Chapter 41

1.1K 88 79
                                    

Napalunok si Martin at nanginig na ang buo niyang katawan, nanlamig ang kaibuturan ng kanyang katawan. Para bang bawat hibla ng kanyang laman ay nanuot ang yelo na nagbigay ng panlalamig sa kanyang kabuuan.

Napako ang kanyang mga mata kay Alvin na nasa ibabaw ng kama at nanatili sa posisyon nito. Biglang nakaramdam ng pagkulo ng simura niya si Martin at hinawakan niya ang kanyang bibig para takpan iyun at pigilan niya ang kanyang sarili na maduwal, sa pagsampal sa kanya ng katotohanan.

Bakla si Rodrigo? Bak- bakla.    Ang sabi ng isipan ni Martin at umiling ang kanyang ulo. Umiling ang kanyang ulo, mabagal hanggang sa bumilis at nagsimula na siyang maghabol ng hininga, para bang ang hininga niya ay nauna nang tumakbo papalayo at iniwan siya sa sitwasyon niyang iyun na isang rebelasyon na talagang ikinabigla niya. Kahit pa noong una ay naisip na niya ang mga gawain na iyun sa loob ng kulungan, sa mga lalaking may kaso ng rape na bilang parusa sa loob ay nirirape ang mga ito sa pwet.

Pero hindi niya inakala na si Rodrigo ay isang bakla, lalo pa at may babaeng nagsasabi na ex nito.

"Tumayo ka diyan!" ang galit na sigaw niya kay Alvin na nagulat sa kanyang pagsigaw at nagitla ang katawan nito.

"Pero hindi ba ito ang gusto mo?" ang tanong ni Alvin sa kanya na mukhang nanghihinayang sa pagtanggi niya.

"Gawin mo na, pakiusap ang tagal ko ng hinintay ito mula nang lumabas ka sa hospital," ang nagsusumamo na sabi ni Alvin na naupo na sa gitna ng kama.

"Hindi," ang sambit niya at umiling ang kanyang ulo.

"Anong gusto mo? Gagawin ko, huwag mo lang ako ipagpalit sa iba, sa bibig ko, tulad ng dati, tulad ng dati nating ginawa," ang pakiusap pa nito sa kanya kaya naman nanindig ang kanyang mga balahibo.

Nanginginig na ang laman ni Martin sa galit, hindi dahil sa bakla si Rodrigo kailanman ay hindi siya nanghusga ng tao sa sekswalidad nito ang ikinagagalit niya ay ang naging sanhi ng pagloloko nito at si Alvin ay prime suspect niya.

"Pakiusap Alvin magbihis ka na, kakausapin kita,"   ang mariin na sabi niya rito sa mga labi na hindi man lang bumuka nang magsalita siya. Nanggigigil na siya, lalo pa kung si Alvin nga ang nananakot sa kanya at pagbabanta nito kay Sarine. Oo kay Sarine, hindi siya ang pinagbabantaan nito, hindi ang buhay niya kundi ang buhay ni Sarine, at ang mga likha nitong pagkain.

"P-pero,"-

"Magbihis ka!" ang galit na sigaw niya at nagitla si Alvin sa kanyang pagsigaw rito.  Tumalikod siya habang nagbibihis si Alvin, pero nanatili na naka-alerto ang kanyang sarili sakaling traidurin siya nito.

"Rodrigo," ang sambit nito at lumingon siya at nakita niyang nakabihis na ito. At saka tumiim ang kanyang mga labi at agad niyang kinuwelyuhan si Alvin.

"Rodrigo?" ang takang sabi nito sa kanya at nanlalaki ang mga nagtatanong nitong mga mata.

"Ikaw ba ang nagbabanta sa akin? Kay Sarine?" ang gigil niyang tanong at nakita niya ang pagkunot ng noo nito pero hindi ito nagsalita at umiling lamang ito sa kanya.

Pasulong siyang naglakad habang hawak sa kwelyo ng suot na t-shirt nito si Alvin na paatras naman ang paghakbang at malakas niyang isinandal ang likod ni Alvin sa pader at inangat pa niya na muli ang likod nito bago niya ulit malakas na isinandal sa pader habang nanggigil siya sa kanyang kalooban.

"Ikaw ba ang nanabotahe sa restaurant? Ikaw ba ang pumatay kay Carla?"! ang sigaw na tanong niya at mabilis na umiling ang ulo ni Alvin na mababakas na ang takot sa mukha nito.

"H-hindi, hindi ko magagawa iyun, bakit ko naman sisiraan ang restaurant kung pamumunuan ko ito?" ang sagot ni Alvin sa kanya na may bahid ng takot at may panginginig sa boses nito.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon