Story #8 - Drive Me & Crazy

309 16 17
                                    

STORY #8: Drive Me & Crazy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

STORY #8: Drive Me & Crazy

"Drive me hon please!" iyan ang pambungad na sabi ng asawa ni Dominique nang sagutin niya ang tawag nito. Nalaman niyang lasing ito dahil sa paraan ng pananalita nito sa kabilang linya. "Oh! Bakit ka lasing hon? Nasa'n ka ba ngayon? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Pagtatanong ni Dominique bago pumasok sa sasakyan niya.

Mga ilang segundo pa ang lumipas nang sumagot ang kaniyang asawa.
"Nandito ako sa resto bar ng kaibigan ko. Bigla kasing nagkayayaan na mag-inuman at reunion din namin to ng mga kaibigan ko kaya 'di ako makatanggi" dinig niyang sagot ng asawa sa kabilang linya.

"Oh sige basta diyan ka lang muna ah, susunduin kita diyan. Ano pala address ng resto bar na 'yan?" Tanong pa niya ulit bago paandarin ang kotse. Mga ilang segundo ulit ang lumipas bago niya marinig ang sagot ng asawa.

"Yung resto bar na malapit sa McDo yung may Happy Street Cafe na madalas nating daanan, nando'n." napatango na lamang si Dominique sa pagbibigay direksyon ng asawa. Alam niya ang daanan papunta do'n kaya nagpaalam na siya sa asawa na ibababa na niya ang tawag at susunduin na niya ito.

May sinabi pa ang asawa niya na bilisan niya dahil nilalamok na daw ito na ikinatawa pa niya. Nang maibaba na niya ng tuluyan ang tawag ay pinaandar na niya ulit ang sasakyan at lumarga na.

Habang nasa biyahe ay 'di maiwasan ni Dominique na magalala sa asawa. Mag-aalas diyes na ng gabi at baka may mga masasamang loob na galawin ang kaniyang asawa. Kaya't binilisan pa nito ang pagmamaneho.

Nasa isang expressway na siya na may paliko-likong daanan at konti lang ang mga poste na nagsisilbing ilaw sa bawat gilid ng daan pero ang iba ay hindi na gumagana at meron ding nagpapatay-sindi na. Hindi tuloy maiwasan ni Dominique na kabahan at matakot sa daanang iyon.

Mas lamang ang dilim sa pagsakop sa daanang iyon kaysa sa liwanag. Kaya mas naging alerto si Dominique sa pagdri-drive at binuksan na nito ang head lights ng kotse. Sa kalagitnaan nang pagdri-drive niya ay may nahagip ang mga mata niya na isang bagay na parang lumabas sa magubat na parte ng daanan.

Hindi niya masyadong nakita iyon pero sigurado siyang may lumabas na kung ano do'n. Kaysa sa isipin pa lalo ang bagay na 'yon ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagdri-drive. Mga ilang menuto pa ang nagdaan nang makarating na siya sa wakas sa sinasabi ng asawa na resto bar.

Pinatay na niya ang engine ng sasakyan at bumaba. Hindi naman nahirapan si Dominique sa paghahanap sa asawa dahil nakita niyang nasa isang waiting shed ito malapit sa entrance ng resto bar. Kaya 'di na siya nag-atubiling nilapitan at pinasakay ito sa kotse.

Medyo nahirapan pa si Dominique sa pag-akbay sa asawa pero nakayanan din naman niya. Nang makapasok na sa loob ng sasakyan si Dominique ay pinaandar na niya agad ito bago lumarga.

Napansin ni Dominique na tahimik na ang asawa kaya napasulyap siya dito na katabi lamang niya. Doon nakita niyang mahimbing na itong natutulog. Natawa pa si Dominique sa posisyon nito. Nakabuka ang bibig nito at daig pa siya nito kung humilik at tumutulo pa ang laway.

12:00 A.M. [Compiled Short Scary Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon