Chapter 2

1.5K 105 91
                                    

“Happy birthday,” ang malambing na sabi ni Sarine sa anak habang nakahiga na ito sa kama sa loob ng sarili nitong silid. Hinaplos niya ang buhok at noo nito, saka ang magkabila nitong mga pisngi at saka niya isa-isang hinagkan ang mga iyun.

“Thank you mommy, I love you,” ang malambing na sambit ng kanyang anak sa kanya at isang matamis na ngiti ang iginawad niya rito.

“I love you Zane,” ang malambing na sagot niya at muli niyang hinagkan ang noo nito. At saka niya binuksan ang lampshade na nakapatong sa nightstand sa tabi ng kama nito na hugis kotse. Saka siya tumayo at naglakad papalapit sa pintuan at muli niyang pinagmasdan ang mukha ng anak na nakapikit na ang mga mata.

Muli siyang ngumiti at saka niya pinindot ang switch ng ilaw para patayin na ang ilaw sa silid at ang malamlam na liwanag na lamang ng lampshade ang tanging liwanag sa loob ng silid. Saka siya tahimik sa lumabas at marahan niyang hinila ang pinto para ipinid iyun.

At saka naman siya naglakad sa pasilyo patungo sa silid nila ng kanyang asawa na si Rodrigo. At nang maalala niya ang nangyari kanina sa birthday party ng anak ay napuno na naman ng galit ang kanyang dibdib.

Sandali pa siyang tumayo sa harapan ng pintuan ng silid, hindi siya makapaniwala na hanggang sa kaarawan ng anak nila ay nakuha pa rin nitong isali ang mga kalaguyo nito, at ang biro ng malanding babae nito ay sa anak pa niya. Kaya hindi iyun palalagpasin ni Sarine.

Pinihit niya ang doorknob at itinulak ang pinto. Kasabay ng pagbukas ay ang katawan niyang pumasok sa loob at naabutan niya si Rodrigo na nakatayo sa loob ng banyo na nakabukas ang pinto at naninigarilyo ito. She didn’t want him smoking inside the room, pero kailan ba siya pinakinggan nito? Tila ba hangin lamang ang mga salita niya sa loob ng pamamahay na iyun. Ganun yata ang trato sa isang tao na hindi nakatapos ng pag-aaral, mababa ang tingin sa iyo.

Natuto na lang siya dahil sa mahilig siyang magbasa, at iyun ang naging paraan niya para matuto. Nagpatuloy lang si Rodrigo sa paninigarilyo sa loob ng banyo, at siya naman ay naghintay lamang sa loob silid nila. Hindi niya palalagpasin ang nangyari kanina.

Narinig niyang nag-flush ang toilet bowl, at maya-maya ay narinig niya ang tubig mula sa sink na dumaloy, mukhang naghugas na ng kamay si Rodrigo. At maya-maya nga ay lumabas na ito ng banyo at galit na sinundan niya ito ng tingin habang ito naman ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

“Anong nangyari kanina?” ang galit na tanong niya kay Rodrigo na binuksan ang TV at nagsimula na itong manood.

“Birthday ni Zane?” ang patay-malisya na sagot sa kanya ni Rodrigo at walang gana nitong tono ng pananalita habang nakatuon ang mga mata nito sa screen ng television. Gigil na kinagat ni Sarine ang kanyang ibabang labi, at tumayo siya sa harapan ni Rodrigo, sa pagitan nito at ng telebisyon.

“Umalis ka sa harapan ko Sarine,” ang mariin na sabi ni Rodrigo sa kanya at galit na tiningnan siya ng mga mata nito.

“Rodrigo, ilagay mo naman sa lugar ang pambababae mo, wala akong pakialam kung kanino ng kama ka natulog, kung balahurain mo ako sa lantaran na pambababae mo habang suot mo ang singsing na iyan sa mga daliri mo, pero huwag mo namang idamay ang anak mo sa kalokohan mo,” ang galit na sabi niya kay Rodrigo at nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.

“Tigilan mo nga ako Sarine, gusto kong magpahinga, huwag mo akong simulan,” ang mariin na pagbabanta ni Rodrigo sa kanya.

“Ang patigilin mo yang mga babae mo! Huwag mo kaming idamay sa baho mo! Lalo na si Zane! Ilayo ninyo sa kababuyan ninyo!” ang galit na sigaw niya at doon na naputol ang pisi ni Rodrigo sa kanya, na noon pa man ay maikli na, lalo na sa kanya.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon