rin sa pagsasalita si Monde hanggang sa ma-i-exit na niya ang game at kinuha ang CD sa CPU.


Pero nagulat at kinilabutan na lamang si Clinton ng makitang hindi niya naisaksak ang saksakan ng computer.


T H E  E N D

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon