Story #62 - Food Lover

78 0 0
                                    


STORY #62: Food Lover

Mahal na mahal ko talaga ang asawa ko dahil kahit na anong putahe o ulam ang ihanda ko sa kaniya ay kinakain niya. Siya talaga ang nagpapa-inspire sa akin upang maging chef.

Tiningnan ko siya sa kusina at napangiti ako nang makitang ubos na kaagad ang inihanda kong menudo. Simot na simot ang kaniyang plato. Nilapitan ko ito habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa aking labi.

Hinimas ko ang kaniyang magkabilaang pisngi at ibinulong sa kaniyang tenga na malapit nang maluto ang paborito niyang dinuguan.

Naghintay pa ako ng ilang menuto bago ako bumalik sa niluluto ko at agad na naglagay ng dinuguan sa isang bowl bago ko ito inihanda sa asawa ko. Hinimas ko ang ulo nito sabay nang paghalik sa pisngi nito.

"Magpakabusog ka mahal ko, mabusog ka sa pagmamahal na alay ko sa iyo" bulong ko sa tenga niya.  Pinulot ko ang mga laman loob ng asawa ko na nakakalat sa sahig na nanggaling sa wakwak nitong tiyan.

Oras na para bumalik ulit sa kusina para sa susunod na kakainin ng asawa ko. Siyempre hindi mawawala ang secret ingredient. Binuksan ko ang ref at napangiti nang makita ang mga putol na katawan ng kabit ng asawa ko. Kinuha ko ang isang plastic na puno ng dugo nito.

Pinitik ko ang daliri ko dahil tapos na ang main course oras na para sa dessert! Papangalanan ko itong Bituka ng mister ko de salad with blood dressing ni kabit!


THE END

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon