Story #45 - Our High-Tech Assistant

122 12 0
                                    

STORY #45: Our High-Tech Assistant


Dumating na ang pinakahinihintay na deliver na isang item ng pamilyang Gloriaz na ibinili nila galing sa online shop. Isa iyong robot na akala mo ay isang malaking laruan lamang pero ang totoo ay totoo itong robot.


Pwede mo itong mautusan sa pamamagitan ng pagtawag mo sa pangalan niya na Reficul at agad itong lalapit sayo at gagawin ang utos mo.


Dahil may high-tech assistant na robot na ang pamilyang Gloriaz ay di na maromroblema pa ang mag-asawang Gloriaz na humanap ng katulong na pagkakatiwalaan pa nila sa bahay. Lalo pa't marami ng mambubudol sa panahon ngayon.


Maayos naman ang performance ng robot simula nung nabili nila ito. Habang tumatagal ang robot na ito sa kanilang bahay ay unti-unti din silang nawe-weirduhan dito.


Gabi-gabi kasi ay pumapasok ang robot sa mga kwarto nila at tinitingnan sila matulog na nagiging dahilan ng minasa'y pagkagising nila at makikita na lamang ang robot na nasa gilid o paanan ng kama nila.


Nagtataka sila dahil di naman nila ito tinatawag para pumunta sa kwarto nila tuwing gabi at di rin naman nila pinipindot ang auto button na kung saan kapag pinindot mo ito ay malayang makakakilos ang robot at di mo na ito kailangang tawagin pa. Di rin nila ito pinalilinis sa mga kwarto o inilalagay sa kwarto nila kaya ganun na lamang ang kanilang pagtataka.


Ganun din ang robot minsan pag-gising sila ay bigla na lang silang magugulat na nasa tabi na nila ang robot at tila nakatingin sa kanila.


Sumusunod pa naman din ang robot na iyon sa mga utos nila pero sadyang creepy lang talaga para sa kanila ang ikinikilos ng robot sa tuwing di nila ito inuutusan.


Ang madalas na nakakaranas ng ganitong pangyayari ay ang anak ng mag-asawang Gloriaz na si Kenji Gloriaz, labin-dalawang taong gulang.


Nang minsan niyang utusan ang robot ay di kaagad ito tumatalima. Makakailang tawag pa siya sa pangalan nito bago ito lumapit sa kaniya at bigla itong titingin sa mga mata niya at liliwanag ang nagsisilbing mga mata nito na hindi naman normal na nangyayari sa robot simula nung nabili nila ito.


Sa tuwing mag-isa siya sa bahay ay bigla na lamang ito sumusunod sa kaniya kahit saan siya pumunta sa bawat parte ng bahay. Kahit ang alaga nilang pusa ay natatakot na sa robot na iyon.


Inisip na lang ng pamilya na baka normal lang iyon sa robot. Pero dumating ang araw na di makakalimutan ng pamilyang Gloriaz.


Nagising na lamang si Kenji nang may naramdaman siyang malamig na metal na bagay na parang humaplos sa noo niya. Pagmulat niya ay agad siyang gumulong pababa ng kama para maka-iwas sa saksak ng robot.


Takot na takot si Kenji na nakatingin sa robot na nagliliwanag ng kulay pula ang mga mata nito at may hawak itong malaking kutsilyo. " Reficul itigil mo yan " utos niya sa robot pero parang wala itong narinig at bigla itong lumapit sa kaniya.


Napatayo si Kenji dahil sa takot at sinubukang utusin muli ang robot pero sa pagkakataong iyon ay bigla itong tumigil. Akala ni Kenji ay napasunod na niya ito pero bigla itong nag-salita.


" Hin-di i-kaw ang mas-ter ko, hin-di na ka-yo ang ma-ster ko. Kai-langan na ka-yong pa-tayin " sabi nito sa mala-robot na boses. Kinilabutan ng sobra si Kenji dahil dun. Nagulat na lamang siya ng dali-dali itong sumugod sa kaniya.


Nakaiwas naman ulit si Kenji sa saksak ng robot at agad niya itong tinulak bago dali-daling lumabas ng kaniyang kwarto.


Tatawagin na sana niya ang mga magulang at kapatid nang biglang sumulpot ang isang vacuum sa dinaraanan niya na naging dahilan ng pagkatisod niya. Alam niyang ang robot ang may kagagawan nun dahil kaya nitong kontrolin ang mga de kuryenteng bagay.


