"Goodbye daddy," ang narinig ni Martin mula sa munting tinig ng isang batang lalaki.
Batang lalaki? Babae ang anak niya hindi ba? Ang tanong ng kanyang isipan. Pero hindi na bale kung saang tinig iyun nanggaling, tinawag siya nitong daddy.Siya ba ang tinatawag nitong daddy? O may iba pa? Ang tanong niya, bakit hindi pa niya maibuka ang kanyang mga mata? Tanong niya. Ang kanyang dibdib, bakit mabigat pa rin? Hirap pa rin siyang huminga.
Ugh, ang tanging lumabas sa kanyang lalamunan at gusto niya sanang bigkasin ang salitang "anak" ngunit hindi pa rin niya maibuka ang kanyang bibig, may tila nakabilog pa rin sa kanyang leeg pero hindi iyun ang dahilan kung bakit hindi niya maigalaw ang kanyang ulo. Talagang wala pa siyang lakas na igalaw iyun.
Gusto na niyang bumangon, gusto na niyang idilat ang kanyang mga mata, gusto na niyang bumangon para makapagtrabaho na siya sa club.
Yung kasama niya? Ano nga ba ang pangalan niya? Hindi niya matandaan, ang sabi ng isipan ni Martin.
Ano na bang nangyari? Panaginip ba ang mga flashbacks na dumaraan sa kanyang isipan? Ang mabillis na yakbo ng sasakyan? Ang malakas na pagbangga at pag-ikot ng sasakyan? Ang nakasisilaw na liwanag na kanyang nakita bago siya nawalan ng ulirat.
Inaantok na naman siya, ang sabi ni Martin, naka-drugs ba siya? Ang tanong niya, pero ayaw na niyang matulog gusto na niyang maimulat ang kanyang mga mata at masilayan ang batang nagma-may-ari ng munting tinig.
Ugh , ang sambit niya na , pero balewala iyun dahil sa oxygen mask na nakatakip sa kanyang ilong at bibig. Unti- unti na naman siyang dinadalaw ng antok at kahit pa labanan niya ay kusang sumusunod ang kanyang katawan sa bisa ng gamot na nasa kanyang katawan, kaya naman ang sumunod na boses na kanyang narinig ay hindi na niya mawari kung imahinasyaon na lamang niya iyun.
"Hindi ako makapaniwala sa balita na nadisgrasya ka na, tsk, masamang damo talaga, biruin mo nabuhay ka pa?" ang sabi ng tinig sa kanya na may malisya sa tinig ng boses nito na may pagbabanta ng panganib.
Hindi niya mawari kung kanino ang boses, at kung anong kasarian dahil sa unti-unti na siyang nilalamon ng antok at karimlan.
Sino? Ang sambit ng kanyang isipan at napahigop ng malalim na hininga ang kanyang baga nang maramdaman niyang naalis ang nakatakip sa kanyang ilong at bibig na tumutulong sa kanya para makahinga.
Sumakit ang kanyang dibdib dahil sa matidis na paghigop niya ng hangin na tila may blade na naglaslas ng malambot na laman ng kanyang baga.
At naramdaman niya na may tumakip sa kanyang mukha, malambot iyun, ngunit dahil sa pwersa na nakadagan dito ay isang makapal na takip iyun sa kanyang mukha na ikinadulot ng hirap niya sa paghinga.
Hagh, ukh, ukh, ang mga lumabas sa kanyang bibig dahil sa hirap niya sa paghinga, pilit niyang inilalaban ang sarili, kahit man lamang makadilat siya.
Maya-maya ay nawala ang nakadagan sa kanyang mukha, pero ang takip sa kanyang ilong at bibig para siya makahinga ay hindi na bumalik, at nagsisimula na ang mababaw at sunud-sunod niyang paghinga. Mga pagsinghap na ang kanyang ginagawa, mamamatay siya.
Mamamatay na siya, kailangan niyang dumilat, kailangan niyang gumalaw, kundi ay hindi na niya masisilayan ang batang nagmamay-ari ng tinig, kailangan niyang magising!
***
"Mommy! I forgot Mr. Snooze bear!" ang sigaw ni Zane habang sakay sila ng elevator pababa ng lobby ng horpital. Yumuko ang kanyang ulo pakanan para tingnan ang kanyang anak na si Zane na nakatingala naman sa kanya at magkahawak ang kanilang mga kamay. Alam ni Sarine kung gaano ka-importante ang stuffed toy na iyun ni Zane sa anak, ibinigay niya iyun kay Zane noong isang taon pa lamang ito at hindi to nakakatulog hanggat hindi katabi ang nasabing bear.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...