STORY #50: BeliefGaano ba katatag ang paniniwala mo? Madalas na yang tanungin ng dating pari na si Sandro. Maayos ang kaniyang buhay noon hanggang sa unti-unti itong gumuho.
Nagsimula sa pagtulong niya sa kaniyang nakababatang kapatid na takpan ang kasalanan nito sa pagpatay. Mahal niya ang kaniyang kapatid kaya nagawa niyang ipagtanggol ito at hanggang ngayon ay malaya pa rin ito sa ginawa nitong kasalanan.
Nagawa pa niyang magdasal at sana'y patawarin siya ng diyos sa nagawang kasalanan at sana'y masulosyunan niya ang kaniyang problema pero may dumagdag pang isa.
Sumunod ang asawa niya sa kaniyang problema na nagawa siyang pagtaksilan. Nagkaroon sila nang matinding away at napunta sa hiwalayan. Ang kanilang mga anak ay sapilitan ding kinuha mula sa kaniya dahil makapangyarihan ang pamilya ng asawa niya.
Dahil sa problemang iyon ay siya ding nagtulak sa kaniya upang tumikim ng droga kasama ang mga kaibigan niya na kala-unan din ay kinaadikan na niya. Upang makawala din siya sa mga kinakaharap na problema.
Akala niya ay wala nang mas hihigit pa sa mga problemang iyon. Pero nagkakamali siya.
Na-huli sila ng mga pulis sa aktong pagdro-droga. Nagawa pa niyang manlaban pero nadaplisan lang siya ng baril at sa huli ay sumuko na rin at nagpahuli.
Mahirap para kay Sandro ang mapunta sa loob ng rehas. Pero tiniis niya doon ang lahat ng hirap sa loob ng selda. Dahil din dun ay nagbalik loob siya sa panginoon at gabi-gabing nagdarasal hanggang sa may tumulong sa kaniya upang makalaya.
Gumawa sila nang escape route at nagtagumpay sila. Ngayon ay pinaghahanap na ulit sila ng pulisya at nagpaskil pa ng mga wanted pictures ni Sandro at ng tumulong sa kaniya.
Mag-isang nagpakalayo-layo si Sandro mula sa mga pulis at naging pulubi sa di niya kilalang lugar. Hanggang sa napadpad siya sa isang simbahan at nanginginig ang kaniyang mga labi na lumuhod sa tapat ng malaking altar ni Jesus.
Nag-dasal siya na sana ay matapos na kaniyang problema na sana wala nang problema pang dapat dumagdag sa buhay niya. Pero nakita niyang lumuha ng dugo ang panginoon habang nakatingin sa kaniya.
Wala siya sa sariling nilisan ang simbahan at pumunta sa gilid ng cross over na tulay upang tapusin na kaniyang buhay. Wala din naman na siyang rason para mabuhay.
Pero nung akma na siyang tatalon ay parang may nakita siyang liwanag na nakakasilaw. Napatakip siya ng mga mata dahil sa silaw kaya napa-atras siya. Nang alisin na ni Sandro ang kaniyang braso na nakatakip sa mga mata niya ay nakita niyang may paparating na dump truck sa kinaroroonan niya.
Sa halip na umiwas ay napapikit na lamang siya at ngumiti na tila tinatanggap na ang kaniyang kamatayan. Ang huli na lamang niyang naramdaman ay ang malakas na pag-tama ng katawan niya sa dump truck at ang pagbalot ng mainit na likido sa buo niyang katawan.
Mas lalong dumilim ang kaniyang nakikita. Di niya alam kung nasan na siya at naghihintay siyang may sumulpot na anghel upang gabayan siya pero wala. Nakakalakad siya pero di niya alam kung saan siya patutungo dahil purong dilim lamang ang nakikita niya.
Unti-unti namang may sumulpot muli na liwanag. Napangiti siya at sa kailaliman ng puso niya ay nagdiwang siya dahil alam niyang sa langit ang liwanag na iyon. Dali-dali siyang lumapit sa liwanag hanggang sa nawala ang sayang nararamdaman ni Sandro.
Dahil ang liwanag na iyon ay likha pala ng apoy. Apoy na nanggagaling sa..
Impyerno.
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...