Chapter 37

1.1K 83 45
                                    

"Sarine?" ang mahinang pagbanggit ni Martin sa pangalan ni Sarine at mabilis na lumingon ang kanyang ulo sa kanyang likuran at naroon nga si Ang nakangiting mukha ng kanyang asawa. Ang kalamadong mukha nito ang kanyang kailangan, lalo pa at sa oras na iyun ay ang pag-launch ng menu niya sa restaurant at iyun na rin ang araw ng food review ni Jasper sa kanyang lutuin at hinihintay na lamang nila ito.

'H-hi," ang sambit niya at halatang kinakabahan siya dahil sa panginginig ng kanyang boses.

Humakbang palapit sa kanya ang asawa na pinapatatag siya ng ngiti nito, at naramdaman niya ang braso nito na sumampay sa kanyang mga balikat bago siya hinila nito palapit sa dibdib nitong kanyang sinandalan.

"Kinakabahan ako," ang bulong niya sa dibdib ng asawa.

"Huwag kang kabahan mahal ko, masarap ang mga ginawa mo, hindi ba pinatikman natin sa mga empleyado natin ang lahat ng mga bagong obra mo at talagang sarap na sarap sila?" ang pagpapaalala sa kanya ng asawa.

Napabuntong-hininga si Sarine, naniniwala siya sa sinabi ng kanyang asawa at sa sinabi ng kanilang mga empleyado. Nagbigay pa nga ang mga ito ng suhestiyon sa kanya para mai-adjust niya ang lasa ng kanyang niluto kaya naman alam niyang hindi siya binola ng mga ito at nagsasabi ng totoo sa kanya dahil sa tinulungan pa siya nito at sila rin ay excited na maipakilala ang kanyang niluto.

"Hindi ko maiwasan," ang sabi ni Sarine kay Martin. At ikinuskos niya ang dulo ng kanyang ilong sa suot nitong polo shirt.

"Nakasuporta kami sa iyo, tingnan mo kung gaano sila kasabik na i-serve ang gawa mo Sarine," ang giit ni martin sa asawa.

"Salamat sa inyo," ang puno ng pagmamahal niyang bulong sa dibdib ng asawa.

"Don't pressure yourself Sarine, anuman ang kalabasan ay proud kami sa iyo at ilalagay natin sa menu ang pagkain mo, okey? Ikaw ang nagligtas noon sa resto kung tutuusin ikaw ang nagpasikat dito kaya naman alam namin na mas makikilala pa ang Diaz nang dahil sa iyo, pero hindi natin hawak ang panlasa ni Jasper at walang usapan na nagyari basta i-review niya ang pagkain kaya naman, kahit anong kalabasan? Alalahanin mo na proud kami, ok?" ang buong pagmamahal na pagpapaalala ni Martin kay sarine.

"Alam ko dahil sa nararamdaman ko ang mga sinasabi mo," ang mahinang sambit niya. Naramdaman ni Sarine ang pagtaas-baba ng mga palad ni Martin sa likuran nito at napabuntong-hininga ang si Sarine.

"Malapit na siguro siyang dumating doon na tayo sa dining maganda yung doon na natin siya salubungin may mga guests na rin, kahit papaano ay humupa na ang balita tungkol sa nangyari noong gabi na iyun.

"Uhm hindi na ako nag-ayos," ang sabi niya sa asawa na tiningnan siya mula ulo hanggang sa kanyang mga paa. Naglandas ang mga humahanggang mata ni Martin sa simpleng pagkakaayos ni Sarine, ang nakatali nitong buhok ang mukha nitong walang kahit anong make-up na inilagay para takpan ang pekas nito, na gustong-gusto niyang asset ng asawa, hanggang sa plain nitong  bestida na navy blue ang kulay at sailor ang collar nito na may putting lining at isang maikling white and blue striped na neck-tie ang tanging disenyo nito at isang kulay puti na belt at sa mga paa naman nito ay kulay puting laced snickers ang suot nito. Mas lalo tuloy na bumata ang hitsura nito at kita ang malaking agwat ng kanilang edad.

"Hindi mo kailangan na mag-ayos ng husto Sarine, hindi mo kailangan na magpaganda dahil natural ka ng maganda, lalo na kapag" ang putol ni Martin saka ito bumulong sa kanyang tenga.

"Lalo na kapag wala kang damit at nasa ilalim kita," ang bulong ni Martin sa tenga ni Sarine na dulot ay kiliti sa buong katawan nito.

"Mamaya ako naman ang magrereview," ang makahulugan pa nitong bulong sa tenga niya sabay dampi ng dulo ng dila nito sa kanyang tenga. At hindi maiwasan ni Sarine ang mapasinghap.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon