STORY #16: PaintingPagkabukas na pagkabukas ni Terrence ng pinto ng attic ng bahay nila agad na sumalubong sa kaniya ang makapal na alikabok na ikinapuwing niya at ikina-ubo.
" A-ano ba yan! " saad ni Terrence habang umuubo at kinukusot ang mga mata dahil sa alikabok. Pumasok na siya sa loob ng madilim na attic at hinanap na niya ang pakay niya sa attic at iyon ay ang kakailanganin niya sa project niya.
" Nasan na ba yun? " sabi ni Terrence sa sarili habang hinahanap ang mga kakailanganin niyang gamit. Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap ng maramdaman niyang parang may nagmamasid sa kaniya.
Binalewala na lamang niya ang pakiramdam na iyon ng mahanap na niya ang kakailanganin niya. Kinuha naman na niya ang mga ito at bago siya maka-labas ng attic may nahagip ang mga mata niya na isang bagay na nagbigay sa kaniya ng konting kilabot at tiningnan niya ulit iyon.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang hindi pala ito isang tao dahil mukhang isa itong painting. Madilim kasi sa bahaging iyon dahil gabi na kaya di niya masyadong makita na painting ito.
Nagtaka pa siya kung bakit may painting doon eh hindi naman mahilig sa mga painting ang mga magulang niya at ngayon niya lang napansin iyon na nandoon. Naisip na lang niya na baka isa nanaman ito sa mga rejected paintings ng kuya niya na nasa ibang bansa na ngayon.
Mahilig kasing mag-pinta ang kuya nito at ang paborito nitong ipinta ay tungkol sa mga di pangkaraniwan o di kaya nakakatakot na mga bagay. Tiningnan pa ni Terrence ang painting at di niya maiwasang kilabutan habang tinititigan iyon. Nakapinta kasi dun ang mukhang bulto ng tao na akala niya totoong tao kanina na may dalawang pares ng mapupulang mga mata na para bang pinagmamasdan din siya nito at nakangiti pa ito.
Minsan may pagka-weird talaga ang kuya niya dahil imbes na mga magagandang bagay ang ipinta nito mas pinipili nitong ipinta ang mga nakakatakot na bagay. Kaya di niya tuloy maiwasang matakot sa painting na iyon na ipininta ng kuya niya.
Inalis na niya ang tingin sa painting na iyon at lumabas na ng attic. Nararamdaman pa niyang parang pinagmamasdan pa rin siya ng painting na iyon habang isinasarado ang pinto ng attic.
Umaga na ng araw na iyon ng maisipan ni Terrence na ibalik sa attic ang mga di niya nagamit na mga materyales kagabi at makikita nanaman niya ang weird na painting na iyon. Dahil umaga naman na at maliwanag na din dun sa attic kaya di na siya kinakabahan na pumunta dun.
Binuksan na ni Terrence ang pinto ng attic at inasahan niyang makikita nanaman niya ang painting dahil sa kaharap ng pinto ang painting iyon. Nang magulat siya sa nakita. Dahil sa liwanag, malinaw na malinaw na niyang nakikita ito.
Naihulog niya ang mga dala niya dahil sa pagkagulat at nangilabot ng malaman niyang ang painting iyon ay hindi pala isang painting kundi isang..
Bintana..
THE END
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
TerrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...