Chapter 20

1.2K 100 75
                                    

Lumabas si Martin ng opisina ni Rodrigo sa bahay, katatapos lang niyang tawagan ang bangko at laking pasalamat niya nang maabutan pa niya na may makausap tungkol sa pagbabago niya ng kanyang password ng atm. Mabuti na lang at pwede na rin ang online transactions at binigyan naman siya ng prayoridad dahil na rin sa pagbigay sa kanya ng konsiderasyon dahil sa kalagayan niya. Mabilis niyang napalitan ang kanyang PIN sa pag-log-in niya sa website ng bangko.

Talagang napakalaking-kaluwagan ng kanyang hininga ang nangyari dahil sa hindi na niya kinailangan pa na magpunta ng bangko at pumirma ng kung anu-anong mga papel. Pero alam ni Martin na kailangan pa rin niyang maperfect ang pirma ni Rodrigo para sa iba pang transactions niya. Naisipan din niyang kumuha ng kapalit na sasakyan, mabuti na lamang at hindi nasira ang lisensiya ni Rodrigo na nasa loob ng wallet nito kasama ng iba pang cards nito.

Pagkalabas niya ng opsina ay nagtungo siya sa salas at doon ay inabutan niya si Zane na naglalaro sa sahig at nakakalat ang mga piraso ng lego nito. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya at naglakad siya palapit sa batang lalaking labis na niyang minahal.

"Wow! Anong ginagawa ng anak ko?" ang tanong niya kay Zane mula sa likuran nito at yumukod pa siya para makita ang mga ginawa ng anak.

"Hi daddy look? I built a robot! Tut tut tut," ang sabi nito sa kanya at iniangat nito ang robot na binuo nito gamit ang Lego.

"Oh wow! Ang galing! You could be an engineer when you grow up," ang excited na sabi niya sa anak na mabilis na umiling ang ulo bilang pagtanggi sa kanyang sinabi.

"No daddy, I want to be a superhero when I grow up," ang sabi ni Zane sa kanya na namilog ang mga mata nitong kahawig ng sa kanya. Isang ngiti ang iginawad niya sa anak, at tumangu-tango siya.

"Oo nga, mas maganda yata ang pangarap mo kaysa sa akin," ang sagot niya at naagaw ang kanyang atensyon nang mabangong amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina, mukhang may naperfect na naman na recipe si Sarine, ang sabi ni Martin sa sarili.

"Naamoy mo ba iyun anak?" ang nakangiting tanong niya kay Zane na mukhang hindi naman interisado sa pagkain kundi sa paglalaro nito dahil sa tanging pagkibit balikat lang ang isinagot nito sa kanya. Bahagya siyang natawa at umayos siya ng tayo.

"Punta lang ako kay mommy ha?" ang tanong niya sa anak na hindi na siya pinansin at tumango lang, napailing na lang siya pero nanatili ang ngiti sa kanyang labi. Saka siya naglakad patungo sa kusina at naabutan na niya si Sarine na nakatayo sa harapan ng kitchen island at may-ina-assemble ito na sandwich.

"Wow ang bango!" ang nankangiting saad niya habang naglalakad siya palapit rito. Umangat ang mukha nito para tingnan siya at isang matipid na ngiti ang muling isinagot sa kanya nito.

"Uh, sinubukan ko lang, yung nakita ko sa you tube, philly sandwich, ginamit ko yung brisket ininit ko tapos nilagyan ko ng maraming sibuyas na ginisa ko hanggang sa malata na siya at lumabas ang natural na tamis, saka ko nilagyan ng pampalasa at dressing saka lemon na kaunti, heto tikman mo hindi ko alam kung nakuha ko ba hindi ko rin kasi masyadong sinunod ang recipe," ang paliwanag sa kanya ni Sarine.

Eksahiradong lumanghap siya ng hangin para amuyin ang mabangong amoy ng pagkain na nasa kanyang harapan.

"Hmmm, amoy pa lang masarap na," ang nakangiting papuri niya kay Sarine na namula ang mga mapekas nitong mga pisngi.

"Pwede ko na bang tikman?" ang tanong niya at tumango naman si Sarine sa kanya. Dinampot niya ang pahabang tinapay, yung ginagamit na tinapay para sa hotdog. Iniangat niya iyun at sinipat ng kanyang mata ang hitsura nito, caramelized onion ang nasa ibabaw nito at kita niya ang mga maninipis na hiniwa na karne na may dressing at amoy niya ang tangy scent ng lemon,  inilapit niya sa kanyang bibig ang tinapay na nag-uumapaw sa palaman at kinagat niya iyun at habang nginunguya niya ang pagkain ay tila kiniliti ang kanyang dila sa sarap ng inihanda ni Sarine. Muli siyang kumagat sa tinapay habang panay naman ang pagtango niya at nang magtama ang kanilang mga mata ni Sarine na mukhang hinihintay ang kanyang verdict ay isang kindat ang isinagot niya rito at muling namula ang pisngi nito sa kanya.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon