Story #51 - Sta. Anna Village

138 11 0
                                    

TEASER

Sa isang village na pinamumugaran ng nakakakilabot at kataka-takang mga pangyayari. Makayanan kaya ng bagong lipat na si Ramond ang panibago't nakakatakot na mangyayari sa kaniyang nilipatan na village?

 Makayanan kaya ng bagong lipat na si Ramond ang panibago't nakakatakot na mangyayari sa kaniyang nilipatan na village?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

STORY #51: Sta. Anna Village

"Alam mo na ba mare na kinain daw ng isang halimaw ang aso ni kumpareng John hati daw katawan ng asong iyon sa CR ng anak niyang si April. Mabuti na lang mabilis na nakalabas yung bata at kung hindi ay siya naman makakain nito."


"Naku, may balita din dito na nagsle-sleep-walk iyong si Robert at siya pala ang pumatay sa mga iilang tao dito tuwing gabi. Mabuti na lang sumuko siya sa pulis."


"Iyon ngang pagpugot sa ulo ng papa ni Judice at isinabit pa sa pintuan eh hindi ko nasikmuraan. Hay naku! talaga mga kumare, ano na ba talaga nangyayari sa village na ito jusko! Puro mga kababalaghan."


Dinig ni Leo na chismisan ng mga bagong kapitbahay niya. Bagong lipat lang kasi siya sa village na iyon at gustong maging independent. Mabuti na lamang at inrekomenda ang village na ito ng isa sa matalik niyang kaibigan. Nang sa gayon ay hindi na siya mahirapan pang maghanap ng matitirhang bahay.


Ayaw niya sa condo o apartment dahil gusto niya talaga ng bahay at bibilhin niya iyon at do'n na titira. Kakalagay niya lang ng kaniyang mga gamit sa loob ng bahay at pinagpawisan siya ng sobra dahil sa mag-isa lang niyang ginawa iyon.


Nagpunas siya ng pawis sa mukha gamit ang panyong puti na hawak bago iginala ng tingin ang loob ng bahay. Maliit lang ang bahay na iyon na may maliit na sala sa gitna at sa dulong bahagi eh kusina at CR sa kanan. May hagdan din sa gilid ng pinto ng bahay papunta sa second floor na kung saan naroroon ang bedroom at veranda.


Para kay Leo perfect na iyon para tirhan niya. Naisipan niyang mag-shower at kakain na din pagkatapos, tutal papalubog na ang araw. May trabaho din siya mamayang gabi kaya aalis siya mamaya.

Busy sa pagtipa ng keyboard si Leo at isang click na lang niya ay natapos din siya sa trabaho para sa gabing iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Busy sa pagtipa ng keyboard si Leo at isang click na lang niya ay natapos din siya sa trabaho para sa gabing iyon. Sumilip naman bigla ang kaibigan niyang si Jon-Jon sa kaniyang cubicle.


12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon