STORY #27: DoppelgangerSa mura pa lang na edad ni Edward ay naniniwala na siya sa doppelganger. Nagsimula ang paniniwala niya dito nung narinig niyang nakikipagkuwentuhan ang mga classmates niya tungkol sa doppelganger.
Ang doppelganger daw ay isa pang ikaw na galing sa ibang dimensyon at nagpapakita lamang sa iyo para balaan ka sa mangyayari sayo sa hinaharap. Kapag daw nakita mo ang iyong doppelganger ay dapat kabahan ka na dahil senyales din daw yon ng kamalasan at ang pinakamasama ay kamatayan.
Mas tumindi pa ang paniniwala niya sa doppelganger nung nabalitaan ng mga magulang niya na namatay sa isang car crash ang tita niya na kaibigan ng mama niya. Bago daw ang araw ng kamatayan ng tita niya ay nakita daw nito ang kamukha niya na puno ng sugat sa mukha at duguan din.
Binalaan din daw siya nito na ganun ang mangyayari sa kaniya na nagkatotoo nga. Dahil sa nangyaring iyon sa tita niya ay natakot na tuloy siya na baka isang araw ay makaharap niya ang doppelganger niya.
Isang araw habang kasama ni Edward ang mommy niya mamalengke ay di nakaligtas sa paningin niya ang dumaan na bata malapit sa pwesto nila. Naging dahilan iyon ng pagbilis ng tibok ng puso niya sa kaba dahil sigurado siya na ang batang dumaan kanina ay...
Kamukha niya.Kinagabihan, habang natutulog ang batang si Edward sa kaniyang kwarto ay may narinig siyang mabilis na pagkatok sa pintuan ng bahay nila. Nagising pa siya dahil dun pero nung huminto yung pagkatok ay bumalik na din lamang siya sa pag-tulog.
Sa pag-patak ng 12 ng gabi ay nagising ulit siya dahil sa ingay sa kusina. Babalik na lamang ulit siya sa pag-tulog nang may marinig siyang nag-uusap. Boses iyon ng mommy at daddy niya sa kusina at naririnig din niya ang mga itong parang may kinakausap.
Wala naman silang mga maid at sila lamang tatlo ang nasa bahay. Ang mas nakakataka pa rito ay parang umiiyak ang mga tono ng boses ng kaniyang mga magulang. Sino kaya kinakausap ng mga ito sa ganito pa talagang oras ng gabi.
Dahil sa pagtataka ay bumangon na lamang siya sa kaniyang higaan at tahimik na lumabas ng kaniyang kwarto. Malapit lamang ang kwarto niya sa kusina kaya dinig na dinig niya ang mga ito sa kwarto niya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kusina at nag-tago sa isang upuan. Sumilip siya sa tinataguang upuan at kasabay nun ang pagdinig niya sa pagtawag ng mommy niya ng
' anak ' sa kinakausap na naging dahilan ng pagka-kaba ni Edward. Alam niyang wala siyang kapatid at only child lamang siya pero bakit tinawag ng mommy niya na anak niya ito.Tiningnan niya kung sino ang kinakausap ng mga magulang niya at mas lalo pa siyang kinabahan nung makitang isa itong bata. Di niya makita ang itsura nung batang iyon dahil naka-talikod ito sa kaniya. Napag-pasyahan na lamang niya na lumabas sa pinagtataguan at lumapit sa mga magulang niya habang pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso niya sa kaba.
Agad naman siyang nakita ng mga magulang.
" Oh anak! Gising ka na pala " sabi ng kaniyang mommy na pumapahid pa ng kaniyang luha. Magsasalita sana si Edward nung lumingon yung batang kanina pa kinakausap ng mga magulang niya. At di siya makapaniwala nang makitang kamukha niya ito!Madungis ang mukha nito na parang hindi naligo ng ilang araw. Butas-butas ang suot din nitong damit. Pero ang mas nakakatawag ng pansin ni Edward ay ang pagkakahawig ng mukha nila.
Dahil sa halo-halong emosyon ay parang may sariling isip ang katawan ni Edward at kinuha niya bigla ang pinakamalaking kutsilyo nila habang sinasambit ang mga katagang
" Doppelganger ko siya, kailangan niyang mamatay "" Edward a-anak, anong gagawin mo sa kaniya? " hindi pinansin ni Edward ang sinabing iyon ng mommy niya at ang sunod na lang niyang nalaman ay puno na ng saksak ang katawan ng kamukha niya at ang sigaw ng mga magulang niya.
Nabitawan niya ang duguang kutsilyo nung bigla siyang marahas na iniharap ng papa niya at nagulat siya sa sinabi nito.
Ang batang kamukha niya na sinaksak niya ay siya palang...
Nawawalang kambal na kapatid..
T H E E N D
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...