Labis ang tuwa sa dibdib ni Martin, mukhang tama talaga ang naging desisyon niya na maging si Rodrigo at maging ama kay Zane, hindi niya pa alam ang tungkol sa pagiging asawa niya ni Sarine, pero hindi niya maitatanggi ang nararamdaman niyang atraksiyon para kay Sarine.
Huh sino nga ba ang hindi ma-a-attract sa babaeng katulad ni Sarine? Ang tanong niya sa sarili at napasulyap siya kay Zane na nakaupo sa kitchen stool, habang nagppahid ito ng mayonnaise sa burger buns na tinapay na nakita niya sa loob ng ref na kanyang ininit sa oven toaster.
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang nakatayo siya sa harapan ng kalan at nagluluto siya ng burger patty, ham at itlog. Hindi nga matatawag na tanghalian ang kanilang pagkain pero, mas madali iyung ihanda at ang ideya pa niya ay ang maka-bonding niya at maging involved si Zane sa paghahanda ng kakainin nila.
Naalala niya pa kanina nang lumabas ito ng paaralan, pinagtinginan siya ng mga kaklase nito at nang makita siya ng mga ito na mayroon siyang baston, noong una ay nahihiya si Zane nang magsipaglapitan ang mga kaklase nito sa kanya, tila ba namangha ang mga ito na makakita ng isang taong may baston na hindi matanda, dahil iyun ang tinanong ng mga ito sa kanya.
At nang sagutin niya ang tanong ng isang batang lalaki, na disguise niya lamang ang baston, dahil iyun ang kanyang secret weapon sa mga masasamang tao na gustong lumapit sa kanila ni Zane. At mukhang nakuha rin niya ang interest ng anak dahil ito man ay namilog ang mga mata sa kanyang sinabi.
"Really dad?'' ang hindi makapaniwala na tanong sa kanya ni Zane at namimilog ang mga mata nito sa kanya.
Tumango ang kanyang ulo at kinindatan niya ang kanyang anak at isang malapad na ngiti ang isinagot sa kanya ni Zane.
At mukhang naka-first step na siya, at sa second step ay hinayaan niya na tulungan siya nito na tulungan siyang gumawa ng kanilang tanghalian, wala pa kasi si Sarine at ayaw naman niyang abalahin pa ito na gumawa ng tanghalian nila lalo pa at abala na ito sa restaurant na mukhang negosyo ni Rodrigo.
Binaliktad niya ang patty gamit ang siyanse, para ang kabilang side naman nito ang maluto. At naalala niya ang mga papeles na nabanggit ni sarine na kailangan niyang pirmahan at iyun ang malaking isipin niya, kailangan niyang mapag-aralan ang pirma ni Rodrigo.
Kailangan niya rin siguro na i-google ang anumang impormasyon tungkol kay Rodrigo, mukhang magiging abala na siya sa mga susunod na oras para pag-aralan ang kanyang katauhan.
Itinabi na niya ang kanyang baston, kaya naman na niyang makatayo at makapaglakad kahit na mabagal. Laking pasalamat talag niya na wala siyang bali sa binti at ribs at puro trauma lamang ang natamo niya maliban sa kailangang operahin sa kanyang braso nang nanuot ang mga bubog roon at tinahi ang kanyang pumutok na noo at kilay. Nakakahinga na rin siya ng maayos na hindi kailangan ng oxygen.
Humakbang siya sa tabi para hugasan ang mga gulay na nakita niya sa vegetable chiller. Mukhang mahilig magluto si Sarine o si Rodrigo dahil fully packed ang refrigerator sa kusina.
Naalala niya ang sabaw na dinala sa kanya ni Sarine, obviously na walang katiwala ang bahay o kasambahay at mukhang si Sarine ang nagluto niyun para sa kanya, ibig sabihin na masarap magluto si Sarine.
Sinimulan niyang patuyuin ang mga gulay na kanyang hinugasan gamit ang kitchen towels para mabawasan ang tubig nito saka niya piniraso ang lettuce gamit ang kanyang mga daliri at saka niya hiniwa ang kamatis at sibuyas, na ilalagay nila sa burger ni Zane. Nagluto din siya ng fries na request ni Zane at nakita niya ang frozen fries sa freezer at saka niya isinalang mga mga ito sa deep fryer, kung ganito naman ka-hightech ang mga gamit sa pagluluto mas madali ang paghahanda ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...