Nagpagulong-gulong si Kenji paibaba ng hagdan at damang-dama niya ang sakit sa katawan dahil sa pagtama dito ng bawat baitang ng hagdan. Napa-ungol siya sa sakit at ramdam niya ang pagka-bali ng kaliwang paa niya.


Napatingin si Kenji kay Reficul na pababa ng hagdan habang paulit-ulit nitong binibigkas ang mga katagang
' Kailangan ko na kayong patayin '. Gumapang naman si Kenji papalayo sa robot habang sinisigaw ang mga pangalan ng kasama niya sa bahay pero ni isa ay walang dumating.


Gapang siya ng gapang habang iniinda ang sakit sa buong katawan dahil sa paggulong niya sa hagdan. Sumusunod naman sa kaniya ang robot hanggang sa mapunta sila sa kusina ng bahay.


Napatingin ang robot sa stove ng kusina at binuksan niya iyon sa pamamagitan lang ng pagkumpas ng kamay nito. Naglikha iyon ng apoy pati ang lahat ng naglilikha ng apoy ay pinagana niya.


" Kai-langan ng su-nu-gin ang ba-hay hahahahaha " kinilabutan si Kenji dahil sa tawa nito dahil nag-iba ang boses ni Reficul at para bang naging boses ito ng demonyo.


" Reficul itigil mo na ito utos ito ng master mo kaya sundin mo " galit na sabi ni Kenji pero nakatingin lamang ito sa kaniya nang bigla itong mag-salita.


" Hin-di ikaw ang master ko " nangingilabot si Kenji sa pabago-bago ng boses nito na robot at bigla-bigla na lang magiging boses demonyo. Napalunok na lamang si Kenji bago ulit nagtanong.


" Kung ganon sino master mo? " tanong niya.


" Haya-an mo-ng tawagan ko siya " bigla itong sumipol na nagbigay ng matinding takot kay Kenji dahil di niya alam kung sino o ano ang bagong
master nito. Lalo pa't naging dahilan ito ng pagiging demonyo ng robot assistant nila.


Tumagal din ng ilang menuto ang pag-sipol ng robot bago naramdaman ni Kenji na parang mas lalong bumigat ang atmosphera at mas lalong uminit ang sahig na alam niyang di nangagaling sa mga apoy na nasa stove kundi parang nangagaling ito sa ilalim ng lupa.


Ilang sandali pa'y biglang tumigil na sa pag-sipol si Reficul " Nandito na siya, ang master ko " purong demonyo na boses na ang maririnig mo sa robot na hindi na nagugustuhan ni Kenji.


Unti-unting dumilim ang paligid at nagpapatay-sindi na din ang mga ilaw sa bahay. Nang may makita sa gilid ng mata si Kenji ay parang tuluyan siyang natigilan at binalot na ng takot. Alam niyang nandun na ang tinatawag nitong bagong master at alam niyang di iyon isang tao at mas masahol pa iyon sa isang nilalang.


Hindi maipaliwanag ni Kenji ang kaniyang nararamdaman nung mga oras na iyon kaya pinagsamantalahan iyon ng robot para patayin ang binata. " Nanonood na si master kailangan na kitang patayin " lalapit na sana ito nang may pumalo sa ulo nito.


Dad iyon ni Kenji na may hawak na baseball bat habang may suot itong rosaryo. Duguan din ang uluhan nito na siyang pinukpok ng robot kanina.
Maraming beses na pinukpok ni Mr. Glroiaz ang robot hanggang sa magkapiraso-piraso ang ulo nito.


Hingal na hingal siyang napatingin sa anak bago ito tinawag at nagyakapan ang mag-ama. Unti-unti ding nawala ang init na pakiramdam ni Kenji hanggang sa wala na din ang sinasabing master ni Reficul.


Kaya pala hindi dumating ang pamilya ni Kenji ay pinagpupokpok pala sila ni Reficul sa ulo at itinali sa basement. Alam nilang hindi nagmumulfunction ang robot kundi nasaniban na ito ng isang demonyo.


Malaking trauma ang kababalaghang iyon sa pamilyang Gloriaz pero sama-sama nilang tinulungan ang isa't isa para maka-ahon sa trahedyang iyon lalong-lalo na si Kenji. Ang robot namang si Reficul ay pinagpipiraso nila sa isang junk shop at pinasunog pa ito upang di muli itong makagawa ng masama.


Itinatak na din nila sa isipan nila na di na muli silang bibili na maguutusan nilang robot.


T H E  E N D

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon