Chapter 30

1.4K 96 55
                                    


Nanlamig ang katawan ni Martin nang marinig niya ang sinabi ni Sarine. Napabalikwas siya at kasama niya si Sarine na napaupo sa kama. Sumikip ang kanyang hininga at pinagpawisan siya ng malamig sa kanyang nalaman. Kunot ang noo ni Martin at gulat ang kanyang mga mata na nakatuon kay Sarine.

Si Sarine naman ay tila nagulat sa itinuring o naging resksyon ni Martin, nasa isip na lamang nito na marahil, ang dahilan ng resksyon ng asawa ay ang dahil sa pansamantalang nakalimot ito.

"S-sa pwet?'' ang di mabanggit na tanong ni Martin kay Sarine at hindi ito makapaniwala.

Tumango si Sarine at sandaling napayuko ang mukha nito. kinuha nito ang kumot na nahulog sa bewang nito at hinila pataas para matakpan ang sarili.

"Oo kaya naman sa tuwing...ginagamit mo ako, lagi na lang akong sumisigaw sa sakit, at nakikiusap ako sa iyo na huwag mo akong gamitin, dahil nasasktan ako," ang puno ng hinanakit na sagot ni Sarine sa kanya.

Napuno ng habag ang dibdib ni Martin, labis ang awa na nadama niya para sa babaeng naututunan na niyang mahalin sa napaikling panahon, habang ang asawa nito na nakasama na ito ng matagal ay di man lamang napakitaan ng pagmamahal ang babaeng minamahal na niya.

Kinabig ni Martin si Sarine at humampas ito sa kanyang dibdib, at niyakap niya ito at ikinulong sa kanyang mga bisig ng sobrang higpit. Halos madurog ang malalambot nitong mga dibdib sa kaha ng kanyang mga baga na hirap pa rin sa paghigop ng hangin.

Ipinatong ni Martin ang baba nito sa kanan na balikat ni Sarine, na ang mukha ay nakadikit naman sa balikat ni Martin at ang labi nito ay nakadikit collar bone nito. Ang mga palad ni Sarine ay nakalapat sa dibdib ni Martin, na ang mga kamay naman ay nagtataas-baba sa makinis na likod ng asawa.

"Araw-araw o gabi-gabi ko bang ginagawa sa iyo iyun Sarine?" ang masakit na tanong ni Martin kay Sarine. Naramdaman ni Martin ang paggalaw ng ulo ni Sarine sa kanyang balikat nang umiling ito at kahit papaano ay nabawasan ang pakiramdam ng pagkakasala ang kanyang dibdib kahit pa alam niya na hindi siya ang gumawa niyun kay Sarine.

"Hindi," ang sagot ni Sarine at itinulak nito ang sarili para kumawala sa kanyang mga bisig at muli na nagtama ang mga mata nila, ang kay Sarine na may lungkot at sa kanyang may sakit.

"Satuwing uuwi ka sa bahay at magkukulong ka, dito sa ating silid, magsisimula ko ng marinig ang malakas na pagpapatugtog mo ng musika, tapos maririnig na lang kita na sumisigaw at tumatawa rito sa loob, kapag ganun na nag nangyayari, hindi ko na hinahayaan na lumabas si Zane ng silid nito at pinatutulog ko na siya o di kaya naman hinahayaan ko siyang manood ng mga paborito niyang palabas," ang sagot ni Sarine at sa sandaling iyun ay nakitaan niya ng takot ang mga mata ni Sarine na nakatuon sa kanya.

"Ang mas kinatatakot ko at ipinapanalangin ko ay ang huwag mo akong tawagin sa loob ng silid, dahil sa tuwing malakas mong isisigaw ang aking pangalan ay nagtatayuan ang aking mga balahibo at labis na kaba ang dulot nito sa aking puso," ang saad ni Sarine. Dinampot niya ang kamay ni Sarine na nakapatong sa mga hita nitong nakapaloob sa ilalim ng kumot at mariin niyang pinisil ito at ipinadama niya ang sakit din na naramdaman niya.

"Pero hindi pwedeng hindi kita kita sundin dahil sa natatakot akong magwala ka at madamay si Zane sa galit mo sa akin, kaya kahit alam kong masasaktan ako ay pikit mata ako na pumapasok sa loob n gating kwarto at maabutan kitang nakaupo, naninigarilyo at malakas ang tugtog na musika, may mga gamot na nakakalat sa side table mo, alak, at malakas kang sisigaw para patuwarin ako sa kama, at masakit mo akong pinapasok, umiiyak ako, nagmamakawa na huwag mong gawin kung gagawin mo man ay dahan-dahanin mo, pero mukhang mas gusto mong lumuluha ako at tatawanan mo lamang ako ng malakas, at" at hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil sa damang-dama ni Martin ang sakit at takot sa boses ni Sarine.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon