Chapter 3

1.4K 96 40
                                    

Tulad ng nakagawian ay maagang gumising si Sarine, tiningan niya ang lalaki na natutulog sa kanyang tabi, na nakatihaya na natutulog ito, nakaekis ang mga braso nito sa itaas ng ulo nito at unan. Sandali niyang tiningan ito,  hindi na niya namalayan kung anong oras na umuwi ng bahay si Rodrigo, pero, kailan ba siya naging interisado at naghintay sa pag-uwi nito?

Noon oo, noong nagsimula pa lang sila na ikasal, pero nang tumagal na ay nagbago na ang lalaking ubod ng lambing at pagmamahal sa kanya, ang sabi ni Sarine sa sarili. Inalis na niya ang kanyang mga mata kay Rodrigo, at bumangon na siya mula sa kanyang pagkakahiga at ibinaba niya ang kanyang mga paa sa sahig na kahoy at saka siya, dali-dali na pumasok sa loob ng banyo.

Ihahatid niya sa nursery si Zane at siya naman ay pupunta sa kanilang restaurant para gumawa ng panimpla na pampalasa ng karne ng baka at ribs. Ang tawag nga rito ni Rodrigo ay “dry rub”. Maganda nga naman iyung pakinggan, ang sabi niya sa sarili habang sina-shampoo na niya ang kanyang buhok at pagkatapos na banlawan ay saka naman niya nilagyan ng conditioner ang kanyang natural na kulay mais at malalaki na hibla ng buhok. Pagkababad ng conditioner ay saka niya sinabon ang sarili at dali-dali niyang binanlawan ang sabon at conditioner sa kanyang ulo at katawan. At binalot niya ang sarili ng makapal na tuwalya saka siya lumabas ng banyo at nakita niyang tulog pa rin si Rodrigo.

Hmmm mabuti na rin na tulog pa ito, ang sabi ng isipan ni Sarine. Sa ginawa nito kahapon at sa nangyari ay ayaw niya muna ito na makausap at mas gusto pa niya na mag-isa na lamang na magpunta ng restaurant. Dali-dali siyang nagbihis ng komportable na damit, hindi naman niya kailangan na magbihis ng magara at trabaho ang gagawin niya sa restaurant at hindi siya sa opisina naka-pwesto kundi sa kusina.

Itinali niya ang kanyang buhok kahit na basa pa ito. Suot ang isang kulay pula na cardigan shirt at kupas na maong, dinampot niya ang kanyang bag at sinilip niya ang loob nito. Sinigurado niya na dala niya ang kanyang susi ng restaurant at ang kanyang phone at wallet. At nang makita niyang kumpleto na ang lahat ay saka niya isinuot ang isang slip-on na sneakers at tahimik siyang lumabas ng silid dala ang kanyang maliit na leather backpack. Nagtungo naman siya sa silid ng kanyang anak, marahan niyang itinulak ang pinto at pagpasok niya ay isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, at hindi iyun pumapalya sa tuwing umaga na papasok siya sa loob ng silid ni Zane, hindi lang dahil sa labis na pananabik na makita niya ito, at hindi rin lang dahil sa mahal na mahal niya ito, kundi, dahil sa tuwing pupuntahan niya ito sa kwarto ay nakaiba na ng pwesto ito, mula sa orihinal nitong pagkakahiga sa gabi. Kung sa gabi ay nasa mga malalambot at hugis kotse at gulong na mga unan nakalapat ang ulo ni Zane, pagdating ng umaga ay umikot na ito at ang mga paa na ang nasa kumpol ng mga unan.

Napakalikot nitong matulog, ang sabi ni Sarine sa kanyang sarili at napapailing na lang siya na may kasamang malapad ng ngiti sa kanyang mga labi. Isinara niya ang pinto pagkapasok niya sa loob ng silid nito, at saka siya humakbang palapit sa hugis kotse na kama ni Zane. Naupo siya sa gilid at hinimas niya ang noo ng anak ng may kabanayadan habang ang kanyang mga mata at puno ng pagmamahal na pinagmasdan niya si Zane.

Paulit-ulit niyang hinaplos ang noo nito hanggang sa isang buntong-hininga ang pinakawalan nito, at marahan siyang natawa at saka siya yumukod para hagkan ang pisngi ng nahihimbing pa rin na anak.

“Zane,” ang mahinang sambit niya ng pangalan nito, at isang ungol lang nang pag-angal ang narinig niya sa maliit nitong bibig. Mahina siyang natawa at muli niyang hinagkan ang pisngi nito at hinaplos niya ang pisngi nito na ubod ng lambot at bango.

“Zane,” ang muling pagbanggit niya sa pangalan nito at nagtaas-baba na ang kanyang kaliwang palad sa tiyan nito na nakalabas na dahil sa nakalilis nitong pang-itaas na terno ng pajama.

“Zane, may pasok ka ngayon sa, you have to.. go to school,” ang mahina at malambing na sambit niya rito.

“Mag-breakfast tayo sa paborito mong fastfood sa McJolly,” ang mahina niyang sambit at parang alarm o magic words ay mabilis na dumilat ang mga mata nito nang marinig ang pangalan ng paborito nitong kainan.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon