STORY #7: On Caught
Isang balita ang nagpagimbal sa bente quatrong taong gulang na si Robert. Nabalitaan niya na ang kapitbahay niyang kumpare ay patay na. Lasog-lasog daw ang katawan nito ayon sa mga pulis na nag-imbestiga sa krimen.
Ipinagtaka din daw ng mga ito na walang kahit na isang ebidensya ang nahanap sa crime scene. Malinis daw ang pagkakapatay rito. Kahit finger print o bagay na ginamit sa pagpatay sa biktima ay wala silang nahanap kundi ang kaawa-awang bangkay ng kumpare niya.
Labis na lungkot ang naramdaman ni Robert nung narinig niya ang balita. Nakaramdam din siya ng galit sa taong gumawa no'n sa kaniya. Dahil 'di daw makatao ang pagpatay sa kumpare niya.
Ngayon araw ang lamay nito kaya pumunta siya sa bahay nito para makilamay sa pagkawala ng kaniyang kumpare. Naawa si Robert sa asawa at mga anak nito na todo ang pag-iyak sa harap ng kabaong nito.
Gabi na nang matapos ang lamay ng kaibigan niya at ngayo'y papauwi na siya ng kaniyang bahay. Nasa harap na siya ng pintuan at bubuksan na sana ang pinto ng bahay ng bigla siyang makaramdam ng sakit sa likod ng ulo niya dahil may bumato sa kaniya.
Inis siyang napamura at lumingon sa kung sino man ang nangbato sa kaniya at nakita niya ang isang may katandaan ng lalake na nakatingin sa direksyon niya. Kahit na madilim ang kinaroroonan ng matandang lalake ay nakikita pa rin niya ang ginagawa nitong pagpulot ng mga bato sa bakuran nito dahil sa ilaw ng buwan.
Kilala ni Robert ang matandang lalake. May tsismis na siyang narinig tungkol sa matandang lalake na 'yon. Ayon sa nalaman niyang tsismis ay may sira na daw sa ulo ang matandang iyon simula no'ng namatay ang asawa at dalawa nitong mga anak.
May usap-usapan din na pinatay nito ang asawa dahil sa pagbibisyo at pagdro-droga. Kaya sinali na din nito ang mga anak. Ayaw namang maniwala ni Robert sa usap-usapan na iyon. Dahil hindi naman siya 'yong tipong taong mapanghusga agad sa kapwa kahit na 'di pa nalalaman ang tunay na kwento.
Pero dahil sa ginawa ng matandang lalake sa kaniya ay 'di niya maiwasan na maisip na totoo nga ang naririnig niyang tsismis tungkol sa matanda. Baliw na nga ito. Mayamaya nakita niyang binato ulit siya ng matanda ng maliit na bato at nakailag naman siya pero natamaan naman ang kaniyang pinto.
Dahil sa ginawa nito ay nakaramdam na ng sobrang inis si Robert sa ginagawa nitong pambabato. Pupuntahan na sana niya ang matanda nang makita niyang dali-dali itong pumasok sa bahay at malakas na isinarado ang pinto.
Napailing-iling na lamang si Robert sa inasta ng matandang lalake at imbes na patulan pa ito ay bumalik na lamang siya sa bahay niya at pumasok na.
Single pa lamang si Robert at wala pang asawa at anak. Bumukod siya sa mga magulang dahil sa trabaho. Kaya mag-isa lamang siyang naninirahan sa bahay na 'yon. Ang matandang lalake namang iyon ay katapat lang ng bahay niya naninirahan.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]
HorrorMga kababalaghan at misteryo sa mundo na hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi magsisimula ang iba't ibang klase ng katatakutan at kababalaghan na ipinagsama sa iisang libro. Ihanda mo ang sarili at magbasa. M...