Story #36 - Stranded

149 11 0
                                    


STORY #36: Stranded

Nagising mula sa pagkakawalang-malay ang limang magka-kaibigan sa isang di kilalang isla. Ang tangi lang nilang naalala bago sila makarating doon ay nasa private helicopter sila ni Dave na isa sa mga limang magka-kaibigan nang biglang may tumamang mahabang sibat sa helicopter na naging dahilan ng bagsak nito sa isla.

Maswerte sila dahil nakaligtas sila sa pagbagsak nun at malas din dahil sigurado silang mastra-stranded sila sa islang iyon. Hindi nila alam kung mga ilang araw silang magtatagal doon at tangi na lang nilang magagawa ay mag-survive sa islang iyon hanggang sa dumating ang tulong.

Tatlong araw silang nandoon at pinipilit na mabuhay. Kumakain sila ng mga nahuhuli nilang isda at namimitas din ng mga sariwang prutas. Sa unang araw nila sa islang iyon ay naging mahirap ito para sa kanila pero unti-unti ay nag-aadjust na sila sa paligid. Pero di pa rin nawawala ang kanilang pag-asa na makaalis na sa islang iyon at makauwi ng ligtas at buhay.

" I miss my family guys " maarteng sabi ni Chloé habang maarteng kinukuha ang mga tinik sa parte ng isda na kinuha niya. Nakapalibot silang lima sa isang bon fire at kumakain ng hapunan nila na mga lamang dagat at pinitas na prutas. " Oo nga eh. Kung di dahil sa akin baka wala tayo dito. Kasalanan ko toh " sabi naman ni Troy na siyang may-ari ng private helicopter na sinakyan nila at siya rin ang nagpapalipad nito.

" Ayan ka nanaman Troy eh. Walang may kasalanan nito at hindi din dapat tayo magsisihan " sabi naman ni Kaver na siyang parang lider ng barkada. " Tama si Kaver, ang magagawa lang natin sa ngayon ay mag-surive sa islang ito hanggang sa dumating ang
tulong " pagsang-ayon naman ni Leanne.

" Okay tama na yang drama guys. Kutang-kuta na talaga kayo diyan. Think positive na lang and be positive " nakangiting sabi ni Chase.
" Haha correct ka diyan Chase " sabi ni Leanne.

Nagpatuloy ang pagkwe-kuwentuhan ng magkakaibigan hanggang sa naisipan na nilang matulog para magsimula ulit ng panibagong araw bukas. Nahiga lamang sila sa buhanginan  pwera na lamang kay Chloé na kumuha pa ng dahon ng saging at hinigaan.

Kinabukasan ay busy ulit sila sa paghahanap ng makakain. Sila Chloé at Leanne ang kota sa paghahanap ng prutas at sila Chase, Troy, at Kaver naman sa panghuhuli ng isda at iba pang lamang dagat na mahuhuli nila.

" Mukhang wala na ditong mga prutas. Napitas na yata natin lahat eh " sabi ni Leanne habang naghahanap ng mga pwedeng makaing prutas. " Talagang wala na, sa loob ng gubat kaya. Baka marami doon " pagmumungkahi ni Chloé sabay turo sa loob ng gubat.

" Sure ka? Baka may mga wild animals diyan. Takot ka pa naman dun " pananakot pa ni Leanne. Pabiro namang inirapan ni Chloé si Leanne " Wala ng takot-takot sa taong gutom " natawa naman si Leanne sa sinabi nito. " Well, okay " sabi niya at pumunta na nga sila sa loob ng gubat.

Lakad sila ng lakad habang naghahanap ng mga makakain nila. Pareho na silang gutom nung mga oras na iyon kaya pursigido silang naghahanap. Nung nakahanap ng puno ng saging na may mga hinog ng bunga ay agad na sana niyang lalapitan ito ng biglang..

" AAAAHHHHH!!! "

Agad na nilapitan ni Leanne si Chloé dahil sa sigaw niyang iyon. " Chloé? Bakit? Anong nakita mo? " tanong niya na agad namang nasagot dahil sa isang kalansay na nakaupo sa isang ugat ng puno.

" Ayaw ko na dito. Balik na lang tayo Leanne, natatakot na ko " takot na takot na sabi ni Chloé habang nakaupo sa lupa. " O-okay pero kailangan na muna nating kunin yung saging na nakita ko kanina " pati Leanne ay natakot rin sa kalansay. Natakot siya dahil alam niyang di normal ang pagkamatay ng taong iyon dahil sa pana na naka-tusok sa bungo nito.

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon